Koleksyon ng PCSO sa Q1 ng 2018, umabot sa P16-B - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

Koleksyon ng PCSO sa Q1 ng 2018, umabot sa P16-B

Koleksyon ng PCSO sa Q1 ng 2018, umabot sa P16-B/Image credit: www.goodnewsnetworkph.com

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander Balutan, ang Lotto at Small Town Lottery (STL) ang naging dahilan sa pagtaas ng 28.24 porsyento o Php. 15,983,404,422 kita ng PCSO sa unang tatlong buwan ng 2018 lamang!



Sa 15.98-bilyong pisong kita, ang kontribusyon ng Lotto ay 7.6-bilyong piso, ang sa STL naman ay 6.1-bilyong piso at ang sa iba pang produkto ay nasa 1.4-bilyong piso.

Image credit: rappler.com
Image credit: filipinotimes.net
Photo credit to the owner

Dahil sa napakataas na dinagdag sa kita ng PCSO, nasa 120,356 na pasyenteng benipisyaryo ng Individual Medical Assistance Program (IMAP) ang kanilang natulungan sa unang bahagi lang ng taon, kumapra sa 89,756 na pasyente sa parehong bahagi noong huling taon. Ang ibinahagi ng PCSO sa IMAP sa ngayon ay tumaas ng Php. 673,110,415.17.
Idiniin ni Balutan na,

“Because we generated that much, PCSO was able to assist more patients, and this also means more funds, more patients will be served by PCSO.”



Hindi lang pasyente ang natulungan ng dagdag kita ng PCSO, nakapagbigay din sila ng pera sa mga Local Government Units (LGUs) na namamahala ng mga STL, PNP, at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng umaabot sa 446.61-milyong piso!

Sa Commission on Higher Education, Philippine Drug Agency at Philippine Sports Commission naman ay nabigyan ng halagang umaabot sa 106.22-milyong piso.  Nasa 3.59-bilyong piso naman ang inilathala ng PCSO sa buwis-gobyerno.



Dahil sa napakalaking halagang kinikita at ipinapadaloy ng PCSO, transparency ang kanilang pinapamuno sa kanilang ahensya,

“We want to show the public especially those who are patronizing our gaming products where their money goes,” sabi ni Balutan.

Malaki ang naging kontribusyon ang naging kita sa STL ay tumaas ng nasa 114 porsyento, kumbaga PHP 3,282,796,119 kumpara sa huling taon na PHP 2,877,462,813. Ngunit ito’y naging posible lang pagkat tinulungan ng Philippine National Police ang PCSO sa laban sa ipinagbabawal na mala-lottong pagsusugal at sa pagtanggap at tangkilik din ng mga opisyal ng gobyernong lokal sa STL ng PCSO.

PCSO Individual Medical Assistance Program, Image credit: The Manila Times
Image credit: Definitely Filipino News – Balita
Photo credit to the owner


Ika nga ng General Manager patungkol sa STL ay isang,

                “resounding success of PCSO’s effort in implementing STL across the country and the government’s fight against all forms of illegal numbers game.”



Hindi mailarawan ang pasasalamat na gustong ipaabot ni Balutan pagkat sa tulong ng gobyerno, kanilang nakamit ang halagang hindi nila inaasahan. Kaya ngayon sabi ni Chairman Anselmo Simeon Piinili ng PCSO na kanilang plano na umabot ng 60-bilyong piso ang kikitain sa pagtatapos ng 2018. Itong napakataas na ambisyon ng PCSO ay dahil sa kanilang kagustuhang higit na makatutulong sa mahihirap sa pamamagitan ng mga charity programs na mula sa Pilipino na para sa Pilipino.










What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.







Fact Check SOURCE: www.pna.gov.ph | www.goodnewsnetworkph.com

THIS BLOG asserts no credit for any pictures posted on this website unless generally noted. Pictures on this blog are copyright to its respectful owners. Photos utilized are for illustration purposes only. We don't claim the photographs and no copyright infringement is intended if there is a picture showing up on this blog has a place with you and does not wish for it appearance on this website, please email us with a connection to the said picture and it will be expeditiously brought down.
Koleksyon ng PCSO sa Q1 ng 2018, umabot sa P16-B Reviewed by Unknown on May 11, 2018 Rating: 5 Koleksyon ng PCSO sa Q1 ng 2018, umabot sa P16-B/Image credit: www.goodnewsnetworkph.com Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Offi...

No comments: