Dyowa ni Solenn Heussaff tinakasan ang traffic enforcer - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

Dyowa ni Solenn Heussaff tinakasan ang traffic enforcer


Photo credit to www.abante.com.ph

Ibinahagi ni Nico Bolzico, ang Argentine Business man at kilalang asawa ng Filipina – French actress na si Solenn Heussaff sa social media ang karanasan nito sa isang Traffic Enforcer ng minsa’y lumabag ito sa batas trapiko.
Kwento ni Nico sa kanyang Instagram post, sinita umano ito ng di – nakilalang Traffic Enforcer na tinawag pa niyang ‘Marshall’ at biglaang tinakasan ito. Marami ang posibleng maka – isip ng hindi maganda sa ginawa ni Nico – hindi magandang ehemplo sa mabubuting mamamayan. Higit sa lahat, kawalan ng respeto ang ginawang pagkaripas nito na maayos namang ginagawa ng Enforcer ang kanyang trabaho.

Subalit, inamin din ni Nico ang katotohanan sa bandang huli ng kanyang kwento.

Ayon sa kanyang post: “#Patato, #LaRosy and me were stopped by a Marshall coz I made a wrong U-turn. He said “Papers”, I said “Scissors, I win” and drove away.

“I was caught at the next corner, my license was taken and the penalty was triple coz I drove away from the authority.

“#BolzTip: When stopped by any authority be respectful, don’t try to be a smart a**…”
Kilala din si Nico sa madalas nitong magpasimuno ng ‘prank’ sa kanyang mahal na asawa at sense of humor nito sa social media. Matalas ang isip sa paglalaro at pagpapatawa, isiniwalat naman nito ang kabilang bahagi ng kanyang kwento:

“The above story is not a true story; all the facts were made up by me, the picture was staged and #Patato is wearing make up; he doesn’t look that young normally! “The tip is real, always be respectful 🙂 Special thanks to the Marshall for being so game! End of caption!”

Ang simpleng pampalipas oras kagaya nito ay nagsisilbing paalala din sa atin na manatiling mapagkumbaba at mahinahon sa oras ng gusot. Kaya naman napabilib nito ang kanyang mga fans at followers sa kanyang Instagram Account at umani ng positibong reaksyon.

Ayon sa komento ng isang nagngangalang ktincagadas, “No matter how long your captions Nico, for me it’s very worth it. Made me laugh!!! Even your voice I heard that while I’m reading! Haha!! The impact was so waaah! Very smart!’

Pantawid – kalungkutan naman ni mildredalmiralorio ang mga post kagaya ng nabasa niya kay Nico na nagsasabing, “Thank you for always making me laugh Nico…my father just died last month and your humor is one of those few who makes me happy even for a little while.”

***

Disclaimer: The images on this blog are copyright of its respectful owners. Photographs are for illustration purposes only, we do not possess the photos and no copyright encroachment is expected. So, if the photos showing up on this blog belong to you and does not wish for it to appear on this site, please send us an email with the link of the image and it will be instantly removed from the page.


Source:  abante.com.ph

Dyowa ni Solenn Heussaff tinakasan ang traffic enforcer Reviewed by Unknown on June 05, 2018 Rating: 5 Photo credit to www.abante.com.ph Ibinahagi ni Nico Bolzico, ang Argentine Business man at kilalang asawa ng Filipina – French actre...

No comments: