Mga Mangingisda sa Zambales nagkaroon ng Dayalogo sa Pamahalaan, Isiniwalat ang Katotohanan sa Kumakalat na Balita sa Kanilang Relasyon sa mga Chinese Coast Guards - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

Mga Mangingisda sa Zambales nagkaroon ng Dayalogo sa Pamahalaan, Isiniwalat ang Katotohanan sa Kumakalat na Balita sa Kanilang Relasyon sa mga Chinese Coast Guards

Mga Mangingisda sa Zambales nagkaroon ng Dayalogo sa Pamahalaan, Isiniwalat ang Katotohanan sa Kumakalat na Balita sa Kanilang Relasyon ng mhga Chinese Coast Guards/Image credit to PTV and to Google

Hiningi ng mga mangingisda na maging patas ang media sa pagrereport ng balitang patungkol sa kanilang sitwasyon sa mga Tsino sa Scarborough Shoal.

“Ang amin pong panawagan upang hindi maipit ang mga maliliit na mangingisda. Kasi po pagkat hindi po balance ang pagrereport ng ating media,” sabi ng mangingisdang si Rolly Bernal.



Hinihingi rin ng Mayor ng Masinloc, Zambales Hon. Desiree S. Edora kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tulungan ang mga mangingisdang ito sa kanilang pagkakaipit sa sitwasyong sinilab ng medya.

Image screenshot grabbed from YouTube/PTV

Image screenshot grabbed from YouTube/PTV

Image screenshot grabbed from YouTube/PTV

Ayon sa mga mangingisda ng Zambales, ang katotohanan daw ay isang kapwa-mapagbenipisyong barter sistem ang meron sila at nga mga Tsino.

“May umakyat saming na Chinese, may dala siyang beer na walong piraso siguro yun at tsaka hating rim ng sigarilyo, ang sabi barter daw. Eh hindi naman kami magkaintindihan. Pagkatapos niyang ibigay ang sigarilyo tsaka beer, nagbubukas na po sila ng box na pinaglagyan namin ng isda,” sabi ng mangingisdang si Floro Delegencia.



Inilinaw rin ng mga mangingisda na hindi sila hinaharass,

 “Hindi kami nakatikim na hinarass... di pa kami naka subok na binubully doon mula noong nag open na ang pangingisdaan ng mga Pilipino Scarborough,” sabi ng mangingisdang si Joseph Jeruela.

Tinulungan pa nga raw sila ng mga Tsino pag nagkakaproblema o nasa alanganin ang kanilang mga buhay, tulad ng pagkakasira ng kanilang mga bangka.

“...Ayon nabutasan po ng malaki, at doon ko po na obserbahan ang Chinese na tumutulong din sila sa amin,” inilinaw ni Delegencia.



Binibigyan pa nga raw sila ng kanilang kinakailangan pag nagkaka-aberya sa laot.

“Sabihin kung ano ang mga kailangan, sabi ng aming kapitan, sabi niya, ‘Sir kailangan namin ng oil para sa makina sa change oil, kailangan namin ng tubig kasi naitapon namin ang mga tubig, kailangan namin ng bigas dahil nabasa ang bigas namin. Binigyan po kami lahat yun’,” dinagdag ni Delegencia.

Ang hindi pagkakaintindihan dahil sa language barrier ang nagiging problem ng mga mangingisda. At kung ano man ang kilusin ng isa’t-isa’y tanggap naman daw.

Image screenshot grabbed from YouTube/PTV

Image screenshot grabbed from YouTube/PTV

Image screenshot grabbed from YouTube/PTV

Kaya marami sa kanila ang tumatanggol sa mga Tsino pagkat hindi naman sila hinaharass, nakikipagtao lang naman ang mga ito sa kanilang mahilig pumalaot.

Sa panig naman ng militar, bumubuo sila ng Aerial Task Force North sa ilalim ng National Task Force West Philippine Sea upang tutukan ang pangangailangan ng mga mangingisda. Sabi nga ni Commodore Nichols Driz, ang commander ng NFNL.

 “Magkaroon tayo ng moral obligations na iparating itong mga nangyayaring ganitong bagay sa kinauukulan.”














What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.


















Daily Revelations Pilipinas Source: YouTube | www.goodnewsduterte.com


Disclaimer: The images on this blog are copyright of its respectful owners. Photographs are for illustration purposes only, we do not possess the photos and no copyright encroachment is expected. So, if the photos showing up on this blog belong to you and does not wish for it to appear on this site, please send us an email with the link of the image and it will be instantly removed from the page.
Mga Mangingisda sa Zambales nagkaroon ng Dayalogo sa Pamahalaan, Isiniwalat ang Katotohanan sa Kumakalat na Balita sa Kanilang Relasyon sa mga Chinese Coast Guards Reviewed by Unknown on June 18, 2018 Rating: 5 Mga Mangingisda sa Zambales nagkaroon ng Dayalogo sa Pamahalaan, Isiniwalat ang Katotohanan sa Kumakalat na Balita sa Kanilang Relasyon...

No comments: