Mga Kumpanya mula Israel, Interesadong mamuhunan sa Pilipinas - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

Mga Kumpanya mula Israel, Interesadong mamuhunan sa Pilipinas


 Photo credits to owner
Maraming kumpanya sa Israel ang interesadong mamuhunan sa Pilipinas.

Partikular na dito ang larangan ng business process outsourcing o BPO, information technology at cyber security.

Marami na ang mga BPO or Call Center Companies sa Pilipinas, ito’y dagdag sa dumadaming population ng mga BPO or Call center companies sa ating bansa isama pa ang IT Business at iba pang related work gamit ang makabagong teknolohiya.

Ayon kay Chamber of Commerce of the Philippines Vice President for External Affairs of Israel David Elefant, hindi nakaapekto sa pagnanais ng mga kumpanya sa Israel na maglagak ng puhunan sa Pilipinas ang nangyayaring kaguluhan ngayon sa Marawi City.

Kahit tayo man ay nakaranas ng mga atake mula sa mga terorista, tayo pa din ang napipili paginvestan ng ibang upang pasukin ang business world, ito ay makakapag bigay ng posibleng pagtaas ng ating ekonomiya at makilala rin ang ating bansa bilang isa sa mga top business country sa Asia.

Binigyang diin naman ni Israeli Ambassador to the Philippines Effie Ben Matitayau na mabilis ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas na mayroon aniyang malaking potensyal pagdating sa pag-develop ng mga bagay o pamamaraan na may kinalaman sa food security, IT, ICT, education technology at marami pang iba.










Source: News/ DWIZ

http://www.dwiz882am.com/index.php/mga-kumpanya-mula-israel-interesadong-mamuhunan-sa-pilipinas/

Mga Kumpanya mula Israel, Interesadong mamuhunan sa Pilipinas Reviewed by Unknown on July 03, 2017 Rating: 5   Photo credits to owner Maraming kumpanya sa Israel ang interesadong mamuhunan sa Pilipinas. Partikular na dito ang larangan ng b...

No comments: