Isang Concerned Citizen, Ipinakita ang isang Kamulatan sa Hirap na Dinadanas ng mga Jeepney Drivers - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

Isang Concerned Citizen, Ipinakita ang isang Kamulatan sa Hirap na Dinadanas ng mga Jeepney Drivers

Isang Concerned Citizen, Ipinakita ang isang Kamulatan sa Hirap na Dinadanas ng mga Jeepney Driver / Image credit to Facebook

Kultura na ng Pilipino ang pagsakay ng dyep upang makarating sa kinaroroonan pagkat ito’y mura. Ang pakikisuyo ng bayad at sukli ng ibang pasahero, pagsabi ng “Para” sa Luzon o “Sa lugar lang” sa Visayas ay kinasanayan na at ang pagupo daw ng tabi-tabi at nakaharap sa isa’t-isa ay simbolo ng ating walang iwanan. 



Mayroong pagkakataon na pagsakay mo rito’y kalaban mo naman ang init, sikip at kadalasa’y bagal nito at puno lang ng angal ang iba pag sila’y pasahero. Ngunit labag rin sa kaalaman ng iba na ang hirap na dinaranas ng isang tsuper ng dyep ay kakaiba rin. Siguro nga’y inyong nakalimutan ito pagkat sanay na sanay na kayong ipawalang bahala ang tsuper ng sinasakyan ninyong jeep.

Image credit: Facebook.com/lianbuan

Image credit: Facebook.com/lianbuan

Nagpost si Lian Nami Buan sa Facebook patungkol dito. Kanyang isinalaysay ang pangyayaring kanyang ikinalungkot noong siya’y sumakay ng dyep kung saan lubhang init dahil sa malaimpyernong tirik ng araw ang kanyang nakalaban habang ang tsuper nama’y kinakalaban ang kawalan ng pasahero bukod pa sa nasabing init.      


 
Naawa ang netizen pagkat grabeng pagod at hirap ang dinadanas ng tsuper upang may maihain lang sa lamesa ng kanilang mga pami-pamilya. At ang pagantay ng tsuper ng 10 minuto para sa iba pang mga pasahero’y nabigo. Dismayado’t pawis na pawis, pagod at hinayang ang nakita ni Buan sa muka ng tsuper pagkat ganoon katagal na paghihintay sa nagliliyab na init para sa P8 lang ang kanyang nakuha. Ngunit ano nga ba ang kanyang magagawa? May pamilyang naghihintay sa kanya.

Basahin ang buong post ni Buan na kanyang ibinahagi sa kanyang Facebook account:

Image credit: Facebook.com/lianbuan


Image credit: Facebook.com/lianbuan


Ngunit mababago na itong lahat i-phase out ang dating dyep at palitan ng mala-bus na aircon dyep sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Mas makakakuha ng pasahero ang isang tsuper kung ganito ang dyep pagkat tahimik, malamig at maluwang rito. Bukod pa roon, ang hirap ng isang tsuper sa init na kanyang dinadanas ay mawawala dahil sa pagkakaaircon nga nito. Sana lang ay ma-implement ito agad-agad ng libre kahit ito’y mukang malabo sa hinaharap. Para hindi ba everybody happy sa pag-commute.

E-Jeepney, Image credit: iMoney.ph










What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.











Fact Check SOURCE: Definitely Filipino | Facebook

THIS BLOG asserts no credit for any pictures posted on this website unless generally noted. Pictures on this blog are copyright to its respectful owners. Photos utilized are for illustration purposes only. We don't claim the photographs and no copyright infringement is intended if there is a picture showing up on this blog has a place with you and does not wish for it appearance on this website, please email us with a connection to the said picture and it will be expeditiously brought down.
Isang Concerned Citizen, Ipinakita ang isang Kamulatan sa Hirap na Dinadanas ng mga Jeepney Drivers Reviewed by Unknown on May 18, 2018 Rating: 5 Isang Concerned Citizen, Ipinakita ang isang Kamulatan sa Hirap na Dinadanas ng mga Jeepney Driver / Image credit to Facebook Kultur...

No comments: