Kapalpakan sa Konstruksyon sa isang Flyover ng Cavite, Human Error ayon sa DPWH - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

Kapalpakan sa Konstruksyon sa isang Flyover ng Cavite, Human Error ayon sa DPWH

Kapalpakan sa Konstruksyon sa isang Flyover ng Cavite, Human Error ayon sa DPWH/ Image credit to Hataw Tabloid on the right photo

Isang malaking aksidente ang nangyari sa isang intersection ng Aquinaldo Highway at Daang-hari Road ng Imus City Cavite na kung saan kapalpakan sa konstruksyon ng isang flyover ang naging dahilan sa aksidenteng ito ngunit sa kabutihang-palad walang naiulat na nama+ay o nasaktan dahil dito.

Ayon sa Mayor ng Imus City Emannuel Maliksi, kanyang nalikom ang dahilan ng aksidenteng ito mula sa kontraktor ng proyekto, JBL William Uy Constructon, na tila nag-domino effect ang mga bumagsak na lima na girder pagkat mali ang pagkakakabit ng pang-anim na girder sa isang beam. Hindi raw sumakto ang dowel sa beam cap.

Image credit to RMN.ph
Ginagawang flyover sa Cavite, bumagsak/ Image credit to Sonshine Radio

Ginagawang flyover sa Cavite, bumagsak/ Image credit to PhilStar

Dahil dito nadaganan ang isang truk at iilang motorsiklo ng mga traffic enforcer at buti nalang nakatakbo ang mga may-ari nito.

Patuloy na malawakang trapik naman ang naging resulta ng kapalpakang ito. Buti nalang at ipinasara ang interseksyon habang ito’y ginagawa pagkat dahil dito walang nasaktang motorista.



Nasa isa’t-kalahating araw pa daw bago tuluyang matapos ang iniutos na clearing operations ng nasabing Mayor. At nasa humigit kumulang 20 milyong pisong pinsala ang nakamit ng kapalpakang ito. Wala ring pahayag na inilabas ang kontraktor ng proyektong ito.

Habang ang trapik ng interseksyon na iyon ay patuloy na susundan ang ibinigay na alternatibong ruta kung saan ang mga light vehicles ay dadaan sa Anabu at Malagasang Road habang ang mga truk at bus ay dadaan naman sa Salitran Road patungong Molino-Paliparan Road at Molino Boulevard.



Ginagawang flyover sa Cavite, bumagsak/ Image credit to DWIZ Mas Todong Lakas
Sa ngayon ay passable na ang kabuuan ng Emilio Aguinaldo High-way at ayon sa naging pahayag ni Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar, human error ang naging sanhi ng insidente. 

Isa itong malaking aksidenteng posibleng magresulta sa daan-daang kamatayan ngunit mabuti nalang at naging alerto ang mga nakaistasyong mga traffic enforcer’t ipinasara rin ng lokal na gobyerno ang intersection. At dahil sa simpleng safety procedures na ito naiwasan ang paglagay sa buhay ng mga motorista sa piligro.







What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.








Fact Check SOURCES: ABS-CBN | Brigada News

THIS BLOG asserts no credit for any pictures posted on this website unless generally noted. Pictures on this blog are copyright to its respectful owners. Photos utilized are for illustration purposes only. We don't claim the photographs and no copyright infringement is intended if there is a picture showing up on this blog has a place with you and does not wish for it appearance on this website, please email us with a connection to the said picture and it will be expeditiously brought down.
Kapalpakan sa Konstruksyon sa isang Flyover ng Cavite, Human Error ayon sa DPWH Reviewed by Unknown on May 22, 2018 Rating: 5 Kapalpakan sa Konstruksyon sa isang Flyover ng Cavite, Human Error ayon sa DPWH/ Image credit to  Hataw Tabloid  on the right photo ...

No comments: