Babaeng mandurukot ng cellphone sa LRT-1, Huli sa akto! - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

Babaeng mandurukot ng cellphone sa LRT-1, Huli sa akto!


Photo credit to updatedtayo.info
Isang netizen ang nagpost sa kanyang Facebook account tungkol sa isang babae sa LRT kung saan nabuking ito nag nagnakaw ng cellphone sa isang pasahero.
Ayon sa post ni Joyce Ann Paddao, naramdaman umano ng biktima na binubuksan ang zipper ng kanyang bag at napagalaman nitong nawawala na ang kanyang cellphone na nakalagay sa kanyang bag.

Kaya agad na tinanong ng biktima ang babaeng ito kung nasaan na ang kanyang cellphone dahil naramdaman umano ng biktima na binubuksan ang zipper ng kanyang bag.


Photo credit to Joyce Ann Paddao (Facebook)
Itinanggi ng babaeng magnanakaw na kinuha nito ang cellphone ng biktima at ipinakita pa ang kanyang bag, ngunit nakaipit pala sa kanyang hita ang cellphone at bigla itong nalaglag kaya nabawi kaagad ng biktima ang kanyang cellphone.
Pinababa ng mga pasahero ang magnanakaw na babae at isinumbong ito sa guard upang maipadala sa pinaka malapit na police station.

Ang post na ito ay nag-viral at umabot na sa 10,000 shares at 3,000 comments mula sa ibat-ibang netizen.

Basahin at panoorin ang buong post sa ibaba.

Mag-ingat po tayo sa babaeng ‘to na mapagsamantala sa loob ng LRT1.. Nangyari po ito biyaheng pa-roosevelt. Sa Doroteo Jose Station pa Bambang.

Convo: (non verbatim)

Biktima: Ate nasan yung phone ko naramdaman ko binuksan mo ung zipper ng bag ko asan yung phone ko? (Di na mapakali si ate)

Suspek: Bakit ko kukunin phone mo eh may phone ako? (Pinakita niya phone niya)

B: Ate binuksan niyo po yung zipper ng bag ko eh naramdaman ko eh! Patingin na lang po ng bag niyo. 

S: Sige tignan mo. (Pinakita niya bag niya)

Mga tao: Sa hita mo ate, sa legs mo pakapkap mo.

TAPOS AYUN NA NGA BIGLANG NALAGLAG YUNG PHONE NI ATE GIRL NA INIPIT SA MASIKIP NIYANG TOKONG. PINABABA YUNG KUMUHA NG CELLPHONE AT PINAGBIGAY NG ALAM SA MGA SECURITY GUARD.

KAYA GUYS, INGAT PO TAYO! MARAMING PHONE PO ANG NAKITA SA BAG NIYA, MUKHANG MODUS NIYA NA PO TALAGA ‘TO!

Panoorin ang video sa ibaba:



***


The images on this blog are copyright of its respectful owners. Photographs are for illustration purposes only, we do not possess the photos and no copyright encroachment is expected. So, if the photos showing up on this blog belong to you and does not wish for it to appear on this site, please send us an email with the link of the image and it will be instantly removed from the page.


Babaeng mandurukot ng cellphone sa LRT-1, Huli sa akto! Reviewed by Unknown on June 10, 2018 Rating: 5 Photo credit to updatedtayo.info Isang netizen ang nagpost sa kanyang Facebook account tungkol sa isang babae sa LRT kung saan nabukin...

No comments: