Isa sa mga Pinag-Aagawan na Natural Resources ng Mindanao, Natural Gas sa Liguasan Marsh! - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

Isa sa mga Pinag-Aagawan na Natural Resources ng Mindanao, Natural Gas sa Liguasan Marsh!

Isa sa mga Pinag-Aagawan na Natural na Resources ng Mindanao --Natural Gas sa Liguasan Marsh!/ Image credit to the owners

“Kung i- convert yan sa ating pera, aabot yan ng trillion pesos”,  ito ang sabi ni Moro National Liberation Front (MNLF) Chairman Nur Misuari patungkol sa natatagong natural gas ng 220,000 hektaryang lupa ng Liguasan Marsh sa pagitang ng North Cotabato’t Mindanao. Nadiskubre daw ng mga Amerikano ang isang reservoir ng natural gas sa nasabing lugar at kanilang tinaga ito sa halagang $580 bilyon o 30 trilyong piso!



Aside from Alegria, Cebu there's another place in Mindanao which holds trillions of pesos of gas/ Image credit to Pinoytrend.net


Panibagong natural gas matatagpuan sa Cotabato/ Image credit to Unite Pinas


Hindi nga lang Alegria, Cebu at Liguasan Marsh ang may naturing suplay ng gas, minamatahan din ang Sulu Sea at Central Mindanao para sa eksaktong lokasyon ng krudo na tinatayang nasa daang- milyong drum ng krudo ang malilikom ayon sa Department of Energy.



Mapagpala man ang Liguasan Marsh, may malaking problema rito sa sitwasyon ng iba’t ibang clan na naghahain na ang Liguasan ay kanilang ancestral domain. Batay sa Petroleum Act, nasa 60-40 ang hati ng gobyerno sa may-ari ng lupa pagdating sa pagmimina ng langis. Ngunit dahil nga sa iba’t-ibang may-ari ng lupa, dapat ingatan ng Gobyerno ang paghahati-hatiin ng kikitain ng nasabing lupa.


Nur Misuari and President Rodrigo Duterte/ Image credit to Manila Bulletin News

Ngunit naniniwala si Misuari na mapayapa na ang Mindanao at kung ito’y gawing isang Oil Field, edi mabibigan ng napakaraming trabaho ang mga Mindanaoans.

Kasalukuyang humihingi ng tulong sa eksplorasyon ng Liguasan Marsh ang Energy Secretary Alfonso Cusi sa Saudi Arabia.



Sa ilalim pala ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III ay nauna nang nagsimulang mag-drill sanasabing lupa ngunit sila’y napigilan ng hihinain ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na ipagbawal muna ang pagkokontrata sa Liguasan pagkat hindi pa nila natatapos ang negosasyon ng paghahati-hati ng yaman sa ilalim ng Bangsamoro.




Humatak naman ng maraming komento ang isyung ito mula sa mga netizen ng Facebook.
Sabi ni Eissah Riyal, isang Overseas Filipino Worker na nagtratrabaho sa King Abdullah Specialized Children's Hospital na,

“Please Digong go to oil exploration now habang kayo pa nakapwesto. At least magamit na lahat ng resources natin. Para makauwi naman kami mga ofws at diyan na lang magtrabaho. God bless you Digong”



At ayon naman kay Ligz J. Legria na isang Human Resources Manager,

“OUR COUNTRY PHILIPPINES IS VERY RICH IN NATURAL RESOURCES. THE TRUTH IS WE ARE NOT POOR. BESIDES, OUR HEAVENLY FATHER IS THE OWNER OF EVERYTHING ON THIS EARTH, AND WE ARE HIS CHILDREN. LET'S ALWAYS BE GRATEFUL TO THE HEAVENLY GOD AND LET'S SHARE HIS BLESSINGS.”



Tunay na mayaman nga ang Pilipinas pag dating sa yamang natural. Walang pagkukulang ang bansa dito ngunit nagigipit ang Pilipinas sa kakulangan nito sa kagamitan at karanasan upang ito’y malikom at maging benipisyo para sa bansa. Mabuti nalang at ito’y nauunawaang mabuti ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung saan siya’y nakikipag-tulungan sa ibang mga bansa sa Asya upang tayo’y umunlad na.


















What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.














THIS BLOG asserts no credit for any pictures posted on this website unless generally noted. Pictures on this blog are copyright to its respectful owners. Photos utilized are for illustration purposes only. We don't claim the photographs and no copyright infringement is intended if there is a picture showing up on this blog has a place with you and does not wish for it appearance on this website, please email us with a connection to the said picture and it will be expeditiously brought down.

Isa sa mga Pinag-Aagawan na Natural Resources ng Mindanao, Natural Gas sa Liguasan Marsh! Reviewed by Unknown on May 25, 2018 Rating: 5 Isa sa mga Pinag-Aagawan na Natural na Resources ng Mindanao --Natural Gas sa Liguasan Marsh!/ Image credit to the owners “Kung i- c...

No comments: