Doktor nagalit sa pasyente na ‘nang-iistorbo’ sa kanya, busy kasi masyado sa cellphone - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

Doktor nagalit sa pasyente na ‘nang-iistorbo’ sa kanya, busy kasi masyado sa cellphone


Doktor nagalit sa pasyente na ‘nang-iistorbo’ sa kanya, busy kasi masyado sa cellphone/ Image credit to the owner

DINEDMA - Dinaan na lamang sa kanyang Facebook post ng isang Netizen ang umano’y hindi inaasahang karanasan mula mismo sa isang Doktor ng di – nabanggit na pampublikong Ospital.
Ayon sa Netizen, kasama umano nito ang kanyang ina sa naturang Ospital ngunit nang nilapitan upang tanungin ay halos tanggihan ang mga ito at pinagsabihan pang mag – antay para tawagin.

Banggit pa umano ng Doktor, ayaw niya raw na minamadali ito ngunit kitang – kita naman na cellphone lamang ang inaatupag.

Bagay na narinig ng Netizen at naging sanhi sa pagkakagalit nito kung kaya’t hindi napigilan ang sarili na mapag – sabihan ang tamad na Doktor.
Maayos naman umanong nakapila ang Netizen kasama ang matandang pasiyente nitong ina, ngunit tila wala naman sa alintana ng Doktor ang mga lalo pang humahabang pila samantalang tutok – na tutok lamang ito sa kanyang cellphone.


Doktor nagalit sa pasyente na ‘nang-iistorbo’ sa kanya, busy kasi masyado sa cellphone/ Image credit to the owner

Doktor nagalit sa pasyente na ‘nang-iistorbo’ sa kanya, busy kasi masyado sa cellphone/ Image credit to the owner

Kasali din sa post ang mga larawang nagpapatunay sa katamarang ginawa ng Doktor sa harap mismo ng pinagsisilbihang pasyente.

Umani din ng iba’t – ibang reaksyon ang ginawa ng Doktor na naibahagi sa din sa Facebook Account ng Unofficial: Ronald “Bato” Dela Rosa Solid Supporters” mahigit isang linggo na ang nakalilipas.

Tumugon naman ang ibang netizen at nagsabi ng kanilang saluobin ukol sa pangyayari.

Ayon sa komento ni Jacky Palacio Caballero, “Doc, sana tumayo kamanlang at lumabas para magcellphone wag sa harap ng mga pasyente… kahit saang Angulo mo doc maling mali ka, isa paying pagtataray mo, dipwede sa mga doctor yan, kog ako pasyente mo di ako magpapa konsulta sayo baka bigyan mo pa ako ng maling gamot.. kasi ung mukha mo di makakapag katiwalaan.”

Tila iba naman ang pananaw ni Vilma Vallar na nagsabing, “Don’t judge a book by its cover. Akala natin doctor yun pala HINDI. Kasi kung doctor yan, may Ethics. Sabagay dapat bawat tao may sens of responsibility? Anyare sa taong to? Yan ang nagagawa ng gadgets. May mga taong hindi marunong gumamit. Gaya nito oras ng trabaho, hayahay…”

***


Doktor nagalit sa pasyente na ‘nang-iistorbo’ sa kanya, busy kasi masyado sa cellphone Reviewed by Unknown on June 02, 2018 Rating: 5 Doktor nagalit sa pasyente na ‘nang-iistorbo’ sa kanya, busy kasi masyado sa cellphone/ Image credit to the owner DINEDMA - Dinaan na...

No comments: