Mag-Asawa, Nagiipon ng Barya na tag-Lima at Sampung piso, Nakapagbayad ng Tuition fee ng mga Anak - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

Mag-Asawa, Nagiipon ng Barya na tag-Lima at Sampung piso, Nakapagbayad ng Tuition fee ng mga Anak

Image from Facebook.com/groups/PesoSenseSaversGroup
Mahirap nga talaga ang magipon, lalo na pag dumating ang sweldo. Sinusubukan man nating magipon, tinatakbuhan natin ang inipon para matustusan ang pangangailangan pagwalang wala na. Lalo na sa panahong kinakailangan ang ipon upang mabayaran ang nagtataasang tuition fees ng mga paaralan at kolehiyo.



Ngunit ipinatunayan ng isang mag asawa sa Facebook na kahit ang hindi paggastos at pagipon ng baryang lima at sampung piso lamang ay makakabuo ng halagang pupwedeng magtustos sa pagaaral ng kanilang anak.

Hindi na kinailangan ni Jamie Jam at ng kanyang asawa na magbayad ng buwanan upang mabayaran ang tuition fee ng kanilang anak pagkat kanilang nalikom ang isang napakalaking halaga sa loob ng isang taong pagiipon ng barya.



Image from Facebook.com/groups/PesoSenseSaversGroup

Image from Facebook.com/groups/PesoSenseSaversGroup

Image from Facebook.com/groups/PesoSenseSaversGroup

Shinare ni Jam ang kanyang kwento sa Facebook group na PESO SENSE SAVERS kung saan naaalala niya pa ang isang taong pagiipon ng lima at sampung pisong baryang tinatago sa isang coin bank. Sa paraang ito, hindi nila magagastos ang mga baryang naipon at patuloy silang makakapagipon hanggang mapuno ang coin bank.



Nagsimula sa iilan lang, ngayo’y pagkabigat-bigat ng coin bank nila. Nakolekta nila ang halagang Php. 10,320 sa inipong mga barya. Ito’y pera na didiretso sa tuition fee ng kanilang anak.


Image from Facebook.com/groups/PesoSenseSaversGroup

Sigurado ang pamilya na kanilang uulitin ang itong ideya pagkat epektibo ang kanilang paraan ng pagiipon.



Isang ehemplo po ng pagiipon, pasensya at disiplina ang ipinakita ng pamilya ni Jamie Jam, tanging paggaya sa life hack na binigay nila ang maaari nating magawa para tayo’y handa kung biglaang kinakailangan ang malaking halaga ng pera.










What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.









Fact Check SOURCE: Definitely Filipino

THIS BLOG asserts no credit for any pictures posted on this website unless generally noted. Pictures on this blog are copyright to its respectful owners. Photos utilized are for illustration purposes only. We don't claim the photographs and no copyright infringement is intended if there is a picture showing up on this blog has a place with you and does not wish for it appearance on this website, please email us with a connection to the said picture and it will be expeditiously brought down.

Mag-Asawa, Nagiipon ng Barya na tag-Lima at Sampung piso, Nakapagbayad ng Tuition fee ng mga Anak Reviewed by Unknown on May 01, 2018 Rating: 5 Image from Facebook.com/groups/PesoSenseSaversGroup Mahirap nga talaga ang magipon, lalo na pag dumating ang sweldo. Sinusubukan man n...

No comments: