Gadon kay Sereno: ‘Wag mong palabasing pulitika ang dahilan ng pagpapatalsik sa’yo’ - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

Gadon kay Sereno: ‘Wag mong palabasing pulitika ang dahilan ng pagpapatalsik sa’yo’


Photo credit to ABS-CBN News
Pinagpapatunay ni Atty. Larry Gadon kay dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na walang kinalaman ang Pangulong Duterte sa pagkasibak nito sa pwesto kung kaya’t aniya ay tigilan na ang paninisi nito sa Pangulo.

Dati nang nagbabala si Atty. Gadon sa kahahantungan ng kaso ni Sereno hangga’t tuluyan na ngang matanggal ito sa panunungkulan at kinalaunan ay ibinasura pa ng mismong Korte Suprema ang kanyang apela sa pamamagitan ng Quo Warranto Petition.

Posible din na magamit bilang ebidensya ang ginawang committee report ng mga kasamahang mahistrado sa pag - urong ng kaso, ayon kay House Justice Committee Chairman Reynaldo Umali.

Dagdag pa ni Atty. Gadon na mismong naghain ng impeachment complaint laban kay Sereno, malabo na magkakaroon pa ng immunity from suit ang dating Chief Justice.

Photo credit to Philippine Star

Photo credit to INQUIRER.net
Nilinaw din ni Atty. Gadon sa panayam nito sa Bombo Radyo Philippines na pinalalabas lamang ni Sereno na pamumulitika ang naging tanging dahilan kung bakit umano ito nasibak sa pwesto samantalang mga kasamahang mahistrado naman nito sa Korte Suprema ang nag desisyon nito.

Giit pa nito, malinaw na mismong si Sereno ang nagkamali dahil hindi nito isinumite ang tamang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) na dahilan na din nag pagkaka – impeach nito sa pwesto.

***

Disclaimer: The images on this blog are copyright of its respectful owners. Photographs are for illustration purposes only, we do not possess the photos and no copyright encroachment is expected. So, if the photos showing up on this blog belong to you and does not wish for it to appear on this site, please send us an email with the link of the image and it will be instantly removed from the page.

Source:  bomboradyo.com

Gadon kay Sereno: ‘Wag mong palabasing pulitika ang dahilan ng pagpapatalsik sa’yo’ Reviewed by Unknown on June 20, 2018 Rating: 5 Photo credit to ABS-CBN News Pinagpapatunay ni Atty. Larry Gadon kay dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na walang...

No comments: