Empleyado ng Gobyerno, nang – alipusta sa kapwa. Mamang Pulis, walang nagawa - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

Empleyado ng Gobyerno, nang – alipusta sa kapwa. Mamang Pulis, walang nagawa


Photo credit to kami.com.ph
Kuha sa video na ibinahagi ng isang concerned Netizen na may pangalang Ion Bion sa kanyang Facebook account ang ginawang pananapak ng di – umano’y government employee sa isang pobreng Tricycle driver nang magka – gitgitan ito sa lansangan.
Kitang – kita sa video na maayos na nagpapaliwanag ang Tricycle driver habang sinisigawan ito ng hindi pa nakikilalang government employee at sinisermonan pa ng kasamahan nitong lulan ng Toyota Fortuner na may government – issued plate number.

Ayon sa nag – post ng video, naganap ang naturang insidente sa Guiuan, Eastern Samar kung saang may naka – istambay namang rumespondeng Pulis sa lugar ng pinangyarihan ngunit wala naman itong nagawa.
Dismayado naman ang pasahero na nasa likod ng camera na nagsilbing saksi at nagawang kunan ang pananapak. Aniya, dalawang beses pa umanong napag abutan ng kamay si ‘Mamang Driver’ ngunit hindi agad nahagip sa video ang una dahil sa bilis ng pangyayari.


Photo credit to newsgraph

Photo credit to Newsgraph
Hindi na nagawa ng di – nakilalang Tricycle driver na depensahan ang sarili laban sa animo’y mayabang at mapang – aping government employee. Mismo ang pulis na tila nagduduwag - duwagan lamang ay walang nagawa para mapa – amo ang nagbabangis – bangisang empleyado ng gobyerno.

Narito ang buong salaysay sa post ni Ion Bion:

"Pasikatin natin ang lalaking Ito!

Ang lalaking nasa video Ay nanapak ng dalawang beses sa isang tricycle driver na sinasakyan namin knna..dalawang beses na sinapak niya ang driver Pero unang sapak niya ay di nmn agad nakuhanan ng video...government employer pa nmn ang lalaking Ito!..porke mayaman,nasa gobyerno ay pweding nang manakit ng kapwa??..wala namang kasalanan ang driver!!..sa mamang police nmn na nakatayo lang sa harapan ng tricycle...wala mnlang ginawa!!...nakatunganga lang Siya!!..kunti nalang tlga ngayon ang tapat sa kanilang trabaho!..takot lang cguro ng mamang police...ang video na Ito ay Dito nakuhanan sa guiuan eastern samar...

Panoorin ang video sa ibaba:





***

Disclaimer: The images on this blog are copyright of its respectful owners. Photographs are for illustration purposes only, we do not possess the photos and no copyright encroachment is expected. So, if the photos showing up on this blog belong to you and does not wish for it to appear on this site, please send us an email with the link of the image and it will be instantly removed from the page.

Source:  kami.com.ph

Empleyado ng Gobyerno, nang – alipusta sa kapwa. Mamang Pulis, walang nagawa Reviewed by Unknown on June 05, 2018 Rating: 5 Photo credit to kami.com.ph Kuha sa video na ibinahagi ng isang concerned Netizen na may pangalang Ion Bion sa kanyang Facebook accoun...

No comments: