Pasahero ng BUS, nanap*k, n*gmura at nagyabang nang hindi pinayagang bumaba ng konduktor - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

Pasahero ng BUS, nanap*k, n*gmura at nagyabang nang hindi pinayagang bumaba ng konduktor


Pasahero ng BUS, nanap*k, n*gmura at nagyabang nang hindi pinayagang bumaba ng konduktor / Image credit to the owner

Nagtamo ng sugat sa ilong ang isang konduktor sa loob ng bus matapos maka – engkwentro ng nag – aamok na pasahero sa kadahilanang hindi ito pinayagang bumaba sa nais nitong bababaan.
Nakilala ang pasaherong nanuntok na si Alan Quiamco Gonzales na naging saksi ang mag ina nito sa kaguluhang ginawa.

Nakuha naman sa video ang kaguluhang naganap kung saang makikita na dahan dahang pinupulot ng konduktor ang mga nabitawang pera at ticket habang patuloy na binubulyawan pa ni Gonzales. Halata din na tila apektado at naabala ang ibang mga pasahero sa pangyayari.

Banggit ng konduktor sa video, sa ‘Farmer’s Plaza’ palang, nagsabi na umano itong BAWAL MAGBABA sa Five Star Bus Station – kung saan marahil gustong bumaba nila Gonzales.
Galit na galit umano si Gonzales nang hindi ito pinagbigyan at pinagsasalitaan ng masasama ang konduktor gayon at maayos din namang ipinaliwanag ng sa kanya na may multang P1,000 ang maling pagbaba ng pasahero.

Ayon sa konduktor, "Letter A po tyo kanina pa po ako nag papa-baba hndi po kyo bumaba." Dagdag pa aniya, wala sila magagawa kundi sumunod lang din sa batas. Dito lalong napikon si Gonzales at pinagmumura ang konduktor habang pinag – sabihang hindi umano ito ‘B*B*’ hangga’t sa nanapak na nga ito.

Hindi na nagawang awatin nino man si Gonzales na ayon sa pag - mamayabang nito ay may kapatid daw siyang Pulis sa Camp Crame.

Sa buong video, halatang kumakampi ang mga naabalang pasahero sa konduktor na gumagawa lamang ng kanyang trabaho.

Basahin ang buong post sa ibaba:

PANOORIN PO NATEN ANG VIDEO PARA MAKITA NATEN ANONG KLASENG TAO SI RONALD ALAN QUIAMCO GONZALES. 

GUSTO BUMABA SA GUSTO NYA BABAAN PINALIWANAG NG KONDOCTOR NA BAWAL. MAG MUMULTA NG 1000. 

NAGALIT AT SUMAGOT NG SARKASTIKO SI PASAHERO. PINAG MUMURA SI KO DOCTOR. NAPIKON NAMAN SI TATAY CONDOCTOR, LETTER A PO TYO KANINA PA PO AKO NAG PAPA BABA HNDI PO KYO BUMABA. SAGOT NIPASAHERO MAY MGA BATA SYANG KSMA. WALA PO MGAGAWA SUMUSUNOD LNG PO TYO SA BATAS. NAGMURA SI PASAHERO AT NAPIKON SI CONDOKTOR AT CNABI WAG PO B*B*. HANGGAT BIGLANG NANAPAK C PASAHERO.

KUYA ALAN KUNG MAY BATA KA KSAMA SNA HNDI KA N LNG NKIPAG AWAY DAHIL NKIKITA NG ANAK MO MGA GNAGAWA MO KUNG TAMA...

NAG SUSUMIGAW C PASAHERO TUTURUAN NG LEKSYON SI KONDOKTOR.

KAPATID KO PULIS NASA CRAME! PAKUKULONG KITA PASAHERO AKO GINANITO MO AKO!

Habang cnasbi nyang cnapak sya at may sugat sya na GASGAS yung ilong ni manong condoktor umaagos ung dugo...

Bkit? Kasi yung asawa kunwari umaawat pwro dinaganan si tatay condoktor hinwakan sa muka kaya nasapak ng nasapak.

Pinag mumura ng lalaki kahit yung babaeng pasahero n tumawag ng pulis...

Sa QC bawal mambastos ng babae buti di ka nireklamo ng babae kuya Alan mukang Lasing ka pa naman...kundi baka kulong ka.

Nag susumigaw si ALAN papatanggal kita s trabaho mo! Hindi to pwde! Wag paandarin yung bus peperwisyuhin kta!
Kapatid ko pulis nasa crame!

Mga KA FB paki share para matulungan nten c manong condoktor.

Panoorin ang video sa ibaba:



***

Source:  Newsgraph/Facebook

Pasahero ng BUS, nanap*k, n*gmura at nagyabang nang hindi pinayagang bumaba ng konduktor Reviewed by Unknown on June 02, 2018 Rating: 5 Pasahero ng BUS, nanap*k, n*gmura at nagyabang nang hindi pinayagang bumaba ng konduktor / Image credit to the owner Nagtamo ng sugat...

No comments: