Netizen Shares Traumatic Experience in a Robbery Scandal at Well-Known QC Condo - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

Netizen Shares Traumatic Experience in a Robbery Scandal at Well-Known QC Condo


Netizen Shares Traumatic Experience to a Robbery Scandal in QC Condo/Photo credit to Facebook Elaiza Cae Jayden

Sa Facebook post ng ngayo’y namumulubi na ngayon ngunit nagpapasalamat na siya’y buhay parin si Elaiza Cae Jayden, kanyang isinalaysay ang mga pangyayaring hindi nila inaasahang mangyari sa gabi na sila’y nag papahinga sa condo unit ng kanyang kaibigan sa SMDC The Grass Tower 2.




SMDC The Grass Tower 2 Lobby. Photo credits to the owner
Isinalaysay ni Jayden na tila pangkaraniwang overnight stay lang ang nangyari bago pinasukan ang condo unit ng kanyang kaibigang si Kaneki Rize (Pat) na inesteyan nilang magbabarkada.

Nagsimula ang lahat nang galing lang daw ang sina Jayden at Pat sa SM North, matapos magpa footspa, kumain at biruan. Nagkwentuhan lang ang magbabarkada bago naisipan ni Jayden na tuluyang dumiretso sa kabilang kwarto upang magpahinga. Nagpatawag pa raw ng masahista ng Nuat Thai SMDC The Grass Branch si Pat habang sila’y nanunuod ng sine nina Allen Evad Tris, Princess Elvie Ortiz, MJ, at Allan.



Nasa mga 12 na ng gabi na iyon, at nasa celfone lang daw si Jayden, nagbrobrowse ng social media niya, pagtapos ng 30-minutos, biglang may kumatok, tatlong beses itong kumatok ng malakas at napaghinalaan ni Jayden na dumating na ang masahista. Ngunit labag sa kanyang inakala, narinig niya ang tila sigawan, pagaaway at bugbugan na nagpilit sa kanyang imbestigahan at pigilan ang pangyayari. Lumabas siya at hinarangan siya ng isang hindi niya makilalalang lalaki na may kutsilyong nakatutok sa kanya. Binabalaan niya pa si Jayden na kung siya’y kumontra sakanila, tiyak na patay siya sa pusil na dala niya.



Tinangkaan ang kani-kanilang mga buhay kung sila’ titingin sa mga mukha ng mga lalaking iyon. Nasa iba’t-ibang sulok naman ang barkada ni Jayden, nanginginig, nalilito, hindi makapaniwalang ganito ang nangyayari at umaasang dumating ang tulong, ngunit hindi ito dumating.


Photo credit to Facebook/Elaiza Cae Jayden

Pinagbubugbog daw si Allan habang kinukwestyon naman si Pat patungkol sa kinaroroonan ng susi ng kanyang sasakyan, at sa una’y nagsinungaling si Pat at sinabing nasa Parking Valet daw ngunit tila alam ng mga lalaking ito na hindi ito totoo at kanila pang pinagsisipa si Pat na nakadapa na daw sa sahig.



Matapos iyon, ay sinimulan na silang igapos, tinali ang mga kamay at nilagyan ng tape ang mga bibig at mata, tinanong pa si Jayden kung alam niya kung saan nakalagay ang susi, ngunit hindi niya nasagot ito.


Photo credit to Facebook/Elaiza Cae Jayden

Papatayin daw sila ng isa-isa kung hindi nila ibibigay ang susi, ito ang ibinanta ng isa sa mga lalaking hindi maki-makilala. Bulag at walang magawa ang magbabarkada, ngunit hindi sila bingi at naririnig ni Jayden na may binubugbog pa daw ang mga lalaking ito.

Inamin na ni Pat kung nasaan at tsaka sila isa-isang pinasok sa CR. Habang pinapasok si Jayden ay nagawa pa ng mga lalaki na sabihing, "WAG KA MAG ALALA BABY, DI KITA SASAKTAN", at molestyahin pa si Jayden. Sabay sigaw ang lalaki habang minomolestya ang babae na "PRE LAKI NG S*SO NETO", walang respetong barbarikong mga taong ito pagkat paulit-ulit daw nilang binalikan si Jayden!



Huling pinasok si Princess sa CR, at sila’y kinulong doon. Narinig nila ang kaguluhang nangyayari sa labas, walang sulok na nakatakas sa condo unit na iyon pagkat kanilang hinalukay ang lahat upang makita ang mga bagay na mataas ang halaga.


Photo credit to Facebook/Elaiza Cae Jayden
Tuluyang nakumpirma ng magbabarkada na tapos na ang hindi kapanipaniwalang engkwentro nila sa mga walang asal na lalaking nambugbog, nagnakaw at nangmolestya sakanila, noong wala na silang narinig mula sa labas. Buti nalang at maluwag ang pagkagapos sa kamay ni Princess at siya’y nakawala at tinulungan ang kanyang mga kaibigan.

Nadiskubre rin nila na dumating ang mga masahista, at sila rin ay nabiktima ng mga lalaking iyon ngunit tinawag nila ang seguridad sa pagkakataong umalis na ang mga barbarikong iyon.


Ang nawalang halaga ay isinaad ni Jayden sa kanyang post, sabi niya,

HALOS 500K NAKUHANG CASH KAY PAT PATI MGA PHONES AND WRIST WATCH ALSO YUNG SASAKYAN NYA. 96K CASH SAKIN AND PHONES/GADGETS/WATCH. 50K+ CASH AND PHONES KAY ALLAN. AND PURO PHONES WORTH 90K KLA MJ AND DAVE.”


Photo credit to Facebook/Elaiza Cae Jayden

Isa lang ang tanong nila sa SMDC, bakit nagkaganito silang magbabarkadang dapat na ligtas pagkat “mahigpit” ang seguridad ng kanilang tinitirahan.

Masakit man at nakakatrauma ang nangyari para kay Jayden, siya’y nagpapasalamat na pera lang at bagay hindi buhay ang kinuha ng mga barbarikong magnanakaw. Ang nawalang pera mapagtratrabahuan ngunit ang nawalang buhay ay napaglalamayan lang.

Mensahe nila Jayden sa lahat na magingat, wag agad-agad magbubukas ng pinto ng inyong bahay hangga’t sigurado kayong kakilala niyo ang taong nasa harap ng inyong pinto. Siguraduhing maigi mga netizens at baka makaiwas kayo sa pangloloob.
Nasa ilalim ang kompletong Facebook post ni Elaiza Cae Jayden:

"ANO NANGYARI?" "PANO NANGYARI?"

"SINO GUMAWA? KILALA NYO BA GUMAWA?"

"ANO GINAWA SAINYO?"
SUSUBUKAN KO PO IKWENTO LAHAT YUNG MGA NAAALALA KONG NANGYARI KAHIT NA HANGGANG NGAYON SHOCKED PA DIN AKO SA GINAWA SAMIN.


Photo credit to Facebook/Elaiza Cae Jayden

SMDC THE GRASS TOWER 2 ASSAULT & ROBBERY INCIDENCE

MAY 1, 2018, 12:30-2AM

AROUND 11:30PM BUMALIK NA KAMI SA CONDO NG KAIBIGAN KO NA SI Kaneki Rize AFTER NAMIN MAGPAFOOTSPA SA SM NORTH. KUMAIN, NAGBIRUAN,

NAGKKWENTUHAN KAMI NUN SA KABILANG MALAKING KWARTO NG MAISIPAN KO NG LUMABAS AT MATULOG NA AND LUMIPAT SA MAS MALIIT NA ROOM (COMBINED YUNG UNIT NA NIRERENT NG MGA KAIBIGAN KO DUN) LILIPAT AKO NG ROOM KASI NAIIYAK AKO SA SAKIT GAWA NUNG PAG INJECT SAKIN NG GLUTA NI PAT. HABANG NAIWAN SILA Allen Evad TrisPrincess Elvie Ortiz, MJ, ALLAN, PAT NA NANONOOD NG MOVIE. PARANG BILANG PANUNUYO, NAISIP NI *PAT* Kaneki Rize NA MAGPAROOM SERVICE NG MASSAGE MULA SA NUAT THAI SMDC THE GRASS BRANCH KAYA NAGPATAWAG SILA NG MASAHISTA.

MGA 12 NUNG MAHIGA AKO SA KAMA HABANG NAGBBROWSE NG SOCIAL MEDIA ACCOUNTS KO, INANTOK AKO AND NAGSET NG ALARM KASI MAY LAKAD AKO KINABUKASAN NG UMAGA. YUN DIN YUNG DAHILAN KAYA NAISIPAN KO NA MAG OVERNIGHT SA CONDO NILA KASI HIGIT NA MALAPIT KESA UMUWI PA KO SA BAHAY NAMIN (NOVALICHES)


Photo credit to Facebook/Elaiza Cae Jayden

AROUND 12:30AM NG MAY MALALAKAS NA KATOK AKONG NARIRINIG MULA SA LABAS. NAKATATLONG BESES PA NA KATOK YUN KASI NUNG UNA PARANG DI NILA BINUBUKSAN. HANGGANG SA NAWALA. *AKALA KO ANDYAN NA YUNG MASAHISTA* TAPOS AYUN NA PALA, GANUN NA YUNG NANGYAYARI, HINDI KO ALAM KASI NASA LOOB AKO NG MALIIT NA ROOM. TAPOS MAY NARIRINIG NA AKO NA PARANG MAY NAG AAWAY/NAGSASAPAKAN SA LABAS. KAYA BUMANGON AKO PARA TIGNAN OR AWATIN SANA, PAG BUKAS KO NG PINTO MERONG LALAKI AGAD SA HARAP KO NA TINUTUKAN AKO NG KUTSILYO SABAY SABING "WAG KANG MAINGAY BABARILIN KITA" THEN PAKITA NG BARIL NYA. NAKITA KO PINAGSASAPAK NILA SI ALLAN TAS DUN NILA SINASABI NA WAG AKONG TITINGIN NA PARANG AYAW NILA NA MARECOGNIZED NAMIN MGA ITSURA NILA. FROM SA MALIIT NA KWARTO TINAWAG NYA KO AT PINASUSUNOD SA KABILANG MALAKING KWARTO, DUN KO NAKITA NA NAKADAPA SI PAT SA SAHIG AND SI DAVE DUN SA FOLDING COUCH HABANG NASA SULOK NAMAN SI PRINCESS AND DAVE. DUN NYA AKO PINAPUNTA AT PINAUPO. PILIT NILANG PINALALABAS YUNG SUSI NG KOTSE NI PAT. TINATANONG SILA KUNG NASAN YUNG SUSI, PERO SABI NILA PAT NASA VALLET PARKING PA. HINDI SILA NANINIWALA, KAYA PINAGSASAPAK SILA SA TAGILIRAN HABANG NAKADAPA. NAPAPATINGIN AKO NUN PERO YUNG ISANG LALAKI SABI "WAG KANG TITINGIN BABARILIN KITA" KAYA SIMULA NUN YUMUKO NA LANG AKO. NANGINGINIG NA NAIIYAK AKO SA TAKOT. INISIP KO KAGAD MGA GAMIT KO PERO SYEMPRE MAS INISIP KO NA KUNIN NA NILA LAHAT WAG LANG NILA KAMI IDAMAY. NAPAPADASAL NA LANG TALAGA AKO NA SANA DI NAMAN KAMI SAKTAN OR WORST PATAYIN. THEN MAY ISANG LALAKI NA LUMAPIT SAMIN AT ISA ISA KAMING BINUSALAN AT PINIRINGAN GAMIT YUNG PACKAGING TAPE KASAMA YUNG PAA AT KAMAY NAMIN. HABANG NILALAGYAN AKO NG TAPE SA MATA, TINANONG PA KO NG LALAKI NA "TE ASAN YUNG SUSI NG SASAKYAN?" SABI KO "HINDI KO PO ALAM, WALA PO AKONG ALAM SA KANILA" **IM LIKE PUTANGINAAAAA??? SECOND DAY KO PA LANG HUMANG-OUT KASAMA SILAAAA LORD WTH IZ DIZZZ!!** THEN DUN NYA NA KO NILAGYAN NG TAPE SA BIBIG. LAHAT KAMI NAKAPIRING NA AT NAKAGAPOS, NARIRINIG NAMIN NA NAGHAHALUGHOG SILA SA CONDO, MAY NAGSALITA NA KAPAG DI NILABAS YUNG SUSI NG KOTSE, PAPATAYIN DAW KAMI LAHAT. MARIRINIG PA DIN NA MAY SINASAKTAN SILA KAHIT NA WALA KAMING MAKITA, KAYA SINABI NA NI PAT KUNG SAAN NAKALAGAY YUNG MGA PERA AT SUSI. SIGURO NUNG NAKITA NA NILA DUN NA KAMI HINILA ISA ISA PAPUNTANG BANYO. NAUNA SI PAT, SUMUNOD SI MJ, DAVE AT AKO. HABANG HINIHILA AKO, NAGSALITA PA YUNG LALAKI, NA "WAG KA MAG ALALA BABY, DI KITA SASAKTAN" SABAY HAWAK SA MASESELANG PARTE NG KATAWAN KO. TAS NAGSALITA PA NG "PRE LAKI NG S*SO NETO" HULING HULI IPINASOK SI PRINCESS, TAPOS KINULONG KAMING LIMA SA BANYO. EVERYTIME NA PARANG MAY PAPASOK SA CR PARA TIGNAN KAMI MERONG LALAKI NA HAHAWAK SAKIN KUNG SAAN SAAN. NAKAKAIYAK. (DKO MASABI KUNG SAME PERSON KASI WALA AKONG MAKITA) HABANG NASA CR KAMING LAHAT, MARIRINIG NA ANDUN PA DIN SILA T HINAHALUGHOG YUNFG MGA GAMIT HANGGANG SA UNTI UNTI WALA NA KAMING NARIRINIG. BUTI NA LANG AT MEDYO MALUWAG YUNG PAGKAKALAGAY NG TAPE SA KAMAY NI PRINCESS KAYA ISA ISA KAMI NATANGGALAN NG TAPE SA LOOB. INIHARANG NILA YUNG FOLDING COUCH SA PINTO NG CR PARA MAHIRAPAN KAMING LUMABAS.


Photo credit to Facebook/Elaiza Cae Jayden
LATE NA NAMING NALAMAN NA DUMATING RIN PALA YUNG MGA MASAHISTA AT GINAPOS DIN SILA. PERO MAS NAUNA SILANG NAKALABAS AT SILA YUNG UNANG NAKAPAG SABI SA SECURITY ABOUT SA NANGYARI.

MEDYO DI OKAY YUNG UMPISA NG KWENTO KO KASI HINDI KO ALAM NA MAY KOMOSYON NA SA LABAS HABANG AKO NAKAHIGA PA.

NAGREREQUEST NA KAMI NG CCTV FOOTAGE SA CONDO. AND PATI SA PARKING KUNG PANO NAILABAS YUNG SASAKYAN NI PAT NG WALANG PARKING TICKET. AND PARA PO MASAGOT TANONG NYO, KUNG AKO PERSONALLY DI KO PO KILALA YUNG MGA SUSPECT KASI NGA 2ND DAY KO PA LANG SILA NAKAKASAMA DUN SA CONDO ALTHOUG MADALAS KASAMA KO SILA GUMIMIK. KAHIT SILA PAT, MJ, DAVE AND ALLAN DI RIN DAW NILA KILALA.

HALOS 500K NAKUHANG CASH KAY PAT PATI MGA PHONES AND WRIST WATCH ALSO YUNG SASAKYAN NYA. 96K CASH SAKIN AND PHONES/GADGETS/WATCH. 50K+ CASH AND PHONES KAY ALLAN. AND PURO PHONES WORTH 90K KLA MJ AND DAVE.


Photo credit to Facebook/Elaiza Cae Jayden
ANG CONCERN NAMIN IS, ANONG NANGYARI SMDC? ANYARE SA SECURITY? KULANG NA LANG MAY MAPATAY SAMIN. HUHU GRABE TO. WALA KAMING MGA PICTURES KASI WALA NA KAMING PANG TAKE LAHAT KAMI NGAYON NAMUMULUBI SA PHONE.

LESSON LEARNED SA MGA NAKA CONDO, LAGI NYO ICHECHECK KUNG SINO ANG KUMAKATOK. PAG DI KILALA WAG NA PAGBUKSAN KAHIT NA MINSAN PARANG NALILIGAW PA YAN OR MALI NG UNIT. BETTER BE SAFE THAN SORRY.

TSAKA SA MGA KATULAD KO MAHILIG MAKI OVERNIGHT, HUHU WAG NA TAYO UULIT MGA BESHYWAPS! TANGINAAA. DAT UMUWI NA LANG AKO EH. https://static.xx.fbcdn.net/images/emoji.php/v9/f40/1/16/1f62d.png😭 SOBRANG NAGPAPASALAMAT PA DIN AKO KAY LORD NA WALANG NANGYARI SAKEN/SAMEN. BUHAY AKO. SHETT. LAKAS KO TALAGA SA BABA! ESTE SA TAAS HAYS https://static.xx.fbcdn.net/images/emoji.php/v9/f40/1/16/1f62d.png😭 PERA KIKITAIN YAN, BIGAY NYO NA LANG KAGAD LAHAT. SI LORD NA BAHALA.












What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.




Fact Check SOURCE: Facebook/Elaiza Cae Jayden

THIS BLOG asserts no credit for any pictures posted on this website unless generally noted. Pictures on this blog are copyright to its respectful owners. Photos utilized are for illustration purposes only. We don't claim the photographs and no copyright infringement is intended if there is a picture showing up on this blog has a place with you and does not wish for it appearance on this website, please email us with a connection to the said picture and it will be expeditiously brought down.

Netizen Shares Traumatic Experience in a Robbery Scandal at Well-Known QC Condo Reviewed by Unknown on May 05, 2018 Rating: 5 Netizen Shares Traumatic Experience to a Robbery Scandal in QC Condo/Photo credit to Facebook Elaiza Cae Jayden Sa Facebook post ng...

No comments: