Duterte on Boracay 6-month Closure, Humingi ng Konting Pasensya at Pagtitiis: "Hintayin lang ninyo. Do not be impatient..." - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

Duterte on Boracay 6-month Closure, Humingi ng Konting Pasensya at Pagtitiis: "Hintayin lang ninyo. Do not be impatient..."

Dahil naglipana na ang paninira kay Pangulong Duterte kaugnay sa pagpapasara ng isla ng Boracay./Credits to Nowreader.co

Matapos ang kontrobersyal na pagsara ng isla ng Boracay kamakailan lamang noong Abril 26, 2018, inilinaw ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi na niya papaiksiin ang anim na buwang pagsasara at pag rerehabilitate ng Boracay Island. Inilinaw niya din sa na walang casino na ipapatayo sa isla.



Ayon kay Duterte, wala siyang balak guluhin ang mga pinagplanuhan ni Department of Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu, Department of Interior and Local Government officer-in-charge Eduardo Año at Department of Tourism Secretary Wanda Teo.

"I do not interfere in the work of the Cabinet members. ‘Pag ‘yan ang sinabi ni --- that’s the recommendation of Cimatu, Año, and Teo then that is it. I do not just revoke recommendations. ‘Pag nag-recommend ang isang ano, Cabinet member, it’s a 90 [percent]. ‘Yung 10 percent na ‘yan kung may abuso lang o --- but seldom.”

For illustration purposes only/Photo credit to owner

For illustration purposes only/Photo credit to owner

For illustration purposes only/Photo credit to owner

Kung sa kasalukuyan, ang baybay ng Boracay ay patuloy na pumapangit at namamatay, pano pa kaya sa hinaharap? Ang islang dating paraiso ay magiging isang bangunguot kung hindi aagapan. Kaya pinaunahan na ni Duterte ang pagaaruga sa mga islang destinasyon ng mga turista, itong pagaaruga ay nag “domino effect” sa iba pang mga probinsyang baybayin o isla tulad ng Coron, Palawan.



"Look, I’m trying to clean the place. Sinabi ko sa kanila sarahan. At hindi ako nakialam, sabi ni Cimatu, one entrance pati exit. In deference to the guys there who have lived all their lives there," sabi ni Duterte.

Konting pasensya pa ang hinihingi ni Duterte.

"Hintayin lang ninyo. Do not be impatient. ‘Pag nalinis ‘yan, ibigay ko uli sa tao ‘yan," dinagdag ng Pangulo.

Inilinaw din ni Duterte na importante ang paghihiwalay ng forestal, agricultural at commercial na parte ng isla, ito’y para mailiwanag ang mga patakaran ukol sa mga parte ng islang ito.



"It would need a law or a presidential proclamation to segregate. Wala pa kong napirmahan. Neither sabi ni President Gloria Arroyo na wala silang pinirmahan na... setting aside a portion of the island as open to commerce, commercial area. Huwag kayong magpilit. Because ‘pag nagkagulo diyan, sarahan ko. As I have said, sa pagka ngayon, ang utak ko is I want to declare the entire island a land reform area. Ibigay ko na lang sa Filipino. How much? Five? Kikita tayo ng five million,"

Noong tinanong naman siya patungkol sa casinong ipapatayo.

"There will never be one. Even bingohan, saan nakita?" sabi ng Pangulo.

"You know, ‘yung mga bilyonaryo, mga… Okada ba ‘yan? O, lahat ‘yan sila nag-courtesy call before they started on a project. Itong mga ‘to were of the belief that that island there is okay for anything,” sabi ni Duterte



And since there are casinos there, they want to build casinos there. Hindi ako pumayag. Dito sa Davao, wala talaga. ‘Yung PAGCOR lang," dinagdag ni Duterte.

Bukod pa sa pasensya at pagtitiis na hinihingi ni Duterte sa mga lokal na mamamayan ng Boracay Island at turistang mapa lokal man o foreigner, dapat bigyan unawa ang kalagayan ng isla. Pagkat sa panahong ito kung saan nagbabago na panahon at klima sa isang kisap-mata, maraming nawawalang isla ang Pilipinas, wag na sana nating antayin na maisama pa ang isla ng Boracay dito.





























What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.










Fact Check Source: GMA

THIS BLOG asserts no credit for any pictures posted on this website unless generally noted. Pictures on this blog are copyright to its respectful owners. Photos utilized are for illustration purposes only. We don't claim the photographs and no copyright infringement is intended if there is a picture showing up on this blog has a place with you and does not wish for it appearance on this website, please email us with a connection to the said picture and it will be expeditiously brought down.
Duterte on Boracay 6-month Closure, Humingi ng Konting Pasensya at Pagtitiis: "Hintayin lang ninyo. Do not be impatient..." Reviewed by Unknown on April 30, 2018 Rating: 5 Dahil naglipana na ang paninira kay Pangulong Duterte kaugnay sa pagpapasara ng isla ng Boracay./Credits to Nowreader.co Matapos ang...

No comments: