Opposition lawmakers, Pinagbibitiw si DOT Sec. Teo dahil sa "Delicadeza" ng P60M Tourism ads sa Tulfo Brothers TV Show - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

Opposition lawmakers, Pinagbibitiw si DOT Sec. Teo dahil sa "Delicadeza" ng P60M Tourism ads sa Tulfo Brothers TV Show

Opposition lawmakers, Pinagbibitiw si DOT Sec. Teo dahil sa "Delicadeza" ng P60M Tourism ads sa Tulfo Brothers TV Show/Photo credit to owner

“Sabi ni Pres Duterte, just a whiff of corruption and you are out.” Ito ang  sinabi ni Anakbayan party-list Representative Tom Villarin matapos pagkaguluhan ang isyu patungkol sa kontrata ng Department of Tourism (DOT) Secretary Wanda Teo at ang palabas ng kanyang kapatid na si Ben Tulfo sa PTV-4.



Itong isyu ay nagbunga mula sa nadiskubre ng Commission on Audit (COA), kanilang nadiskubre ang kakulangan sa dokumento ng 60 milyong pisong deal ng DOT at ng Bitag Media Unlimited, Inc. na pinamumunuan ni Tulfo, kapatid ng Tourism Secretary.

DOT Secretary Wanda Tulfo-Teo with brother/Photo credit to owner

Base sa kontratang pinagkaunawaan, ang mga ad daw dapat ay ipinapalabas sa Kilos Pronto, PTV-4 program ni Tulfo. At dahil dito sa pagpapalabas sa programa ng kanyang kapatid, ang P60M ay mapupunta sa kamay ng mga Tulfo.


Tinanggi naman ni Teo ang lahat, mga irregularidad ng kontrata at ang akusasyon sa “conflict of interest”  ng DOT at PTV-4.

Ngunit napagusapan sa kontrata ay ang anim na minutong segment at tatlong minutong spot sa programa ng magkapatid na Tulfo na Kilos Pronto.

Image from the web

“Malinaw na palusot lang ‘yung statement ni Secretary Teo na sa pagitan lang ito ng DOT at PTV-4, when klaro naman, nasa [memorandum of agreement] na binabanggit ‘yung programa ng kanyang kapatid,” sabi ng ACT Teachers party-list Representative Antonio Tinio.

Dinagdag pa ni Tinio na klaro daw ang “conflict of interest” ng deal ng DOT at PTV-4, kanya ring sinabi na,

“Meron ba ditong naniniwala na hindi niya raw alam na mapupunta o mapapakinabangan ng kanyang mga kapatid sa pamamagitan ng kanilang programa sa PTV-4 ang pondong ito?”



Sabi naman ng Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao na,

“Ito po ang malinaw, delicadeza demands that Secretary Teo must resign.‘Yung galit ng gobyernong ito sa usaping nepotismo, ‘yung galit daw nila sa dating administrasyon, tila nangyayari naman ngayon eh.”



Para naman kay Villarin,

“It’s highly improper and clear conflict of interest to award it to your siblings. While it was G2G contract the end user was Bitag Productions that her brother owned.” 

Dinagdag niya rin na dahil sa responSibilidad ni Teo sa isyu, ang pag-resign nalang kanyang magagawa.

Image from Twitter/France L. Castro

Samantalang si ACT Teachers party-list Representative France Castro ang nagsabing dapat matahan ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kontrata ng DOT at PTV-4.             

“Diba sabi niya galit siya sa corrupt? Part kasi ito ng corruption. So, antayin natin ano man ang magiging sagot ng administration dito, kasi ang tagal ng kanyang reaction dito,” sabi ni Castro sa parang matritrigger ang Pangulo.        
     
Sinigurado ng Malacañang na kanilang susurIin ang isyu, ngunit mas gusto ng mga mambabatas ng bloke Makabayan na ang Congress ang magsuri sa kontratang ito.













What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.












Fact Check SOURCE: Politiko

THIS BLOG asserts no credit for any pictures posted on this website unless generally noted. Pictures on this blog are copyright to its respectful owners. Photos utilized are for illustration purposes only. We don't claim the photographs and no copyright infringement is intended if there is a picture showing up on this blog has a place with you and does not wish for it appearance on this website, please email us with a connection to the said picture and it will be expeditiously brought down.


Opposition lawmakers, Pinagbibitiw si DOT Sec. Teo dahil sa "Delicadeza" ng P60M Tourism ads sa Tulfo Brothers TV Show Reviewed by Unknown on May 02, 2018 Rating: 5 Opposition lawmakers, Pinagbibitiw si DOT Sec. Teo dahil sa "Delicadeza" ng P60M Tourism ads sa Tulfo Brothers TV Show/Photo cre...

No comments: