HINDI AKO KORAP - Calida, nagmatigas sa kabila ng panawagan ng ilang mambabatas na magbitiw - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

HINDI AKO KORAP - Calida, nagmatigas sa kabila ng panawagan ng ilang mambabatas na magbitiw


HINDI AKO KORAP - Calida, nagmatigas sa kabila ng panawagan ng ilang mambabatas na magbitiw/ Image credit to the owner

Ilang mambabatas kabilang na si Senator Francis Pangilinan ang nananawagang magbitiw na umano sa puwesto si Solicitor General Jose Calida.
Kaugnay ito sa multi – million ‘deal’ ng pribadong Security Agency na nakatalaga sa iba’t – ibang ahensiya ng gobyerno na pag – aari umano ng pamilya ni Calida.

“They are fabricating charges against me, they want to destroy my family,” aniya.

Dahilan ito upang siya ay nag – matigas at nanindigan sa kanyang pahayag kahapon na HINDI ito magbibitiw sa kanyang panunungkulan dahil HINDI naman aniya ito KORAP!

Giit ni Calida, “The issue should be if I committed graft. No, I did not.”


HINDI AKO KORAP - Calida, nagmatigas sa kabila ng panawagan ng ilang mambabatas na magbitiw/ Image credit to the owner

Nauna nang nagsampa ng kaso ang grupo nila Pangilinan laban kay Calida sa Office of the Ombudsman dahil sa umano’y pagkakaroon ng ‘Conflict of Interest’ dahil sa naaprubahang security deal mula sa Vigilant Investigative and Security Agency, Incorporated (VISAI) na nakatalaga sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.
Depensa naman ni Calida, nagbitiw na umano ito bilang Chairman and President ng VISAI bago paman ito magsimulang manungkulan sa gobyerno noong Hunyo 2016 kung kaya’t wala dapat ikabahalang ‘Conflict of Interest’ taliwas sa pag – puna ng oposisyon.

“There is no need to divest if there is no conflict of interest. Under the law, I have the choice either to resign or to divest (my shares),” ayon kay Calida.

Bukod pa sa paninidigan nito, nakasaad din sa SALN ni Calida ang Financial Interest nito sa VISAI.

Tanging banta ni Calida sa mga nainira sa kanya, “There will be a day of reckoning. I am a lawyer and I know what to do”.

***

Source:  abante.com.ph

HINDI AKO KORAP - Calida, nagmatigas sa kabila ng panawagan ng ilang mambabatas na magbitiw Reviewed by Unknown on June 01, 2018 Rating: 5 HINDI AKO KORAP - Calida, nagmatigas sa kabila ng panawagan ng ilang mambabatas na magbitiw/ Image credit to the owner Ilang mambaba...

No comments: