Mga PWD sa SM food court, pinapaalis ng mga guard dahil di raw sila mga 'customer' - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

Mga PWD sa SM food court, pinapaalis ng mga guard dahil di raw sila mga 'customer'


Photo credit to Erickson Galura (Facebook)
Nakaranas diumano ng diskriminisyon o bullying ang isang grupo ng PWD sa food court sa mall matapos ang ginawang pagtrato sakanila ng mga guard mula sa establisyemento.
Ayon sa video na ibinahagi ng isa sa grupo ng PWD, matapos silang bumili ng kanilang pagkain na waffle at tubig ay hindi nila maintindihan kung bakit gusto silang paalisin ng mga guard sa Person with Disability area ng nasabing food court.

Ayon sa video, sinabi ng guard na "Customer ba kayo ng food court" gayon bumili naman sila ng kanilang pagkain.


Photo credit to Erickson Galura (Facebook)

Photo credit to Erickson Galura (Facebook)
Maya-maya ay meron ulit lumapit sa grupo ng PWD at tananong ulit sila kung customer daw ba sila ng food court dahil para lamang ito sa mga customer.

Makikita sa video na hindi makapagsalita ang ilang grupo ng PWD ngunit naririnig naman nila ang usapan kaya alam nila ang nangyayari.
Dahil sa hindi tamang paraan ng mga guard para sabihan ang mga grupo ng PWD, isang lalaki ang lumapit at nagmalasakit upang ipaliwag kung ano ang nangyayari at ayusin ang hindi pagkakaunawaan.

Hindi naman nagustuhan ng ilang netizens na nakapanuod ng video dahil para sakanila ay mali ang ginawang pagtrato sa mga kababayan nating PWD.


Shanna Gela C. Delantar: Kahit may bibilhin or wala ang tao the moment na pumasok sila.sa mall they are considered customer already.. I worked at SM dept store and ang turo sa amin is to give exceptional customer service whether nakapang bahay or sosyal outfit ni customer or whether bibili or hindi.. nakakali lungkot naman yan.. I would like to apologize sa i yo in behalf of my former company.. We weren't trained to be mean but to value every customers..



Hanni Sky: Nangyari na samin yan sa sm manila. May guard dun na bawal ka umupo sa foodcourt hanggat wala ka binibili . Kahit tambay ka lang saglit or mamaya ka pa bbli ng food mo paaalisin ka. Khit hindi pa gaano kadami nung tao. Tsaka that time bumili kami ng paotsin sa may tapat ng groceries. Syempre hindi kami makakain kasi standing ovation dun sa harap nung bilihan tpos maraming kumakain nagdecide kami na sa foodcourt nalang . Ang kaso pinaalis kami nung guard kasi hindi daw part ng foodcourt ung pinagbilhan . Kumakain na kami nun bgla ka nalang mababadtrip


Rosemin Figuracion Siojo: Dapat sibakin sa trabaho yan guard n yan at yun kasama nya. Kahit wala pa binili yan mga yan as human being mall yan at public place yan sana hinayaan na lang nila for as long as wala naman ginagawa masama o mlaswa mga tao dyan.

***


Disclaimer: The images on this blog are copyright of its respectful owners. Photographs are for illustration purposes only, we do not possess the photos and no copyright encroachment is expected. So, if the photos showing up on this blog belong to you and does not wish for it to appear on this site, please send us an email with the link of the image and it will be instantly removed from the page.


Source/s:  kami.com.ph/Erickson Galura (Facebook)
Mga PWD sa SM food court, pinapaalis ng mga guard dahil di raw sila mga 'customer' Reviewed by Unknown on June 16, 2018 Rating: 5 Photo credit to Erickson Galura (Facebook) Nakaranas diumano ng diskriminisyon o bullying ang isang grupo ng PWD sa food court sa ma...

No comments: