Atty. Larry Gadon, naghain ng petisyon na ipatanggal ang larawang ng mga Aquino sa Limang Daang Piso - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

Atty. Larry Gadon, naghain ng petisyon na ipatanggal ang larawang ng mga Aquino sa Limang Daang Piso


Photo credit to RMN News
Kasunod ng unang paghain nito ng petisyon na ipabalik ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa dati nitong pangalan na Manila International Airport (MIA), nais namang ipatanggal ni Atty. Larry Gadon ang kasalukuyang larawan ng mag – asawang Benigno “Ninoy” Aquino at Corazon Aquino sa limang daang piso.
Sa paraan ng Currency Demonetization, tiwala si Gadon na papaboran ng kongreso ang kanyang petisyon ukol sa pagtanggal ng mga Aquino sa naturang salapi at pwede din itong humingi ng basbas mula sa Korte Suprema.

Sa panayam ni Gadon sa RMN DZXL Manila, sinabi nito na pareho namang walang mabuting ginawa ang mag – asawang Aquino para sana sa ika – uunlad ng bansa lalo na noong nanungkulan bilang Pangulo si Cory.


Photo credit to rappler.com
Photo credit to Apple Ochon
Wala din naman umanong karapatan ang mga Aquino na magkaroon ng parangal na ipangalan sa alaala ni Ninoy ang pambansang paliparan ng bansa dahil kung tutuusin aniya, TRAYDOR naman umano ito. Marami pa aniya itong dapat panagutin kabilang na ang Jabidah Massacre at ang pagkakadawit ng mga ito sa Hacienda Luisita.

Matatandaang nakilala ang Pambansang Paliparan noong 1961 bilang Manila International Airport kasabay ng pagpapatupad ng kauna- unahang Control Tower at Terminal Building para magbigay daan sa mga banyagang lumuluwas ng bansa.

Ngunit pinapalitan ito sa kasalukuyang pangalan noong August 17, 1987 sa bisa ng Republic Act No. 6639 para iparangal sa nasawing dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino. 

***

The images on this blog are copyright of its respectful owners. Photographs are for illustration purposes only, we do not possess the photos and no copyright encroachment is expected. So, if the photos showing up on this blog belong to you and does not wish for it to appear on this site, please send us an email with the link of the image and it will be instantly removed from the page.

Source:  rmn.ph

Atty. Larry Gadon, naghain ng petisyon na ipatanggal ang larawang ng mga Aquino sa Limang Daang Piso Reviewed by Unknown on June 08, 2018 Rating: 5 Photo credit to RMN News Kasunod ng unang paghain nito ng petisyon na ipabalik ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa dati n...

No comments: