SOCIAL EXPERIMENT: Ligtas pa ba para sa mga Kababaihan ng Maynila ang Nasa Labas pa din kahit Gabi na? - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

SOCIAL EXPERIMENT: Ligtas pa ba para sa mga Kababaihan ng Maynila ang Nasa Labas pa din kahit Gabi na?

SOCIAL EXPERIMENT: Ligtas pa ba para sa mga  Kababaihan ng Maynila ang Nasa Labas pa din kahit Gabi na?/ Image courtesy of www.pilipinofeed.com

Sa isang eksperimentong ginawa ng grupong Kami, kanilang nadiskubre na hindi ligtas ang mga lansangan para sa mga kababaihan lalo na kung ito’y mag-isang nagaantay sa gabi. 


Pag-papakita ng pambabastos sa pamamagitan ng cat-calling, panghihipo o paghahawak at pagpapalabas ng malaswang parte ng katawan ng walang abiso ang kadalasang nararanasan ng mga kababaihan kaya sinimulan ng Kami ang kanilang eksperimento’t kanilang inilabas ang resulta sa pamamagitan ng tatlong-minutong video may titulong “Is Manila safe at night for women?”



Image screenshot from Facebook/KAMI Videos

Image screenshot from Facebook/KAMI Videos

Upang magawa ang eksperimentong ito, binayaran ng Kami ang isang babae upang tumayo’t mag-antay sa tabi ng kalye ng mag-isa. Sa gulat ng sumusubaybay sa babae, agad siyang nilapitan ng isang lalaking nag-imbitang makipaginuman sa bar na kasama siya.

Ang susunod naman na lalaking lumapit ay nagmamaneho ng sasakyan at kanyang napagkamalang call girl ang babae! At kahit na siya’y humindi, todo pilit parin ang nagmamanehong lalaki upang siya’y sumama sa kanya!



Matapos iyon ay may isa pang lalaking lumapit sa kanya at paulit-ulit na tinanong ang babae kung pwede ba silang magsama.

Image screenshot from Facebook/KAMI Videos

Image screenshot from Facebook/KAMI Videos

Ang huling pagkakataon ng pambabastos sa babae ay nangyari noong bumalik ang nagmamanehong lalaki. Pinilit niya paring kunin ang babae at lumabas pa ito sa sasakyan at hinila siya. Hindi siguro susuko ang lalaki kundi pinilit ng babaeng takutin ang lalaki sa pamamagitan ng pagtawag sa pulis.

Image screenshot from Facebook/KAMI Videos

Image screenshot from Facebook/KAMI Videos


VIRAL ang naging video na ito sa Facebook. Nasa 1.5 milyong tao ang sumabaybay sa video, ito’y umani ng 46,000 na reaksyon at 14,00 mula sa galit na mga netizens. Ang iilan sa mga komentong ito ay,

“Oh see, desente ang pananamit nahaharass pa din. Wala sa mga babae ang deprensya, nasa mga lalaki (hindi ko nilalahat, pero mas malimit)na hindi marunong rumespeto sa isang babae. Tumayo lang ang tanong magkano?? Huh grabe..”



Pinagtanggol naman ng isang netizen pang posibilidad na ito’y scripted,

“Scripted or not, it does not invalidate the message it seeks to portray. Be vigilant because even if what’s in the video is made by actors, it cant be denied that it does happen in real life with or without cameras. Porket scripted eh wala ng value yung video?”

Abiso naman ng isang netizen sa mga kababaihan,

                “Do not place yourself in the wrong place at the wrong time. Be suspicious and be prepared. Create all possible scenarios but don’t be paranoid”




Samakatuwid may problema ba ang ilang kalalakihan? Kung may respeto’t pag-unawa sa bawat panig, ating maaabot ang panahon kung saan walang mababastos at ma-haharrass. Hindi ito mahirap abutin pagkat ito’y dapat na nagsisimula sa  atin mga sarili.











What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.













Daily Revelations Pilipinas SOURCE: Pilipino Feed | YouTube

THIS BLOG asserts no credit for any pictures posted on this website unless generally noted. Pictures on this blog are copyright to its respectful owners. Photos utilized are for illustration purposes only. We don't claim the photographs and no copyright infringement is intended if there is a picture showing up on this blog has a place with you and does not wish for it appearance on this website, please email us with a connection to the said picture and it will be expeditiously brought down.
SOCIAL EXPERIMENT: Ligtas pa ba para sa mga Kababaihan ng Maynila ang Nasa Labas pa din kahit Gabi na? Reviewed by Unknown on May 28, 2018 Rating: 5 SOCIAL EXPERIMENT: Ligtas pa ba para sa mga  Kababaihan ng Maynila ang Nasa Labas pa din kahit Gabi na?/ Image courtesy of  www.pilipinofe...

No comments: