Pinay OFW sa Saudi na Pinainom ng Bleach, Nakalabas na sa ICU - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

Pinay OFW sa Saudi na Pinainom ng Bleach, Nakalabas na sa ICU

OFW Agnes Mancilla ligtas na matapos painumin ng bleach ng amo sa Saudi/Photo credit to Facebook
Isang Overseas Filipino Worker (OFW), si Agnes Mancilla, sa Saudi Arabia, kamakailan lamang, ay isinugod sa ospital matapos siyang pilitin ng kanyang amo na inumin ang bleach pagkat hindi niya natimpla ng maayos ang tsaa.



Photo credit to Facebook.com/agnes.mancilla.7?ref=br_rs

Photo credit to Facebook.com/agnes.mancilla.7?ref=br_rs

Photo credit to ‎Jennifer Cacal Valdez‎ to Filipino Supporters in Action (Tatak OFW)💕💕💕

Photo credit to ‎Jennifer Cacal Valdez‎ to Filipino Supporters in Action (Tatak OFW)💕💕💕

Sa kabutihang palad naman, iniulat ng ng Department of Foreign Affairs (DFA) na si Mancilla ay nakalabas na sa Intensive Care Unit at siya’y nasa mabuting kalagayan na.



Ayon nga kay DFA Communications Head Assistant Secretary Elmer Cato, mga Pilipinong narse sa King Fahd Hospital ang nagpatunay na ligtas na nga si Mancilla. Ang mga pinoy na ito rin daw ang magaalaga at magsisigurong ligtas ang pinay hanggang siya ay lumakas na.

Inilarawan ng Consulate General ng Jeddah, si Edgar Badajos si Mancilla, sabi niya na siya’y may napakaraming chemical burns dahil sa paggamit ng bleach na walang proteksyon sa kamay o katawan.



Ayon kay Badajos, pinaghahandaan na nilang ilipat si Mancilla sa isang ospital sa Jeddah para mapadali ang pag bibigay supporta ng kanyang pamilya at niya, bilang Consulate General.



Kaugnay sa nangyari kay Mancilla, sinabi rin ni Badajos na niligtas na nila ang isa pang household worker sa Jeddah na di umano pinapatrabaho ng sobra. Pinaglilinis pa daw siya, magisa, ng ibang bahay na hindi niya naman dapat at hindi rin siya binabayaran sa tamang oras pa.

Naka iskedyul na ang kanyang pagbalik sa April 22 matapos makipag negosasyon si Badajos sa kanyang mga amo.














What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.












THIS BLOG asserts no credit for any pictures posted on this website unless generally noted. Pictures on this blog are copyright to its respectful owners. Photos utilized are for illustration purposes only. We don't claim the photographs and no copyright infringement is intended if there is a picture showing up on this blog has a place with you and does not wish for it appearance on this website, please email us with a connection to the said picture and it will be expeditiously brought down.



Pinay OFW sa Saudi na Pinainom ng Bleach, Nakalabas na sa ICU Reviewed by Unknown on April 18, 2018 Rating: 5 OFW Agnes Mancilla ligtas na matapos painumin ng bleach ng amo sa Saudi/Photo credit to Facebook Isang Overseas Filipino Worker (OFW), ...

No comments: