Kawawang OFW: Sumama sa iba ang kinakasama pagkatapos daw bigyan ng 3-milyon ng OFW - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

Kawawang OFW: Sumama sa iba ang kinakasama pagkatapos daw bigyan ng 3-milyon ng OFW

Photo credit to Raffy Tulfo in Action (YouTube)
Isang mapait na karanasan ang sinapit ng OFW na si Glendo Dumacal sa kanyang kinakasama na di-umano’y matapos itong sustentohan ng umabot sa P3 Milyon ay nakuha pa nitong sumama sa ibang lalaki!

Tumungo si Dumacal sa programa ni Raffy Tulfo upang dumaing ng tila ‘magastos’ nitong dinanas at para makausap ang dating kinakasama.           

YARI! – Nadiskubre ni Tulfo na tila naisahan nga itong si Dumacal nang nabanggit nito sa kanyang salaysay na hindi umano bumababa sa P23,000 ang pinapadala nitong pera sa dating kinakasama na si ‘Cony’ bilang allowance nito kada buwan.


Photo credit to Raffy Tulfo in Action (YouTube)

Photo credit to Raffy Tulfo in Action (YouTube)
Dagdag pa aniya, simula nang nag resign na si Cony noong 2007 bilang isang kapwa – OFW nito sa Saudi Arabia ay siya na ang sumusustento dito pati na din sa dalawa niyang anak!

‘To make matters worse’ ika nga, nakuha pa nitong si Cony na ipagpalit ang tapat – na – loob na si Glendo sa isang di – umano’y Ambulance driver, na naging driving instructor nito sa sasakyang binili ni Glendo para sa kanya. Banggit pa ni Glendo, sa tatay pa ni Cony umano nakapangalan ang naturang sasakyan.

“’Yan ang nagturo sa kaniya mag drive… Wala akong kaalam alam sir na ‘yun pala, pati na si Cony dina-drive!” Sambit ng dismayadong si Glendo habang sinasalaysay ang pangyayari.

Nakilala naman ang naging kabit ni Cony sa pangalang ‘Melecio’ na nagpanggap pang ‘Hitman’ di-umano nang binintangan nito si Glendo na ipapapa – dispatcha umano nito si Melecio. Napag – alamang pagbabanta lamang pala ito ng mayabang na si Melecio.


Photo credit to wikipedia
Subalit, sa kabila nang lahat ng pangyayari, tapat na pinayuhan na lamang ni Tulfo si Glendo na mahirap na daw bawiin ang perang naiwaldas niya kay Cony dahil sa kawalan ng ‘written agreement’ o kasulatan lang man ukol sa lahat ng pera na kusang – loob nitong binigay.

Panoorin ang video sa ibaba:




***


Disclaimer: The images on this blog are copyright of its respectful owners. Photographs are for illustration purposes only, we do not possess the photos and no copyright encroachment is expected. So, if the photos showing up on this blog belong to you and does not wish for it to appear on this site, please send us an email with the link of the image and it will be instantly removed from the page.


Source:  Raffy Tulfo in Action (Youtube)

Kawawang OFW: Sumama sa iba ang kinakasama pagkatapos daw bigyan ng 3-milyon ng OFW Reviewed by Unknown on June 21, 2018 Rating: 5 Photo credit to Raffy Tulfo in Action (YouTube) Isang mapait na karanasan ang sinapit ng OFW na si Glendo Dumacal sa kanyang kinakasama...
Next
This is the most recent post
Older Post

No comments: