DOLE to hire 5,000 Boracay workers, IPs for Island rehab work - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

DOLE to hire 5,000 Boracay workers, IPs for Island rehab work


Mga tindero sa Boracay bago pa ito ipasara para sa rehabilitasyon/Photo credit to owner

Naging isang malaking isyu ang pag sara ng isla ng Boracay pagkat malaking halagang pera ang hindi maaani ng gobyerno at bukod pa rito ay mawawalan din ng kabuhayan ang empleyado at mga boracaynon doon. Bukod pa rito, kahit na hindi na siya isyu ngayon, may mga nagsasabi ng ang dahilan kung bakit ipinasara ang isla ay dahil sa pagpapatayo ng casino ng Galaxy Entertainment, ngunit ito’y pinagbawalan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.



Galaxy Ent will not get a Boracay casino: Duterte aide/Credited to GGRAsia

Ang dahilang ipinasara ang isla ay dahil sa pagkakasira nito dahil sa patuloy na pag aabuso ng mga may ari ng resort at iba pang negosyo sa kandahan nito. Isang malaking problema sa kinabukasan ng isla pagkat pakonti-konting itong pumapangit at dumudumi. Ngunit, kontra sa iba’t-ibang pag kritiko sa desisyon ng Pangulo, ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng Region 6 ay mag bibigay trabaho sa 3,000 na mangagawang impormal, tulad ng boatman, tindero, drayber at iba pa at 2,000 na indigenous people (IP) na Ati.



Dirty Boracay | by Myrnh Dirty Boracay
Nagtitinda ng ice cream sa Boracay/Photo credit to Assigning Values to Variables
Fire Dancers in Boracay/Photo credit to Aim High with Vanicci

Ito’y pagkat nauunawaan ng Pangulo ang kahirapan sa pagkawala ng trabaho ng 19,000 na impormal na trabahante at 17,000 na pormal na trabahante ng isla.


Kanilang sasahuran ang mga mabibigyan ng trabaho ng minimum wage na Php. 325.50 kapalit ang kanilang serbisyo sa pag tatanim ng Mangroves at paglilinis ng baybay isla ng Boracay. Sa Abril 27, 2018 magsisimula ang trabaho nila.

Ngunit patuloy na humihingi ng extension sa emergency employment program ang DOLE-6 nang hanggang tatlong na buwan.

Policemen look over the Philippine island of Boracay on April 26, 2018./Photo credit to owner
Philippines: Boracay island shuts down for 6 months as clean-up begins/Photo credit to owner

Sabi nga ng Regional Officer ng DOLE-6 na si Amy Judicpa na,

                “We have already profiled and identified 1,044 workers. But we already sought help from the barangay officials to fast-track the profiling.”



Kanila pang hihingiin ang tulong ng local na gobyerno ng Aklan upang mapabilis pa ang paghahanap ng mga mangagawang karapatdapat na matanggap ang oportunidad ito.

















What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.







THIS BLOG asserts no credit for any pictures posted on this website unless generally noted. Pictures on this blog are copyright to its respectful owners. Photos utilized are for illustration purposes only. We don't claim the photographs and no copyright infringement is intended if there is a picture showing up on this blog has a place with you and does not wish for it appearance on this website, please email us with a connection to the said picture and it will be expeditiously brought down.

DOLE to hire 5,000 Boracay workers, IPs for Island rehab work Reviewed by Unknown on April 26, 2018 Rating: 5 Mga tindero sa Boracay bago pa ito ipasara para sa rehabilitasyon/Photo credit to owner Naging isang malaking isyu ang pag sara ng ...

No comments: