Babaeng nabuntis ng asawang tatlong taon na namayapa, ikinagulat ng lahat - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

Babaeng nabuntis ng asawang tatlong taon na namayapa, ikinagulat ng lahat


Photo credit to showbizread.com
Tila isang milagro ang ipinag – kaloob sa isang biyuda na si Pei Xia Chen nang ma-iluwal nito ang anak nila ng kanyang asawa na tatlong taon nang pumanaw.


Sa naging viral na online post na dati nang ibinahagi ng Facebook Page na ‘Your Queen, isiniwalat nito ang kwento ng mag – asawang Wenjian Liu at Pei Xa Chen na parehong naninirahan sa New York. Tatlong buwan palang di umano silang kasal ngunit humantong agad sa malagim na pangyayari ang kanilang sana’y binubuong pamilya.

Dating nanungkulan bilang isang alagad ng batas ng New York Police Department ang 32 years old na si Wenjian Liu nang bigla itong binaril ng mga salarin kasama ang isa pang police sa loob Patrol Car nito.

Isang malaking dagok ang pangyayaring ito sa buhay ng naulilang asawa na si Chen. Subalit nang dahil sa kagustuhang magkaroon sila ng anak ng namayapang asawa, hiniling nito na ipa – FROZEN ang semilla ng asawa sa mismong gabi ng pagkasawi nito sa pag – asang ma-ibubuntis pa nito ang pinapangarap nilang anak mag asawa.


Photo credit to Antoinette Biordi
Photo credit to Harford Country Sheriff's End of Watch
Photo credit to Kristin Thorne
Nang dahil sa makabagong teknolohiyang hatid ng Siyensya, naging matagumpay ang pagdadalang – tao ni Chen sa paraan ng In Vitro Fertilization (IVF) at kinalaunan ay naipanganak nga nito ang isang malusog na batang babae noong July 25, 2017 at ipinangalanang Angelina.

Ayon sa dating isiniwalat ni Chen, malaki ang paniniwala niya na magiging matagumpay ang pagdadalang – tao dahil napanaginipan nito ang asawa sa gabi ng kanyang paglisan na nagbigay daan sa kanya na ipatuloy ang matagal na sana nilang binabalak.

***

Disclaimer: The images on this blog are copyright of its respectful owners. Photographs are for illustration purposes only, we do not possess the photos and no copyright encroachment is expected. So, if the photos showing up on this blog belong to you and does not wish for it to appear on this site, please send us an email with the link of the image and it will be instantly removed from the page.

Source:  kami.com.ph

Babaeng nabuntis ng asawang tatlong taon na namayapa, ikinagulat ng lahat Reviewed by Unknown on June 05, 2018 Rating: 5 Photo credit to showbizread.com Tila isang milagro ang ipinag – kaloob sa isang biyuda na si Pei Xia Chen nang ma-iluwal nito ang ana...

No comments: