Taos Puso ang Pasasalamat ni Pangulo Duterte sa Kuwait, dahil Napasuko niya ang Kuwait sa mga Kondisyon ng Pilipinas! - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

Taos Puso ang Pasasalamat ni Pangulo Duterte sa Kuwait, dahil Napasuko niya ang Kuwait sa mga Kondisyon ng Pilipinas!

Taos Puso ang Pasasalamat ni Pangulo Duterte sa Kuwait, dahil Napasuko niya ang Kuwait sa mga Kondisyones ng Pilipinas! / Image credit to Pinoy News Online

Kabilib-bilib ang istratehiyang tinahak ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa sitwasyon ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ng Kuwait matapos niyang mapa sang-ayon ang gobyerno ng Kuwait sa mga kondisyong pan-tao na kanyang tinalaga sa Memorandum of Agreement.




Image credit to the owner

Nabigyan ng karapatan sa wakas ang mga OFW doon at ang kanyang pagbabawal maghatid ng karagdagang OFW sa Kuwait ay kanyang winakas.

Itong deployment ban ay bagkus sa na diskubreng bangkay ni Joanna Demafelis sa loob ng isang freezer ng inabandonang apartment ng kanyang mga employer at iba pang maraming nireport na kaso ng pangaabuso’t pananakit ng mga OFW sa Kuwait.



Image credit to the owner

Ngunit sa ngayong pagsuko ng Kuwait sa kondisyon ni Duterte sa Memorandum of Agreement na nagngangalang,

“Agreement on Employment on Domestic Workers between the Government of the State of Kuwait and the Governments of the Republic of the Philippines”

na pinirmahan ni Philippine Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at Kuwaiti Deputy Prime Minister Sheikh Sabah Khalilh Al Hamad Al Sabah nakakasigurado na ang Pilipinas na mabibigyan ng Kuwait ang ating mga OFW ng pagkain, matitirahan, damit at insurance pangkalusugan. Bukod rito ipinagbabawal na ring i-confiscate ang passport, mga id at celfone ng mga OFW na nagtratrabaho doon. 

Dagdag rin sa mga benepisyong kanilang matatanggap ang pagpayag ng mga employer na magbukas ng bank account ang mga OFW para maremita ang kanilang sahod sa Pilipinas. Sila rin bibigyan ng isang araw na day off kada linggo at dapat di bababa sa 7 oras ang kanilang tulog kada araw.

Ipinagbabawal naring manakit ng mga OFW.



FOREIGN Secretary Alan Peter Cayetano (L) and Kuwaiti Foreign Minister Sheikh Sabah al-/ Image credit to Journal Online

Dahil dito, laking pasasalamat ang ibinigay ni Duterte ang gobyerno ng Kuwait,

“Frankly, I would like to thank especially the Kuwait government for giving us these conditions with a better place for our OFWs.”

At kanyang ikinakasa na ang deployment ban sa Kuwait base sa rekomendasyon  ni Special Envoy to Kuwait Abdullah Mama-o. Pagkat,

“We’re okay now with Kuwait. My conditions were met. The Kuwaiti government has shown courage in meeting our challenge, ” sabi ni Duterte.

President Rodrigo Roa Duterte greets Ambassador of Kuwait to the Philippines Saleh Ahmad Althwaikh/ Credit to PhilStar

Magpatuloy sana ang mabuting relasyon ng dalawang bansa pagkat ang parehong panig ay handang magtulungan upang marating ang kabutihan ng kapakanan ng dalawa.

Nahuli na rin ang dalawang employer ni Demafalis, sina Labanese Nader Essam Assaf at ang kanyang asawa na si Syrian na Mona Hassoun, at sila’y ngayo’y nakakulong sa kani-kanilang mga bansa.













What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.













Fact Check SOURCE: PTV

THIS BLOG asserts no credit for any pictures posted on this website unless generally noted. Pictures on this blog are copyright to its respectful owners. Photos utilized are for illustration purposes only. We don't claim the photographs and no copyright infringement is intended if there is a picture showing up on this blog has a place with you and does not wish for it appearance on this website, please email us with a connection to the said picture and it will be expeditiously brought down.



Taos Puso ang Pasasalamat ni Pangulo Duterte sa Kuwait, dahil Napasuko niya ang Kuwait sa mga Kondisyon ng Pilipinas! Reviewed by Unknown on May 25, 2018 Rating: 5 Taos Puso ang Pasasalamat ni Pangulo Duterte sa Kuwait, dahil Napasuko niya ang Kuwait sa mga Kondisyones ng Pilipinas! / Image credit to ...

No comments: