Digong, galit na nagbantang ilalabas ang s3x video ni De Lima - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

Digong, galit na nagbantang ilalabas ang s3x video ni De Lima


Photo credit to BuzzStalker.com
Matapos batikusin ng nakakulong na si Sen. Leila de Lima ang ginawang paghalik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang Pinay sa South Korea, galit na nagbanta ang Pangulo na ilalabas nito ang s3x video ng senadora.

Sa ginawang talumpati ng Pangulo sa Iloilo, galit na galit ito matapos nyang malaman na sinabihan umano sya ni De Lima na bastos matapos nyang halikan ang isang Pinay sa Korea.

Ipinaliwanag ng Pangulo na hindi naman bastos ang kanyang ginawa dahil unang-una palang ay humingi ito ng permiso sa babae bago nya ito gawin.

Photo credit to Al Jazeera

Photo credit to cnn.com
Sinabi din ng pangulo na sa katunayan nga ay pagkadating nito sa airport ay may dalawang matandang babae na humalik din sakanya sa labi.

Sinabi rin ng Pangulo na hindi dapat magmalinis ang senadora dahil siya umano ang unang nagpakita ng kabastusan sa publiko.

Matatandaan namang dumipensa ang babaeng hinalikan ng Pangulo at sinabi nitong walang malisya ang paghalik sakanya ng Pangulo.

"Di ko ma-explain 'yong parang kinakabahan ako, natatakot ako, excited, thankful, happy ako, kasi parang it's a once-in-a-lifetime experience kasi 'yon diba. Kahit nasa Pilipinas ka, parang suntok sa buwan na makita mo nang malapitan talaga 'yong president," ani Bea Kim.

Photo credit to Sputnik International

Photo credit to Philippine Star
"Walang malisya 'yon. Si president nagsabi na tinanong niya 'ko, 'single ka ba o married?' Sinabi ko po 'married po ako sa Koreano, mayroon po akong dalawang anak.' Tapos 'yon, parang ginawan lang namin na, 'yong kiss, parang twist lang 'yon, pampakilig sa mga audience. Walang ibig sabihin 'yon, promise. Walang ibig sabihin. Sa'kin, sa kaniya, walang ibig sabihin," anang Pinay.

***

Disclaimer: The images on this blog are copyright of its respectful owners. Photographs are for illustration purposes only, we do not possess the photos and no copyright encroachment is expected. So, if the photos showing up on this blog belong to you and does not wish for it to appear on this site, please send us an email with the link of the image and it will be instantly removed from the page.


Digong, galit na nagbantang ilalabas ang s3x video ni De Lima Reviewed by Unknown on June 20, 2018 Rating: 5 Photo credit to BuzzStalker.com Matapos batikusin ng nakakulong na si Sen. Leila de Lima ang ginawang paghalik ni Pangulong Rodrigo Du...

No comments: