Magpapacheck up ka ba sa kanya? Post ng isang napakagandang doktora, kinaaliwan ng mga netizens - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

Magpapacheck up ka ba sa kanya? Post ng isang napakagandang doktora, kinaaliwan ng mga netizens


Photo credit from balita.definitelyfilipino.com
Kinaaaliwan ngayon sa Social Media ang isang Netizen na nagngangalang Maria Sydney Salientes Rubrica, na katatapos lamang sa kursong Medisina, na bukod sa kanyang taglay na kagandahan at masayahing pagkatao ay naging inspirasyon din ng ibang mga nagnanais maging Doktor katulad nito o kahit nino man na gustong makatapos ng pag-aaral.
 
Naging viral ang mahabang post nito sa kanyang Facebook Account kung saang idinaan niya sa pasasalamat ang lahat nang taong naging kaagapay niya sa pag tagumpay lalo na ang kanyang mga magulang at kapatid na balak niyang pagsilbihan ng habambuhay.

Ganito niya sinimulan ang kanyang post: "Mama, Papa, Ate. Hindi ko alam pano niyo ako naitawid sa pagdodoctor. Di ko na cocomputin, mahirap na. Pasensya na at nagkaron kayo ng ambisyosang anak/kapatid. Kinaganda natin ‘to. di ko alam pano magthathank you sa inyo bukod sa pagpost ng nagtitinaray na picture na ‘to. Pero isa lang sure ko, mahal na mahal niyo ko. At parang trip kong higitan yun. Balak kong, habang buhay kayong pagsilbihan. Kayo na pamilya ko kasama ang dalawa ko pang tukmol na kapatid. Walang halong kyeme yan. Mukha man akong joke pero naluluha ako dito. haha!"
Kinilala din ni Sydney ang umano'y 'walang humpay' na pagmamalaki sa kanya ng kanyang mga tiyahin at buong angkan nito bilang kauna - unahang manggagamot at tagapag - ligtas ng buhay sa kanilang pamilya. LIBRENG CHECK - UP naman ang pangako niya sa mga ito.


Photo from Maria Sydney Salientes Rubrica/Facebook

"Sa mga tita ko, tita Lina at tita Julie. salamat sa pagantabay niyo sa akin. Sa sobrang laki ng utang na loob ko, naging utang na labas na siya. Mahal na mahal ko kayo. Sa buong angkan na walang humpay na ipinagmamalaking may nagdodoctor silang kapamilya, ito na yun mga mahal! hahaha!! pwede na tayo mangampanya para sa susunod na halalan! hahaha libre lahat check up!!"

Laking pasalamat din ni Sydney sa mga kaibigan nito na aniya ay madalas na siya ang nililibre dahil nauna pang nakatapos sa kanya. Dadating daw ang araw na makakabawi ito at siya naman ang magiging taya. Binati rin niya ang mga kaklaseng naging kasama niya sa pag-aaral, na sa kabila ng lahat ng paghihirap ay may maganda nang kinabukasan ang naghihintay para sa kanila.


Photo from Maria Sydney Salientes Rubrica/Facebook

"Sa mga kaibigan kong lagi akong nililibre dahil 'estudyante ka pa lang kami nagtatrabaho na'. Ayun, wala pa din ako panlibre sa inyo kaya libre niyo pa din ako hahahaha!! pero darating din ang araw, bigtime na tayo. Lilibre ko din kayo. #diakotokis pero salamat, birerecharge niyo ko pag pagod na ko. Sa mga classmates ko, biruin niyo yun! may kinabukasan na tayo! hindi na malayo ang umaga hahahahah!! Congrats sating lahat. Pagsisilbihan pa natin kahit pa may magpicture sating natutulog tayo. hahah naipasok ko din #notodoctorshaming"

At siyempre pa, banggit din nito ang kanyang tinuturing 'special someone' na magsisilbi umanong kalawakan niya sa hinaharap.


Photo from Maria Sydney Salientes Rubrica/Facebook

"Sa special someone ko.. hello. wala kang dulot!! asan ka na ba? cannot be reach ka bes. hahaha. #ngitingpwedengmagjowa na ako oh. pakita ka na. Char! kidding aside, thank you. magsisilbi kang kalawakan ko. Mahal na mahal kita in advance. read mo to ha. gusto na kita makita at mayakap."

Higit sa lahat, buong buhay na utang na loob niya sa Diyos ang lahat dahil sa umano'y 'swabeng paglalakbay' na natamo nito para tuluyang maabot ang kanyang pangarap.


Photo from Maria Sydney Salientes Rubrica/Facebook

"At ang pinakamahalaga sa lahat, sayo Panginoon. Hindi ako talagang relihiyosong tao pero alam kong ikaw ang dahilan ng lahat ng ‘to. Napakaswabe ng paglalakbay ko e. Di ko alam kung malakas ba talaga ako sa ‘yo. Mahal na mahal kita sa kahit sino/ano pa man sa mundo. Manatili kayong gabay naming lahat."

Magpapacheck up ka ba sa kanya? Post ng isang napakagandang doktora, kinaaliwan ng mga netizens Reviewed by Unknown on June 02, 2018 Rating: 5 Photo credit from balita.definitelyfilipino.com Kinaaaliwan ngayon sa Social Media ang isang Netizen na nagngangalang Maria Sydney Sa...

No comments: