Netizen, nagbabala sa bagong modus ng mga kawatan sa pagbili ng bagong cellphone - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

Netizen, nagbabala sa bagong modus ng mga kawatan sa pagbili ng bagong cellphone

Image credit to Definitely Filipino

Bagong modus operandi nanaman po ng hinihinalang “budol-budol” gang ang nahuli sa CCTV matapos matarget ang isang mamimili ng smartphone. Magingat po nga netizens pagkat kakaiba ang style nila ng pagnanakaw.



For illustration purposes only/Photo credit to owner

“Deception” ang tawag sa pagnanakaw kung saan ika’y nililito ng nagbebenta sa pamimili ng isang bagay na tila orihinal ngunit peke ang bagay na ito. Ang nangyari po ito sa isang Facebook Netizen na si Sabir Pomperada Ryan kung saan siya’y inalokan ng tila orihinal na OPPO ‘smartphone’ sa halagang Php. 2,300, isang di kapanipaniwalang presyo para sa smartphone na ito.


Sabi ng pulisya na ang nahuling bagong Modus Operandi ng isang di kinikilala ngunit pinag hihinalaang miyembro ng “budol-budol” gang ay nangyayari sa loob ng mga tinadahan ng smartphone.

Ayon sa kwento ni Ryan, nasa Cherry Mobile Store ng SM Bacolod daw siya, naghahanap ng bagong smartphone na bibilhin ng lapitan siya ng isang lalaking gustong ibenta ang kanyang OPPO smartphone para sa Php. 2,300 lang.



For illustration purposes only/Photo credit to owner

Sa iilang minuto ng kanilang pakikipagusap, tila na “hypnotized” nga si Ryan at kanyang binili ang smartphone matapos makita na orihinal nga at totoo ang smartphone.

Ngunit ng ibinigay ng Netizen ang perang nagkakahalagang Php. 2,300 sa lalaki, ibinulsa niya ang smartphone at tsaka kinuha ulit ito at nilagay sa plastik, dummy phone na pala ang kinuha ng lalaki, at dito na si Ryan tuluyang naloko.

Di rin napansin ni Ryan na dummy phone na pala ung nasa plastik sapagkat siya’y tinawag ng isang kaibigan. Napansin niya lang na hindi pala totoo ang smartphone na dala niya habang nakikipagusap. At pagtalikod niya, na budol-budol na nga daw siya.



Isang paalala lng ang gustong ibahagi ni Ryan. Kung ika’y hindi alerto at mapagbantay, tiyak na maloloko ka. Kaya ingat ingat mga neizens.


For illustration purposes only/Photo credit to owner

Image credit to Definitely Filipino
Mababasa sa ilalim ang buong Facebook post ni Sabir Ryan, na sa kasalukuyan ay hindi na makikita sa kanya Facebook profile:

 Alert!!!! budol budol sa SM, bibili kmi sana ng cp sa cherry store sa SM bacolod kaninang mga 3:20 ng hapon, habang pumipili kmi ng cp na bibilhin sana bigla nlang lumapit itong lalaki, nag offer sya sa akin ng OPPO na phone,, nahumaling rin ako ksi nakita ko original ang cp tsaka dual camera pa,, sabi ko ito nlang bibilhin ko kahit alam ko nman na ito ay illegal ksi nga maganda ang phone,, lumabas na kmi ng store at doon na kmi nag trnsact binili ko sa kanya ang phone sa halagang 2300,, pag bigay ko ng pera ibinalik nya sa bulsa ang phone,, ang di ko pala alam my dummy phone pala sa kanyang bulsa, at tsaka kinuha nya ulit yung phone sa bulsa nya at nilagay sa plastic at binigay sa akin, tsakto din na dumaan ang kaibigan ko tinawag nya ako kaya d ko na check yung phone ksi nga akala ko yun yung unang pinakita nya sa akin.. nag usap lng kmi ng kaibigan ko sandali pag talikod ko wla na ang p*ta,, at yun na budol2 na pala ako,, kaya payo lng sa mga gsto mka mora ng cp,, wag na wag kayong bibili sa mga d nyu kilala... think twice.. alam ko na mn na mali ang ginawa ko, "dalawang kalsi lng ng tao sa mundo, ang manloloko at ang magpapaloko" at ako nga ay naloko,,... pakishare nlang baka makita nyu tong gag* na to dito sa bacolod... at kung makita nyu itong gag* nato pakireport nlang sa malapit na police station nka blotter na ksi sya.. salamat po...

Image credit to Definitely Filipino





What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.





Fact Check SOURCE: Definitely Filipino 

THIS BLOG asserts no credit for any pictures posted on this website unless generally noted. Pictures on this blog are copyright to its respectful owners. Photos utilized are for illustration purposes only. We don't claim the photographs and no copyright infringement is intended if there is a picture showing up on this blog has a place with you and does not wish for it appearance on this website, please email us with a connection to the said picture and it will be expeditiously brought down.
Netizen, nagbabala sa bagong modus ng mga kawatan sa pagbili ng bagong cellphone Reviewed by Unknown on May 03, 2018 Rating: 5 Image credit to Definitely Filipino Bagong modus operandi nanaman po ng hinihinalang “budol-budol” gang ang nahuli sa CCTV matapos m...

No comments: