Former Correspondent at Philippine Journalists Shares a Once-in-a-lifetime Experience from a Senior Citizen "Grab Share" Driver - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

Former Correspondent at Philippine Journalists Shares a Once-in-a-lifetime Experience from a Senior Citizen "Grab Share" Driver

Once-in-a-lifetime na kabutihang nanggaling sa isang 63-taong gulang na Grab Share drayber/Imahe mula sa Facebook ni Jeman Bunyi Villanueva

Sa panahon ngayon “vigilante” na ang mga tao sapagkat ang kabutihan ng isang tao ay pangkaraniwang ginagamit ng mga tao upang madali silang makagawa ng krimen. Ngunit ang pagiisip na ito ay kinontra ng isang 63-taong gulang na Grab Share drayber, Romualdo Alabarca, alyas “manong Loiue”.



Imahe mula sa Facebook ni Jeman Bunyi Villanueva
Ayon kay Facebook Netizen Jeman Bunyi Villanueva, noong siya’y nakanselahan ng booking galing sa Market! Market! ng Grab, sinubukan niyang mag Grab Share pagkat di naman siya ng mamadali at gusto niya lang na makauwi sa Molino. Tinanggap siya ni Alabarca, at sa kanyang pagsakay agad na ipinakita ng drayber ang kanyang dalawang ID, una ang sa Grab at ang pangalawa sa Uber. Ito’y nauwi sa tuluyang pagkakwentuhan patungkol sa hindi naman kinakailangang pagpapakita ng ID ni manong Louie.


Isinalaysay ni Villanueva sa Facebook appreciation post niya na dating Uber drayber si manong Louie at siya’y nagmamaneho para sa maintenance ng kanyang sasakyan. Ng malamang niyang pa-Molino ang netizen, kanyang inialay na isabay na daw si Villanueva pauwi ng LIBRE pagkat dadaanan niya rin naman daw ang tinitirahan ng netizen. Laking gulat siya at kahit na kaduda-duda ang offer ni manong Louie, kanya paring tinggap pagkat mukhang mabuting tao naman siya.

For illustration purposes only/Photo credit to owner

Imahe mula sa Facebook ni Jeman Bunyi Villanueva

Imahe mula sa Facebook ni Jeman Bunyi Villanueva
Pero hindi pa dito nagtatapos ang kabutihan niya, noong sila’y nasa may Baclaran banda at kanilang dinadaanan ang mga stranded na pasahero. Nagpasakay pa si manong Louie ng tatlo pang pasahero na pa SM Molino.

“I'm so amazed sa ginawa niya. He told me na he likes offering free rides pag pauwi na siya,” sabi ni Villanueva.

Ang rason lang ng mabait na drayber ay hindi naman daw kaso ang magdagdag pasahero sapagkat parehong gas lang naman ang kanyang gagastosin pauwi. Magkasabayang gulat at saya naman ang nabigay ni manong Louie sa tatlong pasaherong kanyang ipinasakay pa sapagkat libre ang kanilang biyahe pauwi.



Ngunit kahit na ganito kabait na nga si manong Louie, 4 ½ starts lang daw ang rating niya bilang Grab drayber. Ito’y dahil daw sa pagkakalito niya sa paggamit ng Waze. Ngunit hindi ito naging hadlang para bigyan ni Villanueva ng 5-star rating, positive review, appreciation post at pangtulong sa maintenance si manong Louie. Suklian nga ng kabaitan ang mga mabubuting tao pagkat kakaunti nalang sila sa mundong ito hindi nga ba?


For illustration purposes only/Photo credit to owner

Heto ang buong post ni Villanueva na kanyang pinost sa kanyang Facebook account:


Imahe mula sa Facebook ni Jeman Bunyi Villanueva


Imahe mula sa Facebook ni Jeman Bunyi Villanueva

Laking pasasalamat si Villanueva kay manong Louie, hindi niya inakalang makakakilala siya ng taong ganito kabait. Kaya wag ngang mamaliitin ang kakayahang magpakabuti ng isang tao, pagkat sa hindi inaasahang panahon, kayo’y gugulatin nila!














What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 


Thanks for dropping by and reading this post.













THIS BLOG asserts no credit for any pictures posted on this website unless generally noted. Pictures on this blog are copyright to its respectful owners. Photos utilized are for illustration purposes only. We don't claim the photographs and no copyright infringement is intended if there is a picture showing up on this blog has a place with you and does not wish for it appearance on this website, please email us with a connection to the said picture and it will be expeditiously brought down.
Former Correspondent at Philippine Journalists Shares a Once-in-a-lifetime Experience from a Senior Citizen "Grab Share" Driver Reviewed by Unknown on May 01, 2018 Rating: 5 Once-in-a-lifetime na kabutihang nanggaling sa isang 63-taong gulang na Grab Share drayber/Imahe mula sa Facebook ni Jeman Bunyi Villanue...

No comments: