Php3 Milyon na Ginastos sa Boracay, Ilan lang sa mga Kasinungalingan ni Sereno - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

Php3 Milyon na Ginastos sa Boracay, Ilan lang sa mga Kasinungalingan ni Sereno

Php3 Milyon na Ginastos sa Boracay, Ilan lang sa mga Kasinungalingan ni Sereno /Image on the left credit to ABS-CBN

Magarbong paggastos sa kaban ng inang-bayan, kawalang respeto sa kapwa Mahistrado, at pangaabuso ng kapangyarihan ng Punong Mahistrado. Iilan lang ito sa nilista ng SC na naging dahilan sa pagkakatanggal kay Sereno.

Kung akala ng nakararami na ang pagiging Punong Mahistrado ni Maria Lourdes Sereno ay hindi pa nakakadismaya, dumagdag din sa desisyon ng mga mahistrado ng Korte Suprema ang sumusunod na pagsisinungaling ng Punong Mahistrado.



Image credit to ABS-CBN News

Tatlo sa naka lista ay patungkol sa magarbong paggastos ni Sereno ng pera ng gobyerno:
·     Pagbili ng bagong Toyota Land Cruiser na nasa mahigit Php. 5,000,000!

·    Pagkuha sa Information Technology consultant Helen Macasaet na hindi dumadaan sa public bidding at labis-labis na pagbayad ng humigit Php. 11,000,000!



·         Paggastos ng Php. 3,000,000 na pondo ng gobyerno para sa kanyang pananatili Shangri-La Boracay na venue ng 3rd Association of South East Asian Nations Chief Justices meeting!
Tatlo naman roon ay pagkawalang respeto sa kanyang kapwa Mahistrado ng Korte Suprema at sa Konstitusyon na dinedemanda ang pangangailangan ng Court En Banc.

Image credit to www.goodnewsnetworkph.com


·         Paggawa ng Judiciary Decentralized Office (JDO) na tinago bilang pag-reopen ng Regional Court Administration Office (RCOA) ng hindi kinokonsulta o nirerespeto ang ibang mahistrado ng Korte Suprema.

·         Pag-appoint kay Geraldine Econg bilang Head ng JDO at kay Brenda Jay Angeles-Mendoza bilang Chief ng Phillippine Mediation Center Office (PMC) ng hindi kinokonsulta o nirerespeto ang ibang mahistrado ng Korte Suprema.

·         Hindi pagrespeto sa Ehekutibong sangay ng gobyerno sa pamamagitan ng paguutos na ikalat ng maling impormasyong patungkol sa delibirasyon ng En Banc ng Korte Suprema sa A.M. No. 16-08-04-SC patungkol sa apat na nakaupong hukom na sangkot sa iligal na droga.  Inutusan nya pa ang kanyang kapantay sa Ehekutibong sangay ng gobyerno na ang Executive Secretary na magsampa ng mga kaso laban sa nasabing mga hukom.

Apat na kasong pagsisinungaling at pagmamanipula ni Sereno sa taong-bayan at Korte Suprema.

Sandiganbayan Associate Justice Geraldine Faith Econg takes her oath before Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno. /Credits to Rappler

·         Pag isyu ng Temporary Restraining Order (TRO) sa kaso ng Coalition of Associations of Senior Citizens in the Philippines v. Commission on Elections  na labag sa panloobang batas ng Korte Suprema. At pagkukunwaring na nirekomenda daw ng isang Member-in-charge ang pagisyu ng TRO.



·         Pagmanipula sa request ng Department of Justice (DOJ) na ilipat sa labas ng Mindanao ang mga kasong-Maute.

·         Pagmanipula sa mga proseso ng Judicial and Bar Council (JBC) upang hindi maisama ang dating Solicitor General, ngayo’y Associate Justice Francis Jardeleza sa pamamagitan ng paggamit ng mga dokumentong napaka ekslusibo. Ito’y dokumento na makakaapekto sa kaligtasan ng Pilipinas.

·         Pagmanipula nanaman sa JBC upang hindi maisama si Court of Appeals Associate Justice Fernanda Lampas-Peralta sa mga listahan ng nominee para sa position ng Presiding Justice of the Court of Appeals.

Ang sumusunod na anim ay mga pagkukulang o pangaabusu ni Sereno na nagpapakita ng kanyang tunay na maitim na kulay.

·         Pagiging ignorante sa mga benipisyo sana ng mga na byudang asawa ng mga hukom at mahistrado na naging sanhi ng undue delay sa paglabas ng kanilang benipisyo.



·         Pagtanggi at kapalpakan sa pag-appoint ng kwalipikadong bagong aplikante sa iilang matataas na posisyon sa Korte Suprema.



·         Pagpili ng anim na nominees para sa bakanteng anim na posisyon bilang Associate Justice ng Sandiganbayan ng hindi sumusunod sa batas at pumigil sa kapangyarihan ng Pangulong maka-appoint ng mga myembro ng Hukuman.

·         Hindi makatuwirang pagrepresenta sa En Banc ng Korte Suprema patungkol sa pagtatanggal  sa pagboto ng mga rekomendadong aplikante para sa mga bakanteng posisiyon sa nasabing Korte.

·         Pakikisawsaw sa imbestigasyon ng House of Representatives sa di umano’y maling paggamit sa pondo ng tabako ng Ilocos Norte. Naghanda siya ng isang Joint Statement na hinihingian ng reconsideration sa show cause order ng House of Representatives laban sa Justices ng Court of Appeals. Sa pamamagitan nito, kanyang pinipilit ang dating Presiding Justice of the Court of Appeals, na ngayo’y Associate Justice Andres Reyes na pirmahan ito.

·         HINDI PAGRESPETO sa IMPEACHMENT PROCEEDINGS ng HOUSE OF REPRESENTATIVES LABAN SA KANYA

Hindi na nakapagtataka kung bakit nga napatalsik si Sereno sa pwesto, kakaibang kabastusan ang kanyang nagawa. Hindi lang kapwa mahistrado o masang Pilipino ang kanyang niloloko, pati na rin ang Batas at Konstitusyon na kanyang nirerepresenta at iniintindi. Tama ang mga mahistradong nagbotong paalisin si Sereno pagkat wala siyang karapatang maging Punong Mahistrado kung ganito kadumi ang kulay ng iyong pagkatao’t hustisya.














THIS BLOG asserts no credit for any pictures posted on this website unless generally noted. Pictures on this blog are copyright to its respectful owners. Photos utilized are for illustration purposes only. We don't claim the photographs and no copyright infringement is intended if there is a picture showing up on this blog has a place with you and does not wish for it appearance on this website, please email us with a connection to the said picture and it will be expeditiously brought down.
Php3 Milyon na Ginastos sa Boracay, Ilan lang sa mga Kasinungalingan ni Sereno Reviewed by Unknown on May 16, 2018 Rating: 5 Php3 Milyon na Ginastos sa Boracay, Ilan lang sa mga Kasinungalingan ni Sereno /Image on the left credit to ABS-CBN Magarbong paggas...

No comments: