Pangulong Duterte kay Sereno: “Puro gimmick, kami ‘yung nagtatrabaho” - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

Pangulong Duterte kay Sereno: “Puro gimmick, kami ‘yung nagtatrabaho”


Photo credit to The Manila Times

Matatandaang sinabi ni ousted Chief Justice Maria Lourdes Sereno na posible umanong publicity lamang ang pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga kurap na opisyal.
Iginiit pa ni Sereno na kung talagang totoo ang mga ginagawang hakbang ni Duterte sa pagsibak sa mga opisyal ay dapat sampahan nito ng kaso.

Sinabi rin nito na dapat ay humarap sa korte ang mga government officials na nasangkot sa kurapsyon imber na tanggalin ang mga ito sa pwesto.

Dahil sa mandato ni Pangulong Duterte na linisin ang pamahalaan mula sa mga kurap na opisyal, sunod-sunod ang pagsibak ni Duterte sa kanyang mga opisyal.


Photo credit to Rappler

Photo credit to Rappler
Dahil sa mga naging pasaring ni Sereno kay Pangulo, agad namang bumuwelta si Duterte.
Sinabi ni Pangulo kay Sereno na bukod sa pagiingay nito ay kung ano ba ang kanyang nagawa o naging ambag nito sa taumbayan sa ilang taon nitong panunungkulan bilang Punong Mahistrado.

“Tell me. Anong significant decision ni Sereno or anybody ‘yung mga critic na sabihin nila na mga gimmick ito? Anong na-contribute nila all these years? Tanungin ko. Tingnan mo ‘yang taong nagsasalita diyan. Anong ang… What have they contributed to the betterment of the country except indulging in politics?” anang Pangulo.

Ayon kay Duterte, Si Sereno ang gumagawa ng  gimik matapos  na matalo ito sa kanyang laban kaya ito nagiingay at kung ano-ano nalang ang naiisip na sabihin.


Photo credit to Politics-Favradio
Photo credit to voacantonese.com
“You know si Sereno is a lost cause. She had it coming, she asked for it. Iyon ang nangyari sa kanya. Now that she is out, she is full of adjectives and gimmickry. I don’t believe her. And I don’t respect her also. Puro gimmick eh. Siya ‘yung gumi-gimmick, kami ‘yung nagtatrabaho,” anang Pangulo.

***

The images on this blog are copyright of its respectful owners. Photographs are for illustration purposes only, we do not possess the photos and no copyright encroachment is expected. So, if the photos showing up on this blog belong to you and does not wish for it to appear on this site, please send us an email with the link of the image and it will be instantly removed from the page.

Pangulong Duterte kay Sereno: “Puro gimmick, kami ‘yung nagtatrabaho” Reviewed by Unknown on June 09, 2018 Rating: 5 Photo credit to The Manila Times Matatandaang sinabi ni ousted Chief Justice Maria Lourdes Sereno na posible umanong publicity lama...

No comments: