Physics Professor sa PUP, Dumanas ng Diskriminasyon Dahil sa Mala-Pulubi Nitong Itsura - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

Physics Professor sa PUP, Dumanas ng Diskriminasyon Dahil sa Mala-Pulubi Nitong Itsura

Physics Professor sa PUP, Dumanas ng Diskriminasyon Dahil sa Mala-Pulubi Nitong Itsura/ Photo image credit to the owners

Binansagan si Mr. Ruben Madridejos o simpleng “Sir Madri” bilang “The Hokage of Physics in PUP” ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) pagkat mala-ninja ang kanyang galawan sa pagtatago ng kanyang talino.





Imaheng pinost ni Rozel Billones sa Facebook


Gradutate si Sir Madri na isang CUM LAUDE sa Bachelor of Physics ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman at siya’y nakakuha noon 1985 ng Master’s Degree in Science in Geophysics ng LIBRE sa BERLIN GERMANY, ngunit noong siya’y bumalik sa Pilipinas at nagawang makapasok bilang instruktor ng PUP at nagtrabaho sa Bureau of Mines na tila isang pulubi siya kung tingnan dahial sa physical na pananamit at itsura nito. 



Sir Ruben Madridejos/ Image credit to Ray Mendez Vargas Facebook
Ishinare ng netizen at estudyante ni sir Madri, Rozel Billones sa Facebook ang pagkakataong hindi pinasakay ang matanda sa jeep at kanya itong ikinadismaya. Ayon sa kanya nagaantay daw ng masasakyan ang humble na instruktor ngunit hindi siya pinapasakat ng mga tsuper ng jeep pagkat kanilang akala na siya’y pulubi’t ‘di makabayad.

Sabi ni Billones,


                “Sa stopnshop siya sumakay and ayaw siya pasakayin sa jeep. Wala na daw upuan kahit meron naman talaga. Eh kung makatawag nga ng pasahero minsan isisiksik pa kahit wala na talagang upuan.”



Patok na Jeep sa Stop n Shop/ Image credit to #patokuniversity hashtag on Twitter

Ngunit pinilit na paupuin ni Billones ang kanyang nakilalang guro. Dismayado sinabi ng ni Sir Madri na,

                “Senior ako, ayaw niyo ako paupuin at pasakayin.”

Kahiya-hiya talaga ang mga nakasakay sa jeep at ang mismong tsuper na nagawang laitin at ipagkait na pasakayin ang humble at nakatatandang respetadong instruktor ng PUP. 

Kanilang hinusgahan ang isang henyo ng Pisika dahil sa kanyang itsura, labag lang sa kanilang maliliit na utak na ang taong ito’y kayan kainin sila ng buhay gamit ang maski na maliit na porsyento ng kanyang kaalaman.

Image credit to Facebook/ Rozel Billones

Image credit to www.indaytrending.com

Sabi nga ng isang netizen kumumento sa post ni Billiones na,

“Kagigil kung ako lang talaga yung nasa jeep masasabihan ko sila ng mga mangmang diba nila alam sobrang superb ng utak nya his teaching how our universe work. hahaha triggered ako sorry.”

Ifineature pa ang dakilang Sir Madri sa isang write-up ng lokal na dyaro ng PUP at dito siya binansagan bilang “The Hokage of Physics.”


Imaheng pinost ni Rozel Billones sa Facebook


Image credit to www.indaytrending.com

Image credit to www.indaytrending.com

Ang post ni Billones ay naging viral at biglang nakalikom ng mahigit kumulang 31,000 reaksyon at 14,000 shares.

Ika-nga nila, “wag maging mabilis sa paghusga, baka ika’y mapanganga.”







What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.







THIS BLOG asserts no credit for any pictures posted on this website unless generally noted. Pictures on this blog are copyright to its respectful owners. Photos utilized are for illustration purposes only. We don't claim the photographs and no copyright infringement is intended if there is a picture showing up on this blog has a place with you and does not wish for it appearance on this website, please email us with a connection to the said picture and it will be expeditiously brought down.
Physics Professor sa PUP, Dumanas ng Diskriminasyon Dahil sa Mala-Pulubi Nitong Itsura Reviewed by Unknown on May 22, 2018 Rating: 5 Physics Professor sa PUP, Dumanas ng Diskriminasyon Dahil sa Mala-Pulubi Nitong Itsura/ Photo image credit to the owners Binansagan s...

No comments: