Proyekto ni Cesar Montano na P80M ‘Buhay Carinderia’ bayad na, pero wala pang nasisimulan... Bagong DOT Chief, Aaksyunan! - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

Proyekto ni Cesar Montano na P80M ‘Buhay Carinderia’ bayad na, pero wala pang nasisimulan... Bagong DOT Chief, Aaksyunan!

Proyekto ni Cesar Montano na P80M ‘Buhay Carinderia’ bayad na, pero wala pang nasisimulan /Image credit to the web

Isinapubliko ni Philippine Star columnist Boo Chanco na ang Tourism Promotions Board (TPB) na pinamumunuan ni Chief Operation Officer Cesar Montano ay nakakumpleto na ng bayad nilang nasa 80-milyong piso para sa proyektong “Buhay Carinderia” bagkus hindi pa naisasagawa ang proyektong ito.



Photo credits to the owner
Ito’y lumalabag sa nakasanayang “full payment” pag natapos ang proyekto kaya nakakapanghinala ang intensyon o motibo sa likod nito. Ayon din kay Chanco, dapat sa Enero ng 2019 makukumpleto ang bayad ngunit sa pagitan ng Marso at Abril 2018, nakumpleto na ang P80-M bayad!


Ang culinary event na ito’y ifefeature ang chef na si Erwan Heussaff na magtratrain sa mga carinderia at proyekto itong nabuo lamang sa mga ideya ni Linda Legaspi ng Marylindbert International.

Image credit to the owner

Image credit to the owner
Nakita daw ni Chanco ang mga tsekeng inisyu ng TPB sa mga organizer ng “Buhay Carinderia” at kanyang nakita na, “The contract dated March 15 and notarized March 20 calls for a financial sponsorship of P80 million, plus VAT, to be released in four tranches: P12 million; P28 million; P32 million and P8 million upon completion of certain milestones. But full payment of over P80 million was made between March 19 to April 17.



Three Landbank checks charged to the account of the TPB were issued as follows: March 19 for P13,440,172.80; March 20 for P31,360,000; April 17 for P35.840,000.”

Kinumpara niya naman ito sa Madrid Fusion Manila kung saan unang 15-porsyento lang ang dinown payment nila at mga Abril 2017 pa nila binayaran ng buo ang culinary event na iyon.

Photo credits to Azrael's Merryland
Ngunit nakakapagtaka talaga kung bakit minadali ni Montano ang pagbabayad sa organizer ng “Buhay Carinderia.”

“Were they anticipating the inevitability of the former secretary’s ouster? Why did the approving authorities sign off on the payments that are in violation of the contract and the norms of government? Who is the carinderia proponent and what is the relationship with the tourism officials?” Tinanong ni Chanco.


Sariling sagot ang binigay ni Chanco sa kanyang tanong ng amining may nakikilala siyang isang Pilipinong fashion designer na naging koneksyon upang mangyari ang “Buhay Carinderia.”

Photo credits to ABS-CBN
“The same designer had benefited in sponsorships of TPB and DOT for fashion shows in London, Berlin, Canada, Middle East, and New York. Don’t ask how much! It will raise your blood pressure,” sabi ni Chanco.

Ngunit nadiskubre na may isang event na sponsored ng TPB at Deparment of Tourism (DOT), ang May 9, 2018 na Philippine Tourism Presentation and Dinner Reception na ginanap sa New York, USA, kung saan fineature ang fashion designer na si Renee Salud.

Image credit to the owner
Bagong DOT Chief Bernadette Romulo -Puyat/Image credit to the owner


Ano man ang dahilan kung bakit ito nagawa ni Montano, ito parin ang magiging kaunaunahang proyekto ng bagong DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat pag siya’y makaupo na sa kanyang office.
















What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 


Thanks for dropping by and reading this post.













Fact Check SOURCE: Politiko

THIS BLOG asserts no credit for any pictures posted on this website unless generally noted. Pictures on this blog are copyright to its respectful owners. Photos utilized are for illustration purposes only. We don't claim the photographs and no copyright infringement is intended if there is a picture showing up on this blog has a place with you and does not wish for it appearance on this website, please email us with a connection to the said picture and it will be expeditiously brought down.



Proyekto ni Cesar Montano na P80M ‘Buhay Carinderia’ bayad na, pero wala pang nasisimulan... Bagong DOT Chief, Aaksyunan! Reviewed by Unknown on May 15, 2018 Rating: 5 Proyekto ni Cesar Montano na P80M ‘Buhay Carinderia’ bayad na, pero wala pang nasisimulan /Image credit to the web Isinapubliko ni P...

No comments: