Ang KATOTOHANAN tungkol sa mga estudyante ng St Scholastica's College na diumano'y hinikayat sa mga kampanyang "aktibista" - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

Ang KATOTOHANAN tungkol sa mga estudyante ng St Scholastica's College na diumano'y hinikayat sa mga kampanyang "aktibista"

Image credit: Pinoy Trending

Nakakalungkot isipin na ang mga aktibista sa panahon ngayon ay ang mga inosenteng-isip ng mga mag-aaral sa pribado at pampublikong paaralan. Isang halimbawa nito ay ang protesta ng mga estudyante ng St. Scholastica’s College kung saan ang isang tao’y mapapatanong, nahubog na ba ang mga isipan ng batang ito upang maintindihan ang katotohanan at politika ng rally na kanilang sinasalihan at ipinaglalabanan?



Image credit: Inquirer lifestyle - INQUIRER.net
Image credit: Get Real Philippines


Image credit: ph.theasianparent.com

Mula pagpasok ng mga estudyanteng ito sa katolikong paaralan, tinuturuan na sila ng kanilang mga titser patungkol sa mga ibig sabihin ng blasphemy, heresy at sin. Mga salitang nagsisimbolo ng isang aksyon na labag sa nakatataas, ngunit hindi magawa-gawa ng madre ng St. Scholastica na turuan ang kanilang mga estudyante na heresy at blasphemy rin ang magrally laban sa nakatataas na gobyerno?



Ang rally na tinutukoy ay ang rally laban sa “diktadorya” ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Walang saysay ang kanilang hinain pagkat hindi naman isinasagawa ng kagalang-galang na pangulo ang kanilang ipinaglalabanan. Tila nagrerebelde lang sa magulang ang ginagawa ng mga batang estudyanteng ito, pagkat labag man sa “kanilang kalooban” ang ginagawa ng Pangulo, sila parin ang aani ng kasaganahang ibinubunga ng mga programa nito.

Image credit: Rappler
Image credit: www.tomasinoweb.org



Ang propagandang lumalason sa utak ng mga estudyante

Ang “social news network”, Rappler.com noong 2016 ang unang nagbalita patungkol sa ganitong mga protesta ng mga estudyante ng St. Scholastica. Ayon sa artikulo, pinapasalamatan ng manunulat nito, na ang fashion major na si Paige Occeñola, ang “youth activism” laban sa paglibing ka dating pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Bias rin na parte ng artikulo ang isang hinain ng isang aktibistang magulang na sumusuporta sa pakiki-rally ng kanyang anak. Sabi ng magulang na,

                “I allowed [my daughter] to join because it is her right. I encourage her to explore issues – not just this one, to ask questions and to seek answers, to form her own opinions, and to take action. I am aware of the risks involved in joining protests, and I believe they are risks worth taking. Also, I went to the school and joined the students in the protest.”

Pinayagan ng isang magulang na sumali ang kanyang anak sa mga politikal na gawain sapagkat gusto niya daw itong matuto kung ano ang tama sa mali, matutong magtanong at humanap ng sagot, at makagawa ng sariling opinyon at umaksyon para mapaglaban ito. Ngunit may isang katanungang kumokontra rito,

“Hindi ba mas mainam na sa isang lugar kung saan maiintindihan ng bata ang dalawang panig ng politikang kanyang nilalahukan?

Image credit to the owner

Image credit to the owner
   
Image credit to the owner
Kung tunay na kagustuhan ng mga magulang ng mga estudyanteng St. Scholastica na binigyan ng permisyo na matuto patungkol sa politika, edi sana sa hindi bias na lugar nila dinala ang bata. Kumokontra sa sarili ang hihinain ng magulang na ininterview ng Rappler pagkat ang nangyayari ay nahuhubog lang ang bata sa isang aspeto ng politika na kanyang sinasalihan, sa panig at aspeto lang ng mga aktibista.

Dagdag pa sa kaguluhan ng mga aktibistang ito ay ang kanilang kagustuhang ipababa ang edad kung saan responsable ang isang tao sa krimen. Pagkat sila ay mga minor de-edad,



“are being used by criminals as accomplices in their crimes, because these minors could not be held criminally liable.” Nakakatawang makita ito pagkat ganoon rin ang ginagawa ng mga aktibista, ginagamit ang mga estudyante sa harap ng protesta upang labanan ang mga pulis-riot pagkat hindi sila maikukulong.

Image credit: Getty Images

Nakita ni Presidential Spokesman Atty. Harry Roque ang siyensa patungkol sa isip ng mga minor-de edad at ang pagmamanipula ng mga kriminal at aktibista sa kanila. Kontra si Roque sa hinain ng mga aktibsta na ibaba ang edad ng pagkakaresponsable sa krimen pagkat,

“scientific studies have proven that children as young as nine years old do not have full discernment on what is morally right or wrong.”

Nakakalungkot lang na ang magulang sa interbyew na dapat prumotekta sa mga anak ay siyang nangaabuso sa edad at inosenteng isip ng kanyang sariling anak sa pamamagitan ng pagbabaya sa bata na lumahok sa mga aktibistang gawain.



Bukod dito, dapat ring pangunahan ng faculty ng St. Scholastica ang pagtuturo sa bata ng hindi bias na politika ngunit ano ba ang ginawa ng mga madre at titser ng eskwelahang ito upang maturuan ang kanilang nagrally na estudyante patungkol sa realidad ng politika, ang parehong panig at hindi ang sa aktibistang panig lamang.

Kaya tama ba na hayaan lamang ang mga inosenteng bata na maging parte ng mga kilos protesta na ito?

















What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.











Fact Check SOURCE: www.getrealphilippines.com

THIS BLOG asserts no credit for any pictures posted on this website unless generally noted. Pictures on this blog are copyright to its respectful owners. Photos utilized are for illustration purposes only. We don't claim the photographs and no copyright infringement is intended if there is a picture showing up on this blog has a place with you and does not wish for it appearance on this website, please email us with a connection to the said picture and it will be expeditiously brought down.


Ang KATOTOHANAN tungkol sa mga estudyante ng St Scholastica's College na diumano'y hinikayat sa mga kampanyang "aktibista" Reviewed by Unknown on May 12, 2018 Rating: 5 Image credit: Pinoy Trending Nakakalungkot isipin na ang mga aktibista sa panahon ngayon ay ang mga inosenteng-isip ng mga mag-aaral...

No comments: