Buntis na nagpa – ceasarian, humantong sa pagiging ‘gulay’ - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

Buntis na nagpa – ceasarian, humantong sa pagiging ‘gulay’


Photo screenshot from Facebook/ Zenaida Santos

Kalunos – lunos ang sinapit ng isang Camille Santos Carlos matapos umano itong manganak sa pamamaraan ng Cesarean Section sa Tarlac Provincial Hospital.
Ito na lamang ang natatanging bintang ng kanyang ina na si Zenaida Santos na hanggang ngayon ay humihingi ng saklolo sa publiko para mapanagot ang mga doktor na nag – opera sa kanyang anak kung kaya’t ibinahagi naman ng Ginang sa kanyang Facebook account ang nangyari

Ayon sa kanyang post, tila naging gulay na ang kanyang anak paglabas umano ng Operating Room at wala na sa wastong sarili, walang paningin at hindi na din makapag – salita. Hindi na din ito makagalaw, namamayayat at base sa mga larawang kasama sa post, baluktot na ang mga kamay at paa nito.
Mas lalong nakakadismayang malaman na noong Agosto 7, 2017 pa ang naturang operasyon at hindi na ito nakalabas pa ng nasabing Ospital. Saad pa ng ina, wala na din umanong doktor na tumitingin sa anak.


Photo screenshot from Facebook/ Zenaida Santos

Photo screenshot from Facebook/ Zenaida Santos

Narito ang salaysay ni Zenaida Santos sa kanyang Facebook post.

“Dear sir and mam,aku po si zenaida santos nanay pu ni camille santos carlos.isa pu sa pasyente dito ang anak ko sa tarlac provincial hostpital.aug 7,2017 nasessarian pu ang anak ko.pumasok sa or para operahan siya paglabas pu nang operating room.wala na pu siyang alam.hanggang ngayon nawala pu ang kanyang paningin,pagsasalita,at dinarin pu siya gumalaw.nakabaluktut napu ang kanyang kamay at paa.naglantang gulay narin pu siya.10months napu kami dito wala na pu tumitingin na doc sa kanya naka sign out napu lahat ng doc niya.kung kaninu napu aku humingi ng tulong pero dirin pu nila kami natulungan.pag nakikita ku pu ang anak ko awang awa napu aku sa kanya sobrang payat na payat napu siya.sana pu umihingi pu ako ng tulung sa inyo sana matulungan nyo pu kami.hindi po pinansial ang inihingi kung tulung.sana matulungan nyo kami dun sa mga doc na sumira sa buhay ng anak ko.nag demanda pu kami ilang buwan napo hanggang ngayon wala parin po.sana po ma awa napu kayo sa amin.maraming slmt po.”


Photo screenshot from Facebook/ Zenaida Santos

Photo screenshot from Facebook/ Zenaida Santos

Umani na ng mahigit 30,000 reaksiyon ang naturang post simula nong Hunyo 1 na mahigit 45,000 beses na din ibinahagi ng ibang Netizens.

***

Source:  Zenaida Santos

Buntis na nagpa – ceasarian, humantong sa pagiging ‘gulay’ Reviewed by Unknown on June 03, 2018 Rating: 5 Photo screenshot from Facebook/ Zenaida Santos Kalunos – lunos ang sinapit ng isang Camille Santos Carlos matapos umano itong mangana...

No comments: