Pari na Nabwiset, Nagbitiw ng ‘bomb joke’, Delayed Flight ang Naging Resulta - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

Pari na Nabwiset, Nagbitiw ng ‘bomb joke’, Delayed Flight ang Naging Resulta

Pari na Nabwiset, Nagbitiw ng ‘bomb joke’, Delayed Flight ang Naging Resulta/Photo for Illustration purposes only: Credit to the owners

Ayon sa Presidential Decree 1727, ang pagbibitaw ng “bomb joke” sa isang sinasakyang eroplano ay may hantung na kaparusahan na hanggang apat na taong pagkakakulong at multang nasa Php 40,000.



Ngunit ang mga kaparusahang ito’y hindi natinag ang isang pari ng kanyang bitawang ang isang bomb joke patungkol sa bag niyang may lamang pagkain.


For illustration purposes only/Image credit to owner

Image credit to the owner


Isinalaysay ni Chief Inspector Ruel Baganes ng Avaiation Security Unit ang nangyari kung saan,

“Kasi yung cabin crew gustong ilagay sa ilalim ng upuan yung bag niya na ang laman is mga pagkain. Yung subject passenger naman, malaki ang respeto niya sa pagkain kaya hindi siya sumunod sa sinabi ng cabin crew which is lately na-irritate yung alleged subject, nakapagsalita siya ng 'Wag kayong mag-alala, hindi bomba 'yan, pagkain lang po 'yan.”



Dahil sa simpleng linya na ito, pinababa ang lahat ng pasahero ng sinasakyang eroplano ng pari at ininspeksyon ng awtoridad ng paliparan ang kabuohan ng eroplano na naghantong sa pagkabigo. Walang bomba sa eroplano ngunit naantala ang flight ng apat na oras dahil sa ginawa ng pari.

Idinala sa airport police station ang 69-anyos na pari na tinago ang pangalan. Paaalala naman ng Chief Inspector sa lahat ng pasahero,

“Pag nasa airport po tayo, iwasan po natin ang magbabanggit o magbibiro ng tungkol sa bomba.”



Pabalik sa Maynila mula Dumagete City ang Philippine Airlines flight nang ito’y maantala dahil sa pari. Nakalipad naman ang pari pabalik ng Maynila ngunit sa pamamagitan ng ibang airline.










What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.








Fact Check SOURCE: ABS-CBN

THIS BLOG asserts no credit for any pictures posted on this website unless generally noted. Pictures on this blog are copyright to its respectful owners. Photos utilized are for illustration purposes only. We don't claim the photographs and no copyright infringement is intended if there is a picture showing up on this blog has a place with you and does not wish for it appearance on this website, please email us with a connection to the said picture and it will be expeditiously brought down.


Pari na Nabwiset, Nagbitiw ng ‘bomb joke’, Delayed Flight ang Naging Resulta Reviewed by Unknown on May 17, 2018 Rating: 5 Pari na Nabwiset, Nagbitiw ng ‘bomb joke’, Delayed Flight ang Naging Resulta/Photo for Illustration purposes only: Credit to the owners ...

No comments: