Maharlika, binara ang video ni Kris para kay Mocha: “Bagsak ang Acting mo” - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

Maharlika, binara ang video ni Kris para kay Mocha: “Bagsak ang Acting mo”


Photo credit to YouTube

‘Bagsak ang Acting Mo’ – ganyan ang pagkakalarawan ng kilalang political commentator sa Facebook na si Maharlika sa naging reaksiyon nito ukol sa live video ni Kris Aquino na  tumugon naman sa nauna nang video na ibinahagi ni Mocha Uson na nagdadawit at naninira umano sa yumaong Ninoy at Cory Aquino.
Punto por punto na binara at sinupalpal ni Maharlika ang pahayag ni Kris sa video na ayon sa depensa nito ay may karapatan aniya siyang magsalita lalo na sa mga naaapi katulad nila. 

Ayon kay Maharlika, hindi naman uubra ang ‘Acting 101’ ni Kris sa taumbayan dahil malinaw na umano ang mga pandaraya at kahayupang ginawa umano ng mga Aquino sa bansa at mga Dilawang ka – alyado nito.

Dagdag pa ni Maharlika, hindi pa umano matutumbasan ng hiya at dangal ang ginawang pamb@b@boy ng mga Dilawan at Anti – Marcos sa video na tinutukoy ni Kris na umano’y naging panira laban sa kanilang pamilya.
Umani naman ng mga positibong komento ang video ni Maharlika na napanuod na ng mahigit 350,000 sa kasalukuyan. 


Photo credit to Maharlika

Photo credit to Maharlika
Naging mainit ang binitawang salita ng Queen of All Media na si Kris Aquino laban kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson nitong Martes lamang, Hunyo 5, nang ibinahagi nito ang isang video na nagkukumpara lamang sa ginawang paghalik ng Pangulong Rodrigo Duterte sa isang OFW kamakailan at ang paghalik din ng isang di – nakilalang babae sa yumaong Ninoy Aquino.

Ayon kay Kris, isa umano itong pambabastos laban sa kanilang pamilya kung kaya’t hindi nito mapigilan ang sarili na batikusin ang ginawang paghahambing ni Mocha. 

Makikita din sa video na tila hinahamon pa ni Kris si Mocha sa isang debatehan o di kaya gayahin ang eksena na maihahambing sa pelikula kung saan bumida sina Angel Locsin, Bea Alonzo, at iba pa.

Ang naturang live video ni Kris ay kasalukuyang umani na ng mahigit 200,0000 na reaksyon mula sa ibang Netizens at naibahagi na din ng mahigit 60,000 beses.

Panoorin ang video ni Maharlika:



***

Disclaimer: The images on this blog are copyright of its respectful owners. Photographs are for illustration purposes only, we do not possess the photos and no copyright encroachment is expected. So, if the photos showing up on this blog belong to you and does not wish for it to appear on this site, please send us an email with the link of the image and it will be instantly removed from the page.

Source:  Maharlika

Maharlika, binara ang video ni Kris para kay Mocha: “Bagsak ang Acting mo” Reviewed by Unknown on June 06, 2018 Rating: 5 Photo credit to YouTube ‘Bagsak ang Acting Mo’ – ganyan ang pagkakalarawan ng kilalang political commentator sa Facebook na si Maharl...

No comments: