NAIA tanim-bala fake-news - DOTr - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

NAIA tanim-bala fake-news - DOTr


Photo credit to Pinoy Thinking

Matatandaang kinumpirma ng isang netizen na si Kristine Bumangla-Moran na may insidente nanamang 'Tanim Bala' na naganap umano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3.

Ibinahagi ni Kristine ang isang video sa kanyang Facebook account kung saan personal nitong naranasan diumano ang ‘Tanim Bala’ modus.

Makikita sa video na ang kanyang bagahe ay iniinspeksiyon ng isang airport personnel at laking gulat nito ng makitaan ng 9mm na bala sa loob ng kanyang bagahe.

Photo credit to Kristine Bumanglag-Moran (Facebook)

Photo credit to Kristine Bumanglag-Moran (Facebook)
Basahin ang kanyang post sa ibaba:

“My dear friends, family and relatives colleagues please help me by sharing or repost this please..

“This afternoon around 2:30pm I was at NAIA terminal 3 gate 2 upon check in going to Zamboanga and passing by X-ray I was held by the officer that my bag was to be for opened for inspection. I obliged thinking that they saw the " black box " that I have inside it ( a black box is a small equipment in Physical Therapy we use for treating our patients ). I placed my bag and the man with the grey sweater help me and even help me opened my bag. he opened it and got an item my daughter's jumpsuit saying " etu yun " but there was nothing in it. 

“The other officer said "buksan pa natin " to my shock and dismay I saw a bullet inside the front pocket of my baggage. It was I tiny bullet ( 9 mm) goodness!!!

“I was so furious and I was yelling " mga tarantado kyo Hinde pa pala tapos etung palabas nyo ! Ako pa ang na timing nyo! Nag tratrabaho Ako ng maayus At Sa gobyerno tulad nyo ! Mga putsa kyo Kako kasama Ko ang anak Ko na Ka discharge Sa Hospital Tapos ang nanay Ko na senior citizen !

Photo credit to Kristine Bumanglag-Moran (Facebook)

Photo credit to Kristine Bumanglag-Moran (Facebook)
“A police officer then approached us asking what had happened and i told them oh they just found out a had a bullet in my bag! Shit Kako maam Hinde Ako tanga Wag nila Ako gawing tanga! Hinde Ko palalampasin etung katarantaduhan nila !

“A senior police approached nagpakilala Ako Kako Sir empleyado Ako ng gobyerno At mali etu. Ang Sabi maam Ok lng Yan logbook lng nmin etung incident Wla namn Po mangyayare Sa Inyo.

“They asked for my ID, my mom didn't agree I gave her senior citizen ID instead. May sinulat lng Sa logbook.

Photo credit to Kristine Bumanglag-Moran (Facebook)

Photo credit to Kristine Bumanglag-Moran (Facebook)
Matapos ang insidenteng ito, nakarating naman kaagad ito kay Pangulong Rodrigo Duterte at kaagad nitong pinaimbestigan upang malaman ang katotohan.

"Inaalam ngayon ng authorities kung saan nanggaling 'yon, kung ano ang puno't dulo. Kung talaga bang hinulog para mangikil. So pakinggan din natin, antayin natin ang imbestigasyon, in 24 hours, i-submit nila ang report sa amin." Pahayag ni Special Assistant to the President Christopher "Bong" Go.


Photo credit to Philippine Star
Matapos ang ilang araw, sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na walang nilabag o iregularidad na ginawa ang mga tauhan ng NAIA Terminal 3 na nagsagawa ng inspeksyon sa nagreklamong pasahero na si Kristine Moran.

“There was no irre­gularity on the actions of screening personnel, who simply strictly followed standard opera­ting procedures,” ayon sa statement ng DOTr.

Ayon sa DOTr-MIAA, nakunan ng video ang paghahanap ng bala sa bag ni Moran matapos itong dumaan sa x-ray operator, kaya malinaw umano na walang kinalaman ang mga tauhan ng nasabing paliparan.

Pagkatapos nito, sinabihan umano ang pasahero na pagkatapos ayusin ang mga paper work, tsaka palang siya makakasakay at ang kanyang mga kasama papuntang Zamboanga ngunit bigla nalang raw itong nagiskandalo at nagpakawala ng masasakit na salita.

***

Disclaimer: The images on this blog are copyright of its respectful owners. Photographs are for illustration purposes only, we do not possess the photos and no copyright encroachment is expected. So, if the photos showing up on this blog belong to you and does not wish for it to appear on this site, please send us an email with the link of the image and it will be instantly removed from the page.


NAIA tanim-bala fake-news - DOTr Reviewed by Unknown on June 17, 2018 Rating: 5 Photo credit to Pinoy Thinking Matatandaang kinumpirma ng isang netizen na si Kristine Bumangla-Moran na may insidente nanamang '...

No comments: