Ang Dating DOH Sec. Garin, Binalaan na ng 9 na Sulat Mula sa mga Experto ng Dengvaxia Bago ito Ipinanukala, Ngunit Itinuloy pa din! - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

Ang Dating DOH Sec. Garin, Binalaan na ng 9 na Sulat Mula sa mga Experto ng Dengvaxia Bago ito Ipinanukala, Ngunit Itinuloy pa din!

Ang Dating DOH Sec. Garin, Binalaan na ng 9 na Sulat Mula sa mga Experto ng Dengvaxia Bago ito Ipinanukala, Ngunit Itinuloy pa din!/ Image credit to the owners

Ayon sa Department of Health (DOH) nasa 87 mula sa halos 900,000 na estudyante ang naturukan na ng bakunang Dengvaxia ang nama+ay dahil sa dengue at ibang sakit mula noong Abril 2016 kung saan ito’y sinimulan.

Ngunit hindi nakakasigurado ang mga awtoridad na ito’y dahil sa Dengvaxia.



School children who received Dengvaxia shots offer flowers / Credit to Manila Bulletin News

Nakakalungkot lang at hindi sana magiging posibilidad ang hinihinalang pagkakama+ay ng mga bata dahil sa Dengvaxia kung pinakinggan lamang ni dating Secretary ng DOH Janette Garin ang mga babala ng SIYAM na akademiko, siyentista’t clinicians na sumulat sa kanya patungkol dito.



“The studies show systemic side effects in up to 57% of patients (Capeding et al, Lancet 2014). This may cause a public furor, especially if any children die,” sabi sa sulat.

Bukod sa side effects, sinabi rin sa sulat na maaaring pagbunga ng public furor o ang pagkakagalit ng masang-Pilipino dahil sa posibleng pagkakama+ay ng mga bata. Ito’y napatunayang totoo pagkat ngayo’y maraming galit at nag-aalala sa kaligtasan ng kanilang nabakunang anak.

The world’s first public vaccination program in the Philippines Dengue Related/Credit to ssgcp.com

Nakalathala rin sa sulat ang paalalang napaka mahal na singil ng ganitong proyekto at ang kakulangan sa trained health workers na magbibigay ng bakuna sa mga bata ng TATLONG beses.

Sa ngayon ang kopya ng sulat ay nasa kamay ng Public Attorney’s Office (PAO) at ito’y pinirmahan ng taga Philippine Medical Association at UP College of Medicine na sila Antonio L. Dans, Minerva Calimag, Benjamin Co, Leonila F. Dans, Mercy Fabros, Mary Ann Lansang, Ana Maria R. Nemenzo, Maria Asuncion Silvestre at Madeleine de Rosas Valera. Mayroon ding 5 pang ibang pangalan ngunit hindi ito pirmado.



Dahil sa pagiging ignorante ni Garin, kasalukuyang nirerepresenta ng PAO ang siyam na pamilyang namatayan ng bata dahil sa hinihinalaang bakuna.

Image credits to Philippine Star

Sigaw nila’y hustisya para sa kanilang napa+ay na mga bata. Hustisyang pinadadaan nila sa kriminal at sibil na angal dahil sa inanunsyo ng gumawa ng Dengvaxia, Sanofi Pasteur, na maaari pang lumala ang dengue ng isang taong hindi pa nagkakaroon ng Dengue noon matapos mabakunahan ng Dengvaxia.

Pinangunahan ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta na isumite sa namamahalang Department of Justice (DOJ) panel ang criminal complaints ng siyam na pamilya ngunit nilinaw ng DOJ na hindi na pala ito kinakailangan.



Nag pasa rin raw si Acosta sa Senado upang imbestigahan ang sinuspending programa kontra-dengue ng administrasyon ni dating Pangulo Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III.

Sa angal na ito inilathala rin ang mga panganib ng Dengvaxia mula sa gumawa nitong Sanofi Pasteur. Ito ang “allergic/anaphylactic reaction, viscerotropism and neurotropism, increase in severity of dengue disease from the start of vaccination and waning protection against dengue disease over time.”

Kinontra naman ito ni Garin at sinabing ang mga meeting para rito’y “specially convened” noong Marso 2016 na letra ngunit “mainstream science still has to prevail.”

Garin files libel case vs Ubial, health officials over Dengvaxia blame/  Credits to ABS-CBN

Bukod roon nagawa niya ring idawit si dating DOH Secretary Paulyn Ubial pagkat inaprubahan rin niya daw ang programa para labanan ang dengue noong siya’y nakaupo.

Igniit ni Garin sa isang text message na,

“As the legal process moves forward and scientific facts determined, the truth will come out. Of the 20 countries in the world using Dengvaxia, only in the Philippines are we allowing alarmists to exaggerate things and sow fear in public.

We listen to all but decide as an institution following experts who have debated and analyzed data for decades.”

Ngunit hindi ito sapat upang maiwasan niya at ng iba pang opisyal ng DOH ang hustisya sa susunod na hearing, June 25 2018, ng DOJ panel.

Nakakapanhinayang lang at kung inantay nila Garin at ng administrasyon ni Aquino ang bagong henerasyon ng bakuna na “better efficacy, needs only 1 dose, and may overcome the possible harm and numerous adverse effects (Rothman JID 2016),” na tinetesting palang ng kanilang ipamahagi ang Dengvaxia, hindi sana aabot sa kamatayan at kasuhan ngayon.
















What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.














Daily Revelations Pilipinas SOURCE: GMA | www.goodnewsnetworkph.com

THIS BLOG asserts no credit for any pictures posted on this website unless generally noted. Pictures on this blog are copyright to its respectful owners. Photos utilized are for illustration purposes only. We don't claim the photographs and no copyright infringement is intended if there is a picture showing up on this blog has a place with you and does not wish for it appearance on this website, please email us with a connection to the said picture and it will be expeditiously brought down.

Ang Dating DOH Sec. Garin, Binalaan na ng 9 na Sulat Mula sa mga Experto ng Dengvaxia Bago ito Ipinanukala, Ngunit Itinuloy pa din! Reviewed by Unknown on May 28, 2018 Rating: 5 Ang Dating DOH Sec. Garin, Binalaan na ng 9 na Sulat Mula sa mga Experto ng Dengvaxia Bago ito Ipinanukala, Ngunit Itinuloy pa din!/ Image...

No comments: