The truth behind the First Pinay hero is a "Bad-a**?" - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

The truth behind the First Pinay hero is a "Bad-a**?"

Garbiela Silang, Alam niyo ba na ang kauna-unahang bayaning pinay ay isang BADASS?/Photo credit to the web


Kilalang-kilala sina Andres Bonifacio, Apolinario Mabini, Jose Rizal, Antonio Luna at iba pa bilang mga dakilang bayani ng Pilipinas noong panahon ng pagkakakolonya ng Pilipinas sa mga Kastila. Sa pamamagitan ng pagmamahal nila sa inang bayan ay napalaya nila ang mga Pilipino sa pagkakaalipin sa mga abusadong dayuhan. Ngunit kung inyong napansin, puro lalaki ang mga kilalang bayani na aking naitala. Wag mag alala mayroong mga babeng bayani na sumuporta sa Katipunan, ngunit hindi sila ang una.



For illustration purposes only/Photo credit to owner

Kaya sino nga ba ang unang babaeng bayani ng Pilipinas?

Ito ay si Maria Josefa Gabriela Cari-o Silang, mas kilala bilang Gabriela Silang. Isang kalahating Pilipino, kalahating espanyol na pinagpala ng nakakabighaning ganda. Siya’y isinilang noong Marso 19, 1731 sa Sta. Caniogan, Ilocos Sur at ang kanyang kwento ay isang napakalungkot nga naman.



For illustration purposes only/Photo credit to owner

For illustration purposes only/Photo credit to owner
Sapilitang ipinakasal sa pinakamayamang lalaki ng kanilang bayan, kasal na nagtagal ng tatlong taon dahil sa pagkamatay ng lalaki. Tuluyan siyang nagpakasal muli noong 1751, ngayon nama’y sa isang mabait, makisig at makabayang Diego Silang, lider ng rebelyon sa murang edad na 27.

Hawak kamay silang namuno sa himagsikan pagkat kusang-loob na sumali si Gabriela sa rebelyon nila. Kalayaan lang ng inang bayan ang nasa puso nila maliban sa pagmamahalan sa isa’t-isa.


Ngunit ang buhay ay hindi mapagpala at trinaydor si Diego ng kanyang pinakamatalik na kaibigang si Pedro Becbec. binaril patalikod sa ulo si Diego ng kastilang mestizong si Miguel Vicos. 

Naghihinakit ngunit naglilisik ang galit ni Gabriella sa mga kastila at ipinangako niyang papamunuhan niya ang mga rebelde.



Kanyang personal na pinatay si Pedro Becbec, iilang saksak sa muka ang kanyang ginawa. Matapos pinagpatuloy nila ang paghihimagsik sa Ilocos at pananalakay sa mga garison upang makaipon ng sandata pang laban sa mayari.

For illustration purposes only/Photo credit to owner
2000 silang lumusob sa Vigan, 6000 mga kastila nilang nilabanan pagkat sila’y napaghandaan noong Septembre 10, 1763. Siyam lang silang nakatakas sa patibong na iyon.

Matapos ang 19 na araw, nahuli sila Gabriela at ang kanyang walong matapat na tauhan. Binitay sila sa Vigan Center Plaza matapos pahiyain.


SOURCE: thelordofthenerds
SOURCE: www.calyxta.com

Simbolo si Gabriela ng katapangan, kadakilaan at katapatan sa inang bayan. Ang kaunaunahang bayaning babaeng kinalimutan ng panahon. Babaeng namuno sa mga rebeldeng Ilokano matapos tugisin ang tumugis sa kanyang asawa. Isang tunay na "Bad Ass".











What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.
















Fact Check SOURCE: Philippine Shocking History

THIS BLOG asserts no credit for any pictures posted on this website unless generally noted. Pictures on this blog are copyright to its respectful owners. Photos utilized are for illustration purposes only. We don't claim the photographs and no copyright infringement is intended if there is a picture showing up on this blog has a place with you and does not wish for it appearance on this website, please email us with a connection to the said picture and it will be expeditiously brought down.
The truth behind the First Pinay hero is a "Bad-a**?" Reviewed by Unknown on May 02, 2018 Rating: 5 Garbiela Silang, Alam niyo ba na ang kauna-unahang bayaning pinay ay isang BADASS?/Photo credit to the web Kilalang-kilala sina Andr...

No comments: