Maute-ISIS nasa Palawan na? - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

Maute-ISIS nasa Palawan na?

Photo credit to owner

MANILA, Philippines - Nabulabog ang mga residente ng Palawan matapos kumalat ang ulat na dumaong sa Brooke’s Point at Bataraza lulan ng mga pump boat ang mga armadong kalalakihan na umano’y miyembro ng Maute-ISIS (Islamic State of Iraq and Syria).

Brooke's Point ay isang munisipalidad sa lalawigan ng Palawan, Pilipinas. Bilang ng sensus noong 2010, ang Brooke's Point ay may tinatayang populasyon na 61,301.

Kumalat sa text messages at social media ang umano’y pagdating ng mga terorista sa Palawan na umano’y dito naman planong maghasik ng terorismo. Dahil dito, isang eskuwelahan sa lugar ang nakansela ang klase matapos na magsiuwian ang mga estudyante sa matinding takot.

Bunsod nito, agad na iniutos ni AFP-Westcom Command Chief Lt. Gen. Raul del Rosario sa security forces na beripikahin ang nasabing ulat subalit lumabas na negatibo ito.

Our ground troops double check the information that reached us on the alleged presence of armed men in Bataraza and Brooke’s Point, but yielded negative result,” pahayag ni Captain Cheryll Tindog, Spokesperson ng AFP Westcom.

Nanawagan ang opisyal sa netizens na huwag magpakalat ng mga hindi beripikadong impormasyon sa text messages at social media para hindi ito lumikha ng alarma at pangamba sa publiko.

Hindi pa natatapos ang sagupaan sa Marawi City, may kumakalat na ganitong balita. Ang mabuti pa ay sama-sama tayong  manalangin sa ating bansa. Nawa'y ang mga grupo na nanggugulo sa ating bansa ay maubos at mawakasan na  ng ating gobyerno.





Source" News/ PhilStar
http://www.philstar.com:8080/probinsiya/2017/07/01/1715256/maute-isis-nasa-palawan-na

Maute-ISIS nasa Palawan na? Reviewed by Unknown on July 01, 2017 Rating: 5 Photo credit to owner MANILA, Philippines - Nabulabog ang mga residente ng Palawan matapos kumalat ang ulat na dumaong sa Brooke’s Poi...

No comments: