Dating Empleyado ng Gasolinahan, Ibinunyag ang "Putok Bala" na Modus ng Mga Gasoline Boy - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

Dating Empleyado ng Gasolinahan, Ibinunyag ang "Putok Bala" na Modus ng Mga Gasoline Boy

PUTOK BALA: Ang gasoline boy scam/Photo credit to Facebook


Ayon sa impormasyon at larawang isinapubliko ni Jahaziel Selosa Falla sa Facebook, isang scam na po ang nagiging uso na po sa mga hindi alerto at metikulosong motorista. Putok Bala po ang tawag dito at ito’y nangyayari pag ikaw ay nag papaarga ng gasolina at hindi mo namalayan na hindi nagsimula sa 0.00 ang metro.



Nagsisimula ang scam bago ka pa mag pagasolina, mayroon dapat motorista na magpapagasolina bago dumating ang iyong sasakyan. Nag bigay ng halimbawa si Falla para mas madaling maintindihan, kumbaga ganito, ang naunang motorista mag papagasolina ng Php. 100, siya’y aalis at ang nozzle ay hindi ibabalik ng maayos ng gasoline boy. Pag dumating na ang susunod na motorista, isasalpak kaagad ng gasoline boy ang nozzle at kanyang kukunin ang iyong atensyon upang di mo makita na wala sa 0.00 ang metro pagtapos nito kanyang i-input, halimbawa, Php. 1000 ngunit sa totoo lang ang iyong napagas ay Php. 900 lang.

For illustration purposes only/Photo credit to owner

For illustration purposes only/Photo credit to owner

Bale naka programa ang mga pump na dagdagan lang ang Php. 100 para mabuo siya sa ininput na Php. 1000 pagkat hindi nareset ang pump pagtapos ng naunang motorista. Ang hindi pag kamit ng reset na ito ay magagawa sa hindi maayos na pag pwesto ng nozzle sa pump, ang siyang pinakita sa larawan.



Kaya mag ingat mga motorista, wag magpapaloko at maging alerto pag nagpapagasolina at kung may pagdududa, ika’y maging metikuloso, ito’y iyong karapatan.

Para naman sa mga hindi naniniwala, si Falla po ay dati ring nag tratrabaho sa isang kumpanya ng pagasolinahan, alam niya ang tamang pag karga ng gasolina at ang katiwaliang ginagawa ng mga gasoline boy ay maaring makabiktima ng kahit sinong nagwawalang bahala sa metro ng pagasolinahan.

Sa kasalukuyan ay burado na ang naging post ni Falla sa kanyang Facebook account, ngunit hindi pa din nakaligtas ang ganitong modus ng mga nagtatrabaho sa gasolinahan dahil na-iupload na ito ng mga netizens at naibahagi na din sa iba lalo na sa mga motorista para magsilbing "warning" sa mga ito.













What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.













SOURCE: Facebook

THIS BLOG asserts no credit for any pictures posted on this website unless generally noted. Pictures on this blog are copyright to its respectful owners. Photos utilized are for illustration purposes only. We don't claim the photographs and no copyright infringement is intended if there is a picture showing up on this blog has a place with you and does not wish for it appearance on this website, please email us with a connection to the said picture and it will be expeditiously brought down.
Dating Empleyado ng Gasolinahan, Ibinunyag ang "Putok Bala" na Modus ng Mga Gasoline Boy Reviewed by Unknown on April 26, 2018 Rating: 5 PUTOK BALA: Ang gasoline boy scam/Photo credit to Facebook Ayon sa impormasyon at larawang isinapubliko ni Jahaziel Selosa Falla...

No comments: