Singaporean Employer, Malaki ang Pasasalamat sa Pinay OFW dahil sa Kabayanihan na Ginawa Nito sa Batang Alaga - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

Singaporean Employer, Malaki ang Pasasalamat sa Pinay OFW dahil sa Kabayanihan na Ginawa Nito sa Batang Alaga

Singaporean Employer, Malaki ang Pasasalamat sa Pinay OFW  dahil sa Kabayanihan na Ginawa Nito sa Batang Alaga / Image credit to Definitely Filipino

Matapos ang kontrobersyal na pagkakadiskubre sa isang patay na Pinay sa freezer ng kanyang amo, sumunod na deployment ban dahil dito at ang diplomatic row dahil sa isang viral na rescue operation na nangyari lahat sa bansang Kuwait, namulat ang mundo sa karahasang dinadanas ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) at ang pagmamahal at pagkaimportansya ng karapatang pantao ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga modernong bayani ng Pilipinas.



Isang netizen ng Singapore naman na may pangalang Peirong Nohsslw ang nagbahagi ng kanya kwento patungkol sa kabayanihan ng kanyang OFW na domestic helper sa bahay ng kanyang kapatid. Ang Pinay na si Sheryl na ginawang lumakad sa bubog ng basag na salamin upang mailigtas ang kanyang inaalagaang bata ni Peirong. Isang pangyayaring nagpapakita ng tunay nakabayanihan at pagmamahal OFW at masang Pilipino.

Ayon sa kwento ng netizen, nagpatulong ang kanyang anak na pumunta sa banyo kasama ang isa pang domestic helper na nagngangalang Jena. Ngunit noong i-flush ni Jena ang kubeta, nagawang hilain ng musmos na bata ang kristal na sliding door na siyang nabasag sa taas niya.



Puno ng bubog ang sahig at dumudugo ang mukha ng anak ni Periong, gustong-gusto na niyang lumabas ng banyo pagkat siya’y natatakot ngunit biglang sinigawan ito ni Sheryl para tumigil sa pagtangkang maglakad pagkat maaaring madagdagan ang sugat na kanyang matatamo pagkanyang natapakan ang bubog. Inutusan niya rin ang nagulat na si Jena na buhatin ang bata.

Hindi na siya nag dalawang isip at agad niyang nilapitan ang dalawa. Naglakad si Sheryl sa sahig na puno ng bubog at binuhat ang bata palabas. Hangang-hanga si Peirong sa ginawa ng OFW pagkat maaari siyang masaktan sa kanyang ginawa ngunit pinairal ng modernong bayaning ito ang kanyang katapangan at selflessness.



Sinugod sa ospital ang bata, bukod sa maliliit na sugat masasabing ligtas siya. Habang malaking pasasalamat ang ihinain ni Peirong sa OFW pagkat mabilis niyang inaksyunan ang aksidente at hindi na niya inisip ang sarili upang mailigtas ang kanyang anak.

Basahin ang buong post ng Singaporean netizen na naka-post sa kanyang Facebook account:























What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.














Fact Check SOURCE: Definitely Filipino | Facebook

THIS BLOG asserts no credit for any pictures posted on this website unless generally noted. Pictures on this blog are copyright to its respectful owners. Photos utilized are for illustration purposes only. We don't claim the photographs and no copyright infringement is intended if there is a picture showing up on this blog has a place with you and does not wish for it appearance on this website, please email us with a connection to the said picture and it will be expeditiously brought down.
Singaporean Employer, Malaki ang Pasasalamat sa Pinay OFW dahil sa Kabayanihan na Ginawa Nito sa Batang Alaga Reviewed by Unknown on May 18, 2018 Rating: 5 Singaporean Employer, Malaki ang Pasasalamat sa Pinay OFW  dahil sa Kabayanihan na Ginawa Nito sa Batang Alaga / Image credit to Definitel...

No comments: