Unfair sa ibang nangungupahan | JV sa Kadamay: Walang libreng pabahay ang gobyerno - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

Unfair sa ibang nangungupahan | JV sa Kadamay: Walang libreng pabahay ang gobyerno


Photo credit to Inquirer News/tnt.abante.com.ph

Ayon kay chairman ng Senate committee on housing, Senador JV Ejercito, dapat ay tigilan na ng mga Kadamay ang pagpupumilit na mag-okupa sa mga pabahay ng gobyerno.
Iginiit ng senador na hindi naman puwedeng mamigay nalang ng libreng pabahay ang gobyerno sa mga Kadamay habang ang iba mamamayan ay nagsusumikap na mangupahan at nagtatrabaho upang makabili ng sariling bahay.

Ibinahagi din ng senador ang Batas na walang nagsasabi na tungkulin ng gobyerno na bigyan ang libreng pabahay ang mga mahihirap kundi ang nakalagay saligang batas ay bigyan ng "affordable" at abot kayang pabahay para sa kapus palad.


Photo credit to cnnphilippines.com

Photo credit to Philippine Star
“The State shall, by law, and for the common good, undertake, in cooperation with the private sector, a continuing program of urban land reform and housing which will make available at affordable cost, decent housing and basic services to underprivileged and homeless citizens in urban centers and resettlement areas.” Ayon sa batas.
Sinabi rin ni Ejercito na madami din katulad ng Kadamay na biniyayaan ng abot kayang housing project kaya't walang karapan ang Kadamay na tirahan ng libre ang mga pabahay ng gobyerno.

Sinabi pa nito na dapat nagbabayad ang Kadamay ng P200 hanggang P300 kada buwan sa housing project ng gobyerno upang maging responsable at matutong magkaroon ng pananagutan ang bawat isang myembro ng Kadamay.


Photo credit to twitter.com

Photo credit to DZRH News
“So I’m appealing to the members of Kadamay to hopefully practice restraint. Just give us a little more time because I’m very optimistic that with the passage of the Department of Housing, its creation would definitely synchronize and improve the housing programs of government,” dagdag ni Ejercito.

Kamakailan lang ay binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng palugit ang mga myembro ng Kadamay para umalis sa kanilang mga tinitirahang mga pabahay ng gobyerno sa Lugar ng Rodriguez Rizal.


Photo credit to GMA Network

Photo credit to gmanetwork.com
Sa naging talumpati ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sinabi nito na direktibang ipinag-utos ni Pangulong Duterte na hindi na dapat payagan ng mga pulisya na makabalik pa ang mga Kadamay sa naturang housing units.

"Given this latest attempt, the President has given directives to the police that Kadamay should not be allowed to takeover these housing units," Saad ni Roque.

Sinabi din ng Pangulo na dapat ay hanggang alas-12 ng tanghali na lamang ang mga ito para lisanin ang lugar at kung hindi ay ipapadala nito ang Special Action Force (AFP) para puwersahang paalisin ang mga ito.

Sinabi din ng Pangulo na ang lalakas ng loob ng mga Kadamay na manghingi ng tulong o ng mga pabahay pero sa kabila ng lahat ay sinusunog naman ng nasabing myembro ang kanyang larawan kapag nagpoprotesta ang mga ito.

***

Disclaimer: The images on this blog are copyright of its respectful owners. Photographs are for illustration purposes only, we do not possess the photos and no copyright encroachment is expected. So, if the photos showing up on this blog belong to you and does not wish for it to appear on this site, please send us an email with the link of the image and it will be instantly removed from the page.

Source/s: tnt.abante.com.ph/cnnphilippines.com/rmn.ph

Unfair sa ibang nangungupahan | JV sa Kadamay: Walang libreng pabahay ang gobyerno Reviewed by Unknown on June 15, 2018 Rating: 5 Photo credit to Inquirer News/tnt.abante.com.ph Ayon kay chairman ng Senate committee on housing, Senador JV Ejercito, dapat ay tigil...

No comments: