Mindanao Railway Project, Tuloy Pa Rin! DOTr, Ipinangako na Nasa Oras at Walang Bahid ng Korupsyon ang Kumakalat na Allegasyon sa Ahensya - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

Mindanao Railway Project, Tuloy Pa Rin! DOTr, Ipinangako na Nasa Oras at Walang Bahid ng Korupsyon ang Kumakalat na Allegasyon sa Ahensya

Mindanao Railway Project, Tuloy Pa Rin! DOTr, Ipinangako na Nasa Oras at Walang Bahid ng Korupsyon ang Kumakalat na Allegasyon sa Ahensya / Image credit to www.manilalivewire.com

Isang railway na proyektong umaabot sa 2,000 na kilometrong magduduktong sa mga syudad ng Mindanao na nasa timog bahagi ng Pilipinas ang pinaplano ng gobyerno isakatuparan sa termino ni Pangulong Duterte. Kasama sa dadaanang mga syudad sa Mindanao ay ang Davao, Zamboanga, Butuan, Surigao, Cagayan de Oro, Iligan, at General Santos. Layunin ng proyektong ito na ipalago ang ekonomiya ng rehiyon.



Mindanao Rail Project Latest Update / Image credit to CDODev.Com
Image credit to www.stationmindanao.com

Phase 1 ang gagawing konstruksyon ng 105 na kilometrong segmentong magdudugtong sa Tagum, Davao at Digos. Magiging isang oras at 20 minuto ang biyaheng tren kung ito’y makumpleto mula sa mahigit tatlong oras na biyahe mula  Tagum papuntang Digos.


Ngunit ang dating assistant secretary ng Department of Transportation (DOTr) Mark Tolentino ang nagsabing may iilang opisyal ng DOTr na nagbabalak antalain ang proyekto pagkat ito’y pinopondohan ng isang loan mula China kahit na may lehitimong itinabing Php. 36-milyong budget ang General Appropriations Act.

Dating DOTr Undersecretary Mark Tolentino photo on the right/ Image credit to Philippine News Now
DOTr Undersecretary for Railways Timothy John Batan/ Image credit to Facebook

Kinontra naman ito ni DOTr Undersecretary for Railways Timothy John Batan sa pamamagitan ng kanyang depensa na,

“We assure the public that the Mindanao Railway Project will be done with no corruption, in accordance with rightful processes and no delays while ensuring its quality.”



Dinagdag rin at iklinaro ni Batan na,

                “It is not true that we are derailing the Mindanao Railway; we are on track and it is set to be operational by 2021.”

Ayon rin sa Undersecretary, pinilit ni Tolentino na magpa-press briefing maskin siya’y kinontra’t pinigil ng mga kasama sa DOTr pagkat dinidiskusyonan pa kung tuluyang popondohan ang Phase 1 ng Mindanao Railway gamit ang Official Development Assistance (ODA) ng Tsina.

Arogante kasing idiniin ni Tolentino na siya’y dumiderekto lamang kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte at may “basbas” daw ang kanyang presscon ng mga miyembro ng First Family.

                “Hindi ko alam ang pinatutunguhan ni former Asec Mark. Di po natin alam kung sino yung member ng First Family na nagbigay sa kanya ng blessings,” sagot ni Batan patungkol sa “basbas” na binigay kay Tolentino.



Idiniin din ng Pangulo na protocol ang hindi paghahalo ng Palasyo sa mga kontratang tulad nito.
“The President has always stressed that no contracts go through Malacañang,” dinagdag ni Batan.




























What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.




















Fact Check SOURCE: PTV

THIS BLOG asserts no credit for any pictures posted on this website unless generally noted. Pictures on this blog are copyright to its respectful owners. Photos utilized are for illustration purposes only. We don't claim the photographs and no copyright infringement is intended if there is a picture showing up on this blog has a place with you and does not wish for it appearance on this website, please email us with a connection to the said picture and it will be expeditiously brought down.

Mindanao Railway Project, Tuloy Pa Rin! DOTr, Ipinangako na Nasa Oras at Walang Bahid ng Korupsyon ang Kumakalat na Allegasyon sa Ahensya Reviewed by Unknown on May 23, 2018 Rating: 5 Mindanao Railway Project, Tuloy Pa Rin! DOTr, Ipinangako na Nasa Oras at Walang Bahid ng Korupsyon ang Kumakalat na Allegasyon sa Ahensya ...

No comments: