SC, ibinasura na ang ‘Ill – gotten’ wealth case laban sa mga Marcos - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

SC, ibinasura na ang ‘Ill – gotten’ wealth case laban sa mga Marcos


Photo credit to CNN Philippines
Civil Case na isinampa laban sa Pamilya Marcos at mga cronies nito, tuluyan nang ibinasura ng Korte Suprema nitong Martes, Hunyo 19, 2018.

Wala umanong tiyak at matibay na basehan ang mga alegasyon ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) upang patunayan ang pagbawi ng yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos at asawang si Imelda Marcos sa umanoý tinagong yaman ng mga ito.

Pinagtibay din ng Korte Suprema ang ginawang ruling noong Agosto 2010 at 2011 na nagbabasura sa apela ng PCGG na bawiin ang mga ‘ill – gotten wealth’ ng pamilya Marcos.

Ayon naman sa ruling na inilabas ng mga mahistrado ngayong Martes, "It finds that these are not sufficient to establish that the [respondents] engaged in 'schemes, devices or stratagems" to acquire ill-gotten assets,” kahit i – konsidera pa ang dating naging testimonya ng PCGG.

Photo credit to ABS-CBN News

Photo credit to YouTube
Banggit naman sa 28 – pahinang desisyon na ini-akda ni SC Associate Justice Noel Tijam ang sinabing, "In order to determine the veracity of the Republic's main contention that it has established a prima facie case against respondents through its documentary and testimonial evidence, a reassessment and reexamination of the evidence is necessary," the ruling read. "Unfortunately, the limited and discretionary judicial review allowed under Rule 45 does not envision a re-evaluation of the sufficiency of the evidence upon which respondent court's action was predicated."

Samantala, nakakalap naman ang PCGG ng mahigit kumulang sa P170 Bilyon na umano’y ill – gotten wealth ng mga Marcos sa loob ng mahigit 30 taon at kasalukuyan pang pinagpapatuloy ang 248 nakasampang kaso laban sa mga Marcos at mga cronies nito sa iba’t ibang korte ng bansa kabilang na sa Korte Suprema.

Photo credit to news.kuwaittimes.net

Photo credit to Bong Go Speaks to Adobo Chronicles
Sa isa namang pahayag ng opisyal ng PCGG, iginiit nito na patuloy parin ang paghahanap nila ng paraan, ultimo remedyo, para lamang mapausad ang kaso.

Ayon dito, "Although the complaint was filed by the PCGG more than 31 years ago, and the Supreme Court decision was a mere affirmation of the Sandiganbayan ruling 8 years ago, the present officials of PCGG will still exhaust all possible legal remedies to pursue the case and to protect government interest,"

***

Disclaimer: The images on this blog are copyright of its respectful owners. Photographs are for illustration purposes only, we do not possess the photos and no copyright encroachment is expected. So, if the photos showing up on this blog belong to you and does not wish for it to appear on this site, please send us an email with the link of the image and it will be instantly removed from the page.


SC, ibinasura na ang ‘Ill – gotten’ wealth case laban sa mga Marcos Reviewed by Unknown on June 19, 2018 Rating: 5 Photo credit to CNN Philippines Civil Case na isinampa laban sa Pamilya Marcos at mga cronies nito, tuluyan nang ibinasura ng Korte ...

No comments: