DILG Usec. Diño, Kampante sa magiging takbo ng May 14 barangay, SK elections - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

DILG Usec. Diño, Kampante sa magiging takbo ng May 14 barangay, SK elections

DILG Usec. Diño, Kampante sa magiging takbo ng May 14 barangay, SK elections: ""Kasama po natin ang Comelec at ang PNP, handang-handa na po tayo sa pagmo-monitor ng halalan sa darating na Lunes,” /Image credit to owner

Napaghandaan na daw ng DILG ang barangay eleksyons bukas. Handang-handa na daw ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ayon kay Undersecretary for barangay affairs Martin Diño sa magiging May 14, 2018 eleksyon ng Sangguniang Kabataan.

Sinabi ito ni Diño noong huling araw ng pangangampanya. Kanya ring isinapubliko na ang Commission on Elections (Comelec) at Philippine National Police (PNP) ay nakaset-up na ng kanilang command centers at may napaghandaang election monitoring system.

"Kasama po natin ang Comelec at ang PNP, handang-handa na po tayo sa pagmo-monitor ng halalan sa darating na Lunes,” Sabi ni Diño.



Image credit to owner

Image credit to owner 

Kanya ring dinagdag na sa buong bansa kanilang na handa ang pang buong pangbarangay na monitoring at reporting mechanisms.

"Nakapagbaba na po tayo ng directive sa lahat ng mga sangay ng DILG at nakapag-organisa tayo ng task force na mag-monitor sa takbo ng halalan, pagre-report ng violations na ibibigay natin sa Comelec."



Para sa mga boboto bukas, tandaan lamang ang ilang paalala para maiwasan ang gulo at bagal ng usad ng pagboto:

Mga iboboto sa Mayo 14 halalan:

• 1 punong barangay
• 7 Sangguniang Barangay members (Kagawad)
• 1 SK Chairperson
• 7 SK members 




Dalawang balota ang matatanggap ng mga botanteng edad 18 hanggang 30 dahil pareho silang boboto para sa barangay at SK.

Balota naman para sa SK lang ang matatanggap ng mga botanteng edad 15 hanggang 17, habang barangay ballot lang ang mabibigay sa may edad 31 pataas.

Image credit to owner


Pinapaalala rin ni Diño na botohin lang ang karapat-dapat, tuloy parin ang pagkaso sa mga opisyal ng barangay na nasa narco list at ang mga barangay na walang Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) ay irereklamo sa DILG. Kasama rito ang hindi pagrereport ng mga lugar kung saan may nagsasagawa ng iligal na droga.

























What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.












Fact Check SOURCE: GMA | ABS-CBN

THIS BLOG asserts no credit for any pictures posted on this website unless generally noted. Pictures on this blog are copyright to its respectful owners. Photos utilized are for illustration purposes only. We don't claim the photographs and no copyright infringement is intended if there is a picture showing up on this blog has a place with you and does not wish for it appearance on this website, please email us with a connection to the said picture and it will be expeditiously brought down.

DILG Usec. Diño, Kampante sa magiging takbo ng May 14 barangay, SK elections Reviewed by Unknown on May 13, 2018 Rating: 5 DILG Usec. Diño, Kampante sa magiging takbo ng May 14 barangay, SK elections: ""Kasama po natin ang Comelec at ang PNP, handang-...

No comments: