Ilang pari, palihim ng nagdadala ng armas - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

Ilang pari, palihim ng nagdadala ng armas


Photo credit to philstar.com
Ibinunyag ni Calamba Parishioner Atty. Francisco Dela Rosa sa isang pahayag na palihim na umanong nagdadala ng armas ang ilan sa mga Pari sa Laguna bilang ‘self – defense’ at proteksyon para sa sarili sa gitna ng nababalitaang sunud-sunod na pamamaslang sa mga alagad ng Simbahang Katolika sa nakalipas na mga buwan.

Aniya, nagdulot umano ng matinding pangamba sa hanay ng mga Pari ang nangyayaring pagtukmu – tukmong pamam*slang sa mga kasamahan nito nga mga di – pa nakikilalang salarin sa mula iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa karagdagang pahayag ni Atty. Dela Rosa, lalo umanong nabahala ang kupunan ng Simbahan nang wariin ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde na ‘isolated incident’ lamang ang mga kasong pagpatay sa mga ito na kailangan pang tutukan para magkaroon ng masusing imbestigasyon.


Photo credit to GMA Network

Photo credit to davaocatholicherald.com
Sa nauna nang naiulat, apat na Pari na ang napasl*ng simula noong December 2017 hanggang sa kasalukuyan na kinabibilangan nina Fr. Richmond Nilo ng Nueva Ecija nito lamang Hunyo 10, 2018; Fr. Mark Ventura ng Cagayan Province na bin*ril umano ng mga ‘riding in tandem’ nitong Abril 28, 2018 at Fr. Marcelito Paez ng Jaen, Nueva Ecija.

Samantala, isang dating Police Chaplain ng Calamba, Laguna na kinilalang si Fr. Rey Urmeneta, ang nabiktima naman ng amb*sh noong Hunyo 6 na tumamo ng maraming tama ng bala ngunit nakaligtas pa umano, ayon sa balita.

Hindi naman sumang – ayon ang pamunuan ng Catholic Bishops of the Philippines (CBCP) sa naging desisyon ng ilang mga pari na magdala na ng armas.


Photo credit to GMA Network

Photo credit to davaocatholicherald.com
Ayon sa Executive Secretary ng CBCP Episcopal Commission on Public Affairs na si Fr. Jerome Secillano, hindi aniya ‘akma’ at ‘unbecoming’ para sa isang alagad ng Simbahan ang magdala ng baril upang proteksiyonan ang sarili.

“The Church is clear on the matter. Priests are not supposed to carry a gun. It is inappropriate and unbecoming. Priests are preachers of the Word and not gun-toting law enforcers. They are peacemakers and not enablers of violence,” ayon kay Fr. Secillano sa pahayag nito.

Bagamat hindi man aprubado ng Simbahang Katolika, nilinaw ni Fr. Secillano na iginagalang naman ng CBCP ang nauna nang desisyon ng iilang mga pari na magdala na ng armas.

Aniya, “But, what if priests decide to arm themselves especially in view of the k*llings of their kind? This is an exception rather than the rule. THE CHURCH DOES NOT APPROVE OF IT. And for priests carrying guns, we will have to respect the decision of their bishops whether to sanction them or not.”

***

Disclaimer: The images on this blog are copyright of its respectful owners. Photographs are for illustration purposes only, we do not possess the photos and no copyright encroachment is expected. So, if the photos showing up on this blog belong to you and does not wish for it to appear on this site, please send us an email with the link of the image and it will be instantly removed from the page.

source:  philstar.com
         
Ilang pari, palihim ng nagdadala ng armas Reviewed by Unknown on June 18, 2018 Rating: 5 Photo credit to philstar.com Ibinunyag ni Calamba Parishioner Atty. Francisco Dela Rosa sa isang pahayag na palihim na umanong nagdada...

No comments: