Nakakahiya! Ginang, Kakaibang Tulong ang Hinihingi kay Raffy Tulfo - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

Nakakahiya! Ginang, Kakaibang Tulong ang Hinihingi kay Raffy Tulfo


Photo credit to Raffy Tulfo in Action

Sa panibagong episode ng programa ni Raffy Tulfo, napanayam ang isang ginang na si Carmelita Malolos na nagrereklamo at gusto nitong umalis na lamang sa bahay ng kanyang anak dahil hindi daw nito masikmura ang pag-uugali ng mga kinakasama sa bahay.
"Ayaw ko na po, aalis nadin po ako dun ayaw ko na po doon eh. hindi ko na po matagalan." Panayam ni Aling Carmelita.

Ayon naman sa naging panayam ng kanyang anak na lalaki na si Paul Maloles, meron daw diumanong pinagkakagastusang lalaki ang kanyang ina, dahilan ng pagbenta nito sa sariling bahay at bumili ng panibagong bahay upang ipangalan sa kanyang kinakasamang lalaki.


Photo credit to Raffy Tulfo in Action

Photo credit to Rafyy Tulfo in Action
"Ang nanay ko ho talagang ganyang ang sinasabi nyan paanong hindi ako magagalit. kami ho lahat ang gumagastos sa bahay. Ako po nangungupahan, pagkain, tubig, kuryente, ako po lahat. tapos nabalitaan ko naman po na ginagastusan nya yung lalaki nya. Ininenta nya ang bahay nya at bumuili sya ng bago at ipinangalan nya sa pangalan nya at sa lalaki nya." Panayam ng kanyang anak.
Nagbigay rin ng panayam ang asawa ni Paul at sinabing mas mabuting maghiwa-hiwalay na muna sila upang magkaroon ng respeto sa bawat isa.

Dahil dito sinabi ni ginang Carmelita na hinihingan na umano sya ng 3 months deposit sa kanyang bagong lilipatan na bahay at gagastusin sa pang-arkila ng sasakyan para sa mga gamit nito.

Agad namang sinagot ni Raffy Tulfo ang humigit kumulang na 10,000 na gagastusin upang matapos nalang ang reklamo ni ginang Carmelita.


Photo credit to Raffy Tulfo in Action

Photo credit to pinoytrending.altervista.org
Sa video ay makikita ng naglilipat na ng gamit ang ginang papunta sa bago nitong titirahan. 

Ang hindi inaasahan, pagkatapos ng ilang araw ay bumalik si ginang Carmelita sa action center dahil gusto nitong makausap si Raffy Tulfo dahil gusto nitong si Tulfo ang magbayad sa every month na renta sa kanyang bagong tinutuluyang bahay.

Dahil sa kabutihang loob ni Tulfo ay sinabi nitong titignan nito kung kaya nyang gawan ng paraan ang hiling ni nanay dahil madami umano siyang iba pang tinutulungan.

Nilinaw naman ni sir Raffy sa publiko na hindi siya mangangako sa kagustuhan ni nanay pero handa umano siyang tumulong.

Umabot na sa 40,000 shares at 50,000 reaksyon ang naturang video at patuloy pa itong nadadagdagan dahil sa kakaibang reklamo ni Ginang Carmelita.


Photo credit to commons.wikimedia.org
Basahin ang naging reaksyon ng mga netizen:

Gardo Siyanong Galisay: Matinik tlaga c idol..hindi cya na budol budol ng matanda!!!pababayaran ba nman kay idol ang monthly rental,groceries,pagkain ng aso,kurente at tubig!!!😂😂😂😂😂

Edna Barber: Ang ganyan tao sir, hindi dapat tulungan, pabigat sa system ng government and daming ganyan dito. Mula sapul bata pa ako hangang ngayon nagtrabaho at nag bayad ng taxes.Hayyyt Salamat po sa diyos at sa inyo Sir.

Edna Barber: More power Sir Raffy, bless your tangapan. Thank you for multiple reaction your show cause me. Magalit, mainis, umiyak at mag mura. But that because you are doing the public an excellent service. Bait po ninyo. I wish to meet you someday.

Panoorin ang video sa ibaba:



***

The images on this blog are copyright of its respectful owners. Photographs are for illustration purposes only, we do not possess the photos and no copyright encroachment is expected. So, if the photos showing up on this blog belong to you and does not wish for it to appear on this site, please send us an email with the link of the image and it will be instantly removed from the page.

Source:  Raffy Tulfo in Action/Facebook
Nakakahiya! Ginang, Kakaibang Tulong ang Hinihingi kay Raffy Tulfo Reviewed by Unknown on June 08, 2018 Rating: 5 Photo credit to Raffy Tulfo in Action Sa panibagong episode ng programa ni Raffy Tulfo, napanayam ang isang ginang na si Carmelita Ma...

No comments: