WATCH: Ben Tulfo to Mike Enriquez: "Now it's my turn!" - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

WATCH: Ben Tulfo to Mike Enriquez: "Now it's my turn!"


WATCH: Ben Tulfo to Mike Enriquez: "Now it's my turn!"/Photo credit to owner
Ben Tulfo ng PTV-4, kalmang umangal at nanghihinayang sa matagal nilang pagkakaibigan at pagkakakilala ng GMA7 Newscaster Mike Enriquez na sadyang isinayang lang ang kanilang propesyonalism, tila tinapon ng hindi binigyan ng huling tingin.



“Sabay tayong Disk Jokey ng 80’s, ika’y senior, kami junior noon,” sabi ni Tulfo habang inaalala ang pinakamaagang pagkakataon na sila’y nagkasama ni Enriquez.



Nakakahinayang talaga si Tulfo pagkat ininsulto siya at ang kanyang pamilya ng direktsohan ni Enriquez, tinawag niya ang Department of Tourism na pinamumunuan ng kanyang ate bilang Department of ‘Tulfo’. Ito’y isang napaka bastos na pangiinsultong kginawa ni Enriquez na di umanoy walang ayos, pagkat dapat sineryoso daw ng GMA7 newscaster ang pagbabalita.

“Kaya lang pag sinabing “objectively on the news”,  make it serious,” sabi ni Tulfo patungkol sa pagseseryoso sa balita.

Ang pangiinsutong ito ay nagdala ng galit at panghihinayang kay Ben Tulfo, hinding-hindi niya nagustuhan ang opinyon/komento sa bagay na iyon, napaka-unprofessional at labag sa kanyang kalooban na kapwa propesyonal ang uminsulto sa kanya. Kasi kanyang ilang beses na sinagip si Mike sa mga komplaints na hindi nila in-endorse. Ang sabi ni Tulfo patungkol dito ay,

“Hindi namin inentertain ang mga reklamo at subong laban sayo Mike because you know what? It’s not good. And we would rather say, “idaan niyo doon kasi unethical para sakin”. How many times have i saved your neck sa mga sumbong?”

Image credit to Twitter: DZBB Super Radyo

Naiintindihan naman ni Tulfo na mga masiyahing tao si Mike at ang kanyang mga kasama, kaya bago naman nagpakasaya si Tulfo kanyang sinabi,

 “Walang kinalaman ang network niyo, get your network out of this. Walang kinalaman ang radyo niyo, get your radyo out of this. It is between you and me! Professional I will be. Now you wanna make fun, let’s have fun”


Oras na para bawian ni Tulfo si Mike, kaya kanyang ginamit ang mga produktong binebenta nila Mike sa pamamagitan ng advertisements upang laiitin siya,

“Hindi niyo naiintindihan dahil epekto ng kapeng binebenta niyo, tinitimpla niyo, pinapakita niyo. Hindi naman sang katerbang mga ugok yung mga nanunuod sainyo’y tinitimplahan niyo ng kape,” Nilait ni Tulfo.



Pagtapos ay kanyang kinumpara sila Mike sa kanilang mga Tulfo. Sabi ni Ben,

“Ngayon, dahil kayo’y matagal nang kengkoy, mga kengkoy na kumbaga nagtatapangtapangan lang na kung tututuusin kayong dalawa may pusal sa inyong mga bibig, may kadena sa inyong mga leeg, hindi kayo kapareho namin. San man kami pupunta we carry our balls. And we dont have wala kaming pusal, wala kaming kadena na hinihila, kayo yung dalawa.”

Pagtapos ng Kape pinakita ni Tulfo ang isang malaking lata ng sardinas, na nagsisilbing birong pagsusumpa kay Mike pagkat ang nakalagay na slogan ay “Tang Na Mo”.



“Want your network to be happy, pasayahin niyo yung network sa pagtitinda ng, eto naman ung kulay pula, eto ang sardinas, Buma Sardines, “Tang Na Mo” Tomato Sauce, Chili added. Eto ang sardinas na magpapatalino sainyo,” Ibiniro ni Tulfo.

Umabot rin sa punto na nilait ni Tulfo ang mga binabalita ni Mike

“Kailan ka nakikita ng newscaster, naghohomeshopping pagdating sa inyong balita? Kaya nagkakawindang-windang ang balita ninyo eh, puro kalokohan eh,” sabi ni Tulfo.

Iklinaro ni Tulfo na ang “Conflict of Interest” malayong rason kung ang pagbayad ni Tourism Secretary Wanda Teo para sa kanilang programa sa PTV-4 ay masasabing katiwalian, pagkat walang direktong koneksyon ang kanilang mga kapangyarihan. Mga newscaster lang sila Tulfo at Tourism Secretary lang si Teo. Kung tutuusin dapat daw sa PTV-4 rumeklamo kung may anomalyang nangyari.

“Hindi ka ba makadiretso sa kliyente mo, bago ka mag bill dadaan ka sa traffic, para makakuha ka ng certificate of performance. Eh ano ngayon kung may certificate of performance ka? Syempre, substantiated by billing, eh ano ngayon kung may billing ka? Nasaan ung kontrata mo? Tsaka mo ibibigay sa, doon sa iyong, kung sino mang thirdparty mo para maningil tsaka ngayon aawas pati na rin ang sinasabing network mo bago mapupunta sayo ang bayad mo, premium mo. That’s the system,” ipinaliwanag ni Tulfo.

Matapos klaruhon ang “Conflict of Interest” ni Mike, binabalaan ni Tulfo si Mike na seryosohin niya ang pagbabalita.

“Wag na wag niyong paglaruan ang isang bagay na seryoso, lalo nang itong isyu na itong ginagawa niyong katatawanan, okay lang na gawin niyong kaktatawanan. Pero pagnilagyan niyo ng malisyong kulay, eto ngayon binabalikan kayo. Wala akong pakielam. Kayo naman sa GMA stay out of this,” ibinabala ni Tulfo.

Ito’y laban sa pagitan nga ni Tulfo at Enriquez pagkat sabi ni Tulfo,

“Bitag and imbestigador ang naguusap dito, it’s Ben Tulfo and Mike”   
   
Bago matapos ang kanyang Ben Tulfo Unfiltered program, kanyang ibinabala kay Mike na sa iilang beses niyang sinagip siya, kung ipapatuloy niya pa ang pagiging “unprofessional”, baka iendorse niya na ang mga personal na bagay ng mga complaints na sinusumbong kay Tulfo patungkol sa GMA7 newscaster.

“Wag mo kong pilitin na ilabas ang mga sumbong sa iyo kasi may mga complainant. Ako kasi ayaw kong paghimasukan ang isang bagay na personal, kung anong hilig mo at naghahanap ka ng mga performer diyan, bahala ka sa buhay mo. Hindi namin trabaho ang makiusyoso sa pribadong buhay mo. Wala akong pakielam diyan.”















What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.












Fact check SOURCE: www.produterte.com

THIS BLOG asserts no credit for any pictures posted on this website unless generally noted. Pictures on this blog are copyright to its respectful owners. Photos utilized are for illustration purposes only. We don't claim the photographs and no copyright infringement is intended if there is a picture showing up on this blog has a place with you and does not wish for it appearance on this website, please email us with a connection to the said picture and it will be expeditiously brought down.
WATCH: Ben Tulfo to Mike Enriquez: "Now it's my turn!" Reviewed by Unknown on May 04, 2018 Rating: 5 WATCH: Ben Tulfo to Mike Enriquez: "Now it's my turn!"/Photo credit to owner Ben Tulfo ng PTV-4, kalmang umangal at nang...

No comments: